Chapter 37

77 9 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kakapasok lang na si stephano sa kwarto ko, pilit kong pinakaswal ang boses ko, at kinalma ang sarili na para bang walang alam.

"For you, I want to talk with you." Iba ang tono ng pananalita niya ngayon

Hindi ko masabi kung malungkot, masaya o galit. Basta kinakabahan ako sa mga sinasabi niya.

He want to talk with me? Sasabihin niya na ba ang totoo na he have an affair and he will end our relationship?

"Saan ka galing kanina?"

Sandali kong binago ang topic, ayokong malaman agad ang katotohanan.

"Sa company." Pag sisinungaling niya.

"Kailan kapa natutong mag sinungaling, stephano? Wala ka dun kanina!" Medyo tumataas na ang boses ko

"Pumunta ka doon?" Tanong niya pabalik, kita ko sa mga mata niya ang pag ka balisa.

"Sagutin mo ang tanong ko, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"

Ramdam ko na sa kahit anong pagkakataon sa mga oras na Ito ay tutulo na ang pinipigilan kong luha.

Napatingin siya sa cellphone niya, at bumalik ang tingin saakin, marahan itong umiling

"Hindi ko alam na tumatawag ka."Pag dedepensa nya sa sarili niya.

Pinilit ko parin ang pag ngisi kahit sobrang sikip na ng puso ko, patawa ba 'to?

"Tell me, are you cheating?" Sinakto ko ang mata ko sa mga mata nya

Alam kong kahinaan nya ang tignan ko siya ng ganun, iniwas niya ang mata at marahang tumalikod.

"Hindi kita niloloko, sol, hinding hindi kita kayang lokohin."

Tumalikod ito at pinasadahan ng kamay ang mukha at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

"But you did, niloko mo ako at saksi pa ang dalawang mata ko." Tuluyan ng bumagsak ang luha ko

Masyado ng napapalakas ang pag hikbi ko, nakatalikod ito saakin at napahinto nalang. I know that he can't watch me on this situation, he hate when I'm crying.

"Sol, please. Stop crying, I don't have intention to cheat, wala 'yan sa vocabulary ko." Nakatalikod parin ito saakin

Rinig nadin ng mga tenga ko ang pag biak ng boses niya.

"Pumunta ako kanina sa kumpanya ninyo.....I ask them if andyan kaba sa office mo....but...but they said na wala ka....ilang beses kitang ki-kinontact, pero pinatayan mo ako ng cellphone nung una. Ma-mab, kailan kapa natutong pag sinungalingan ako?"

Pilit kong ipaliwanag sa mahinahon na boses ang lahat, but my tears was traitor.

Napaupo ako sa kama ko, he's still standing, nakatalikod saakin at ang tingin ay nasa terrace sa may glass door.

"Hindi ako nag sisinungaling, solaine. Nanduon ako sa opisina ko kaninang umaga." Humarap Ito saakin, kita ko ang pamumula ng mata niya.

Kaninang umaga? Kaninang umaga lang siya nandoon, kaya tama! kilala ko kung sino ang nakita ko, 'di ako pwedeng magkamali.

"Sino ang kasama mong babae?" Buo ko na kung mabigkas ito, hindi na ako nagpadala sa pag hikbi.

Lumapit Ito saakin, nakatingin ako sa gilid habang nasa harapan ko siya.

"Solaine." Ani nito sa pangalan ko

"Sagutin mo ako, sino ang kasama mo kanina? It's trixia?" Hinarap ko ulit ang mga tingin niya.

"Sol-"

"Sagot!" Nasigawan ko ito sabay tayo sa harapan niya

Ramdam ko ang pag atras ng mga paa niya, I'm still looking at him. Sunod sunod na ang tulo ng luha ko.

"Oo, si-si trixia yun, but believe me hindi kita niloloko." Nakita ko na na may kung anong likido na ang tumulo sa mata niya.

"I'm right." Marahan akong ngumisi at tumalikod "You can leave." Ani ko dito

"Solaine, please pakinggan mo ako, ayoko nang mangyare pa ang nangyare saatin noon." Pag mamakaawa nito saakin

"Ginawa mo na, you broke me again. Masakit stephano, sobrang sakit."

"Hayaan mong mag paliwanag ako, hindi ako aalis ngayon, at nangako ako sa sarili kong 'di na mauulit ang nangyare noon!"

Tumahimik lang ako, hihintayin ko kung ano man ang paliwanag niya, galing -galingan niya lang kung sakaling mag sisinungaling siya.

"Pumunta si trixia kanina sa kumpanya ko, at hindi lang iyun ang unang beses siyang pumunta doon."

U-umamin ka din, madalas silang nagkikita ni trixia? Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa tuwing naririnig kong magkasama sila.

"She want to back with me."

Bilisan mo na, mab. 'Wag mo na akong pahirapan pa.

Ramdam ko na ang pagkabalisa at pagtangis sa boses nya, he's telling the truth.

"But trust me, sol. Wala na akong pakeelam sa nararamdaman niya, ilang beses ko siyang pinagtabuyan sa tuwing pupunta sya doon, hanggang sa pina ban ko na siya sa guard."

"Ngunit kanina, hindi ko alam kung paano ulit siya nakapasok, ipinaalis ko ulit sya hanggang sa ako na mismo ang maghatid sakanya palabas, nang papasok na ako ay may kung anong sinabi siya na pumantig sa tenga ko, she will hurt you. Hindi siya aalis sa lugar na 'yon kung hindi niya ako makakasama."

Unti-unti kong inilihis ang ulo ko papunta sa kinalalagyan niya, he's still staring at me. Ako naman ang nakakaramdam ng pag ka akward ngayon.

"Ipinasok ko siya sa sasakyan ko, and trust me I don't even know na tumatawag ka saakin, ngayon kolang nakita ang missed calls mo."

"Saan mo siya dinala, saan kayo nag punta?" Pilit kong pinakalma ang boses ko.

Kumbinsido ako sa mga sinasabi niya, I know that he's telling the truth, alam ko kapag nagsisinungaling saakin si stephano.

"On her condo, but after that itinapon kolang sya doon at umalis na, ayun ang lahat nang nangyare, solaine."

Pinunasan ko ang natirang luha sa mga mata ko, marahan akong umusog palayo sakanya at tinignan siya.

"Anong nangyare noong November 17, 6:30-7pm sa office mo?" Seryoso kong tanong dito.

Tinignan nya ako at kita ko sa mga mata niya ang pag kagulat.

"Bakit, burado ang CCTV footage ng mga oras na 'yon?" Pahabol ko pa sakanya.

Kitang kita ko na sa mata nya ang pag ka-kaba at pag ka balisa.

"I can explain to you, solaine." Tanging nabigkas niya.

Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa mga sasabihin niya, kitang kita ko ang nangyare nung mga oras na yun sa ibinigay na cd saakin, galing-galingan mo nalang sa pag sisinungaling, stephano.

The rain and eclipse (Highschool Series #1)Where stories live. Discover now