"What??"
Nagulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Sharon mula sa telepono.
"Maganda naman na ang studio natin diyan, at isa pa bakit kina Mr Cejuano pa tayo kukuha ng magiging Engineer?"
Ako ang na i-stress, bakit ba pilit akong nilalapit ng tadhana sa lalaking 'to
"Hindi ko alam, ate Sol, bakit ba ako ang tinatanong mo? Ayaw mo nun mas mapapalapit ako sa crush ko."kinikilig pa nitong saad, wala sa hulog kong pinatay ang cellphone at napaupo nalang sa sofa.
Kakagising ko lang at ang balitang iyun ang tumambad saakin, anong naisipan ng president ng studio at bakit kailangan pang gumawa ulit ng isa pang studio? Napahimas nalang ako sa sintido ko, kalaunan ay kumalma narin ako dahil bakit nga ba ako nagpapaka stress, eh hindi naman ako magpapalipat kung sakaling iyun ang gawin.
I'm the head of the BMA or broad media art, I can choose what I want at sana suportahan nalang kami ng president ng station namin.
Si Sharon at ang ilang pang anchor ang mag babalita sa araw na 'to dahil sabado, weekdays ang schedule ko doon at minsan ay gabi minsan din ay umaga, depende nalang.
Naisipan kong ichat si Kai para magpasama sa spa, sobrang nakaka stress ang nangyare saakin nitong mga nakaraan.
Naghintay ako sa spa na favorite naming puntahan every weekend, busy din ngayon si Plea dahil nasa ibang bansa sya, ganun din si Anya. Kaming dalawa lang ni Kai ang nandirito sa pilipinas, at baka nga sa nangyayaring ito ay maisipan ko nalang din na lumipad.
"What time our we now?" Tanong ko sa nagmamadaling si Kai papunta saakin.
"8:30am." Hinihingal nitong sagot.
"What our call time?" Walang emosyon kong tanong.
"8:20, oh 'wag ka nang magalit, kasalanan ko bang nagkaroon pa ng emergency kaya dumaan muna ako sa company, ikaw na nga lang magpapasama galit kapa." Pagtataray nito saakin
"Blah blah blah, tara na nga ansakit na ng mga kuko ko." Pabiro ko rito at pumasok na nga kami sa loob ng salon.
Nang makaupo kami at may nag aassist na saamin ay napasandal nalang ako, pakiramdam ko'y naiibsan ang pagod ko.
"Ano bang nangyare saiyo? Bakit nag mamaldita ka nanaman?" Tanong nito saakin nang tignan ako sa gilid nya
"Ang sabi ko kasi sayo, mag jowa kana kulang kalang sa jugsjugs." Ngisi pa nito, narinig ko rin ang mahinang pag tawa ng mga naglilinis ng kuko namin.
"Ang baboy mo, wala nga si Plea ikaw naman pumalit sa kakaganyan mo."
"Oh oo na, ano ba kasing nangyare sayo?"
"Eh kasi naman sis...." Huminga ako ng malalim at umayos ng upo para makita ng kabuuhan ang mukha niya.
"Ano?" Inip nitong tanong.
"Wala ka talagang kwentang kaibigan, bakit 'di mo kasi pinapanood ang mga show ko this past few days." Pang ookray ko rito.
"Sorry naman, malay ko bang kahit pagligo ay nakakalimutan ko na dahil kahit nasa bahay ako ay trabaho parin."
"Yuck, Kai."
"Wag ka ngang maarte riyan, ikaw nga dati dyan kumakain ng kulangot."Malakas nitong tawa.
"Ano ba, Kai, nakakahiya 'to. 'di ko namang gawain yan."tinarayan ko ito at tumuwid ng pag kakaupo.
"Oh ano ba kasing nangyare, gusto mo pa bang ireview ko mga show mo?"
Sasagutin ko na sana ng may biglang sumulpot saaming dalawang babae.
"Uy si Ms Solaine." Bati ng isang babae, nginitian ko lang 'to bilang tugon
YOU ARE READING
The rain and eclipse (Highschool Series #1)
RomanceSolaine thalia pandora the humss student the only child, the owner of cafeteria will meet the smart stem student who named stephano mab cejuano. Let's witness how the rain and eclipse will express their feelings