chapter 29

100 16 0
                                    

Parang ayoko nang bumangon pa sa kama ko rito ko nalang nararamdaman ang pahinga. Ang paglapat ng likod ko sa malambot na bagay na hinihigaan ko.

Gusto ko pa sanang bumalik sa tulog ngunit naalala kong may usapan kami ni Direk na I will fix the all issues and he was leave a promised last day na tutulungan niya ako about this

Bumangon na ako at ang sumalubong nga saakin ay si mama, I found her, she's cooking.

"Oh, Thalia. Napadaan dito ang manliligaw mo kanina."

"Okay ma, anong sabi?" Tuloy-tuloy ako sa paglalakad papunta sa fridge

Hindi ko pa naiinom ang kinuha kong tubig ay may kung ano akong narealize, kaya napatingin ako kay mama na sa ngayon ay tumatawa.

"Sinong manliligaw, ma? Wala akong naalalang pinayagan kong manligaw!"ani ko rito, mas lalo pang lumakas ang tawa nya. Pinangsikitan ko sya ng tingin kahit nakatalikod Ito saakin

"Si Stephano, Thal, yung poging engineer." Todo parin sya sa ginagawa nya habang inaasar ako.

Wow, akala ko matatapos na ang panunukso saakin dito kay Stephano

From Stem Student to poging Engineer, what a real quick.

"Hindi ko sya manliligaw, ma." walang emosyon kong ani rito nang umupo ako sa breakfast table

"Manliligaw mo nga sya, nak." Paulit ni mama

"Hindi nga po."

Ba't ba ang kulit ni mama ngayong araw, at bakit ba pinagpipilitan ni mama na manliligaw ko si Stephano, eh kahit si Stephano nga ay 'di nagtanong saakin.

"Nak," pagtawag ni mama, nakatalikod parin sya dahil nag hahain na sya

"Po?" Maiksi kong ani habang kinakalikot ang cellphone

"Paano kung ligawan ka nung engineer?" Tanong nito, tinignan ko Ito dahil bakit parang biglang pabor na pabor na sya sa lalaki

"As if naman kung papayag ako." I smirked

"Pahabaan ba ng buhok 'to, Thalia? Ganda ka, ganda ka?"

"Ewan ko sayo, ma" pag tawa ko

"Liligawan ka niya, nak, pumayag na ako." Nagtunog pang lalambing ang boses ni mama

"Ha?" Nagulat ako sa narinig ko, manliligaw siya saakin ng 'di ko alam?

Lumapit saakin si mama, sa pagkakataong ito ay parang seryoso na sya, 'di na siya ngumingiti o nagpapakita ng mapanlokong expression.

"Bakit ba ayaw mo sakanya, 'nak?" Umupo ito sa harapan ko para mag sentro ang mga mata namin.

Napabuntong hininga nalang ako, parang wala lang nangyare saamin nung mga panahong 'yon, ano kayang pinakain nun kay mama?

"Ma, parang hindi niyo naman po alam ang nangyare noon." Humina ang boses ko

"Alam ko."

"Oh, alam niyo naman po pala."

"Kaya nga, naaawa ako sa bata." Lumambot ang boses ni mama

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Ang problema namin, natin, ay si Stephano ang sumalo, sa katunayan wala syang kaalam alam sa mga pinasok ng mommy niya, pero sya parin ang nag suffer."

Pinakinggan ko lang si mama, nagkukwento pala sakanya si Stephano. Sabagay ilang araw na rin akong hindi lumalabas ano bang malay ko.

"Mga panahong 'yon ay kailangang kailangan ka niya, anak, pero pinili mo parin syang saktan, para ka lang nanakit ng biktima at tumulong sa tunay na kriminal."

The rain and eclipse (Highschool Series #1)Where stories live. Discover now