"Hatid na kita."
nasa gate na nila ako papalabas, nag paalam na ako sa kuya nya and nagpasalamat. Parang mas bet ko pa yung kuya nya
"Kaya ko na sarili ko, anyway thankyou" ani ko bago buksan ang gate
Wala akong ibang dala kun'di ang cellphone ko lang at ang supot kung saan nakalagay doon ang pinaghubaran ko, suot suot ko ang damit ni mab pinahiram nya ako at baka mas sobrang laki saakin kung kay ruis pa ang gagamitin ko
Since alam ko naman ang lugar dito ay ako na mag isa ang umuwi, mabuti nalang ay mahilig akong mag lagay ng pera sa likod ng case ng phone ko pero 80 lang 'to saktong pamasahe nga lang kung sakali.
Sinara ko na ang gate at tuluyang humakbang palayo at nang tanawin ko sya ay nakatingin parin saakin 'to, hindi ko na pinansin at mas binilisan pa ang pag lakad
Malayo pa kaunti ang sakayan at andami kong nakikitang kung ano anong pagkain sa daan pero sakto nalang ang pera ko at hindi ako pwedeng makaapak ng kahit anong kamatis dahil wala akong pang bayad dito. ayaw ko namang tawagan ang mga bruha baka magtaka sila kung bakit nandito parin ako kahit ang sabi ko ay nasa condo na ako.
Kinompute ko ang dala ko para sa pamasahe, kung hindi ako mag je-jeep makaka save ako ng 30 pesos at kung hindi naman ako mag ta-tricycle 50 pesos ang masesave ko pero parehas malayo kung lalakarin pero mas nag ke-crave ako sa mga nakikita ko.
No choice man pero ginastos ko ang pera na dapat pang jeep, bumili ako ng palamig na halo halo ang kulay pero masarap. Now lang ako nakatikim nito dahil 'di naman ako umiinom ng kahit anong palamig na makikita sa daan. bumili ako ng 15 pesos na kwek-kwek and omg pwede ka pala makabili ng 5pesos na fishball
Umupo muna ako sa gilid ng nagtitinda nun para kumain, nagulat ako ng may lumapit saakin at naglagay sa baso ng palamig ko ng barya. ubos na ang palamig na ito, anong akala nila I'm homeless? wtf 'di ko sila magets bat nila ako binibigyan ng limos
Tinanggap kolang iyun ng tinanggap may iba pang nag papapicture pero tinatakpan ko ng bahagya ang mukha ko dahil baka ipost nila 'to
Pag ka ubos ko ng pagkain ko ay tumayo na ako, baka mamaya ipadala pa ako sa kmjs or rated k.
naglakad na ako at inayos ang damit ko, cargo short ang suot ko na brown which is pag mamay ari rin ni Mab
Nang bilangin ko ang pera na nasa cup ay umabot Ito ng 33 pesos makakapag jeep na ako, umabot sa tenga ang ngiti ko at tinapon sa gilid ang plastic cup nandito na ako sa sakayan at nag hihintay nalang ng jeep, medyo matatagalan dahil punuan daw ang kailangan. Sa wakas may jeep na! sumakay na ako at madami naring pasahero
Nagulat ako nang may biglang kumalabit saakin
"Ate pahingi po pambiling pagkain." dalawang bata Ito na sobrang dungis hindi ko alam ang gagawin ko dahil ipapamasahe ko pa 'to, pilit ko mang ignorin yun pero 'di ko magawa binigay ko ang 20 pesos at nung aakma na akong bumaba sa jeep para maglakad ay umandar na ito.
gusto kong sumigaw ng para pero nahihiya ako
"Bayad po."sabi ng nasa tabi ko
"Bayad daw po."abot ko namann sa unahan
Parang gusto ko nalang sumabit sa jeep dahil sa kahihiyan, tatanggapin nya kaya ang 13 pesos? naiipit na ako ng mga pasahero siguro'y 'di na ako nakikita ng driver. Hindi ako makatingin sa driver na kanina pa tumitingin sa mga pasahero nya nahihiya ako, kahit pag para ay 'di ko magawa
"Para po."
Sa wakas may pumara din, pag ka baba nya ay bumaba na rin ako. nagulat ako at para bang nag unahan ang tibok ng puso ko ng tawagin ako ng driver
YOU ARE READING
The rain and eclipse (Highschool Series #1)
RomanceSolaine thalia pandora the humss student the only child, the owner of cafeteria will meet the smart stem student who named stephano mab cejuano. Let's witness how the rain and eclipse will express their feelings