"Okay class, we will having a debate nextweek. Magkakaroon tayo ng 5 members each groups and ofcourse I won't let you to choose your groupmates."
May kung anong kinuha si ma'am sa pouch nya, maraming klaseng papel yun at iba iba ang kulay, isa isa syang lumapit saamin at nagpakuha ng isang papel. bubunutin Ito sa box kaya swertehan nalang kung magkasama kami ni Plea
I pick the blue colored paper, dahan dahan kong inilihis ang ulo papunta sa kinaroroonan ni Plea para tanungin sya kung ano ang kulay na napili niya
'di pa man ako tuluyang nakakalingon ay parang biglang tumalon ang puso ko ng kilabutan sa katabi ko, nagtanong si Alex kung anong kulay ang nadampot ko
"Blue."
"Ouch, yellow akin. ayaw talaga satin ng tadhana" madamdamin syang humawak sa dibdib
"Yes, ako rin, eh, ayaw sayo." Hindi ko alam pero para akong nilayo sa kapahamakan nang malamang hindi ko sya magiging ka grupo.
Hindi ko na natanong si Plea nang magsalita na si Ma'am sa harapan
"Okay, 6 colors lang ang nandyan since 30 students lang naman kayo. green, blue, red, yellow, orange, and pink."
"Now, pumunta ang magkakakulay sa isat isa."
Nagsitayuan na sila kaya sinamantala ko na ang pagpunta kay Plea "P-Ple." Kabado kong tawag
"Anong kulay mo?" Nauna na syang nagtanong ng itatanong ko
"Blue."
"Shit sayang, green ako kainis saglit hanap ako ng pwedeng makikipag palit."
Walang pumayag makipag palit kay plea kaya no choice ako, si mary lang ang close ko sa mga ka grupo ko
"You all done class, then choose the leader or representative of each group."
Lumihis ako ng kaunti sa pag kaka-line nila upang 'di makita, ayokong maging leader o ano man gusto ko lang maging dumbbell dahil buong junior high na akong nagbuhat maawa sila sa muscles ko.
"Ako na ang leader." Pag re-representa ni Mariel
"Si Solaine nalang." Para akong bumalik sa katinuan ng marinig ko ang pangalan ko
"Hindi na, si-si Mariel nalang kaya nya naman maging leader." Sunod sunod ang pag iling ko
"Ako na guys, wag kayong mag alala" ani ni Mariel
"Gustong maging leader tapos wala namang gagawin, puro tiktok lang." Narinig ko ang bulong ng katabi ko na kagrupo din namin
"Sayang hindi kita ka grupo." Naiinis na pag rarant ni Plea habang naglalakad kami
"Ayos lang yan, Kaya mo na yan." Pagpapalubag loob ko dito
Nang makauwi ako sa condo ay agad akong nag open ng mga social media accounts, ilang weeks na rin akong 'di nakakadalaw kay mama sobrang busy ko na dahil hindi pwedeng wala kang assignment o activity na gagawin kapag uuwi
From: Stephano Mab
[ Good evening, blushy ]
Hindi pa man ako nakakahubad ng uniform ay napadiretso na ako sa pag higa nang makita ko ang pangalan nya sa screen ng cellphone ko, kung ano ano nalang ang tinatawag sakin nito. ayokong maging assumera pero baka may gusto na sakin to ha
To: Stephano Mab
[ Anong blushy ka riyan? Gusto mong mukha mo ang papulahin ko? ] natawa ako ng isend ko yun, nagmumukha pa akong pabebe
From: Stephano Mab
[ Sige, please.🙏🏻🙏🏻🙏🏻 ]
Nasamid ako ng sarili kong laway nang mabasa ko ang reply nya, anong sige please willing pa sya, ha, at gustong gusto nya pa, 'Di ko pa man sya narerepyan ay nag message na ulit Ito ng dalawang ulit
YOU ARE READING
The rain and eclipse (Highschool Series #1)
RomanceSolaine thalia pandora the humss student the only child, the owner of cafeteria will meet the smart stem student who named stephano mab cejuano. Let's witness how the rain and eclipse will express their feelings