chapter 13

153 24 1
                                    

1:30pm na kami nang makarating sa school, magkasama kami ngayon ni Mab sa room ko

Habang may nilalagay sya sa wallet nya ay nakita ko ang childhood pictures ko rito, nasakanya parin pala ito.

"Nasa'yo parin pala yan." ani ko

Alam nya naman kaagad ang tinutukoy ko kaya tumango sya at sinara ang wallet "Ah oo, syempre naman I will keep this forever cute kaya ng batang yun. Natutulog na kaya sa tanghali yun." pabiro nya pa

"Sira ka talaga." tawa ko

Inaayos ko na ang mga gamit ko dahil iiwan ko ito rito mamaya. But, may umagaw ng pansin ko, isang keychain! pamilyar na keychain hawak hawak ni Mab yun.

"Patingin nga ulit ako." ani ko nang ipasok nya sa shoulder bag ang keychain na nakita kong hawak nya kanina

"Nang alin?" tanong nya na nagtataka

"Yung keychain ata yun, pinasok mo sa bag mo" Ani ko

"Ah, okay okay."

Nilabas nya iyun at Inabot saakin, na estatwa ako ng makita ko ang keychain na iyun pa-paano nya 'to nakita? saan nya nakuha?

"Sa-sa..an mo to...na-nakita?" hindi ko makompleto ang sasabihin ko dahil sa sobrang gulat habang pinag mamasdan ang hawak ko, oo nga Ito nga yun lalo na't naalala ko nanaman kung paano ilarawan saakin ng ale dati ang keychain na iyun.

"Nakita ko kanina sa mall, so I decide to bought. why, may problema ba?" nakita ko na rin ang pagtataka sa mukha nya

Nilapag ko muna saglit ang keychain na iyun at may kinuha sa wallet, kinuha ko ang isang keychain na katulad din ng sakanya

Nagtataka na sya sa ginagawa ko, pinag dikit ko ang keychain na akin at ang keychain na sakanya sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako "ETO NGA!"

"Ha?" Tanong nya

"Hati ang keychain na hawak mo, at ang kahati nyan ay nasa saakin. more than 6 years ko nang hinanap yan dito sa manila, ayan din ang hinanap ko kanina pero hindi ko naman nakita." paliwanag ko

Kwinento ko na ng buo dahil naaawa na ako sa kuryoso nyang mukha

"Noong nag simba kami ni mama dito sa manila ay may nadaanan kaming mang huhula, no'ng panahong yun ay naniniwala ako sa mga gan'yan gan'yan pati sa kulam. ayaw pa nga ni mama magpahula dahil hindi naman daw totoo yan at sayang lang sa oras pero pinilit ko sya, iniwan ako saglit ni mama sa aleng iyun para bumili ng makakain."

Nakita kong nakikinig din sya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko, he was staring the keychain at pinagdidikit nya rin ito

"I admit na sa murang edad ay maharot na ako pero I proudly to say na wala pa akong boyfriend." paningit ko, nakita ko namang namangha Ito at napangisi

"Tinanong ko ang manghuhula kung kailan ako magkaka boyfriend, yes I'm just  11 years old that time nakita ko pang ngumisi ang manghuhula, she said na before my 16th birthday ay bumalik daw ako sa manila Inabot nya saakin yang keychain na iyan at hanapin ko raw ang kahati noon sa bangketa o kung saan may mabibilhan dito lang sa buong manila."

"At 'pag nahanap ko raw yun, sa mismong araw daw na 'yon ay makikilala ko ang para saakin, funny right? bumalik ako rito nung one day bago mag 16 ako kasama ko sina Plea pero wala akong nakitang keychain na kahati nyan. Then now nakita ko naaaa!" masaya ko pang ani

"Then what does that mean?"Tanong nya saakin, nababasa ko sya sa mga ngiti niya kaya napangiti ako.

"You already saw your forever?" ngisi niya

"Baliw talaga, but maybe on this day makikita ko na."

Nakita ko ang pag simangot sa mukha nya kaya mas lumakas pa ang tawa ko "And I don't need to find it, 'cause I already saw him." banat ko pa, pero may tunog seryoso ang boses

The rain and eclipse (Highschool Series #1)Where stories live. Discover now