chapter 10

181 30 0
                                    

"WHY you need to leave?"

Naguusap kami ni kuya Ruis at nabanggit nya ang pag alis, he will go to italy nagkaroon daw ng sakit si mom and she needs one of us.

"Hindi pwedeng ikaw ang umalis Mab, you need to finish your study. I can do this."ani niya habang nag iimpake

"Pwede namang umuwi nalang sya rito, paano si ate Nancy your fiance?"tanong ko

Pilit kong pinipigilan si kuya na umalis, sya nalang ang meron ako rito I don't want to leave him.

"Nag-usap na kami ni Nancy about dito, tatapusin niya lang ang contract nya then she will go on Italy too. Ikaw pag natapos mo ang pag aaral mo pumunta ka nalang."

"Ngayon kana ba talaga aalis?" I asked, my tears want to fall pero pinipigilan ko. Gaano katagal akong magiisa? Iiwan nila?

"Tomorrow ang flight ko, may pasok ka nun 'wag mo na akong ihahatid okay. " He stand up, nakaupo ako sa edge ng kama nya habang pinapanood sya

He tapped my shoulder "Your study Mab, wag loloko-loko. Date lang ng date ng girls but always remember, think before you lick." he chuckled

"Click." I corrected.

"I'm just kidding, I will missyou young bro. One thing, our branches alam kong kaya mo nang patakbuhin 'to don't worry nagsabi na ako kay uncle David na alalayan ka baka dalaw-dalawin kapa ni uncle rito or baka ikaw ang pumunta roon." ani niya

Our uncle David, it's  my daddy's older brother pinaka favorite kong uncle sa lahat. Ibang iba sya kay daddy

Aalis na maya-maya si kuya, hindi ko na sya maihahatid dahil mas pinili niyang pumasok ako kesa ihatid sya.

"Bye, ingat kayo!" ani ko nang sumakay na sila sa van, ihahatid sya ni ate Nancy sa airport.

"Anyway Mab, ikamusta mo nalang ako kay Solaine ha."kumindat pa saakin ito na parang nang aasar

"Oo mo, umalis kana nga." ngisi ko

Umandar na ang sinasakyan nila at laglag balikat akong pumasok sa loob, I miss him agad agad.

Walang dala si kuya kung 'di ang mga damit nya lang, his car, iniwan niya rito, nagulat ako nang may mag pop up na message sa phone ko. tinignan ko at si kuya yun parang di panga ata sila nakakarating sa airport nag chat na agad

From: Kuya

Goodluck to your contest bro, ipanalo mo para kay Solaine go go kapatid ko yan!!

Biglang napalitan nang pag ngisi ang matamlay kong reaction kanina, mas lalo ko tuloy syang namiss.

To: Kuya

Goodluck your ass.

Ilang weeks nalang at mag sisimula na ang naturang program, nagmamadali akong pumunta sa school dumiretso ako sa classroom nila Solaine but wala akong naabutang Solaine dun at ang tanging nakita ko lang ay si Alex

"Oh anong ginagawa mo rito?" Tanong nya habang nakikipag handsign

"Si Solaine?"tanong ko habang nililinga linga ang paningin.

"Official na ba kayo?"

Tinignan ko sya ng seryoso ng hindi nya sagutin ang tanong ko, napaubo sya bago magsalita.

"Hindi ko alam, ilang araw na rin syang hindi pumapasok. Baka busy sa pag re-review" napalunok nalang ito

Bigla akong nag alala, ano kayang dahilan nya? nagmessage ako sakanya kagabi pero hanggang ngayon ay wala parin syang reply. Bakit ganto nalang ako kung mag isip kay Sol anong meron saakin? Hindi ko maintindihan, gusto ko na ba sya?

The rain and eclipse (Highschool Series #1)Where stories live. Discover now