(Mia's diary entry 45)
Monday, July 4, 1977
Nagkita nga kami ni Ferdie nitong hapon, sa isang roofdeck na malapit sa Bell Clock Tower dito sa unibersidad.
Pinanood lang namin ang paglubog ng araw habang kumakain ng sandwiches at umiinom ng softdrinks.
Hindi na namin kailangan pa ng maraming salita habang magkasama. Ngunit sa huling pagkakataon, ako ay mahigpit na yumakap sa kanya.
Humagulgol na rin ako sa balikat ng aking nobyo.
"Cara Mia, tahan na. Pati ako, naiiyak na rin," biro ni Ferdie. "Babalik naman ako, ito naman."
Napatingin ako sa kanya at pabiro siyang binatukan. "Patawa ka, di na nga nakakatawa ang nangyayari sa inyo ni Bestre!"
"Buti ngumiti ka. Gusto kong baunin ang imahe ng iyong ngiti bago tayo maghiwalay ng landas."
Humalik si Ferdie sa aking noo. Nanatili ako sa kanyang mga bisig.
At nang oras na para kami ay maghiwalay, pinauna niya akong umalis.
Labis ang aking pagpipigil sa sarili na hindi na siya lingunin pa. Umagos nang muli ang aking mga luha hanggang sa makasakay ako sa aking kotse para magmaneho pauwi.
Alam kong iba na ang aming magiging kapalaran sa mga susunod pang araw.
Mia
BINABASA MO ANG
Restless Hearts | Epistolary
Historical Fiction"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she discovers a popular band in her university. She develops a crush on one of the band members and beg...