chapter 14

121 22 0
                                    

Nagising ako na para bang sobrang gaan ng lahat, inikot ko ang ulo ko sa gawi ni sol nakita kong nakatalikod ito at halatang ang sarap ng tulog.

tumayo ako, at tinignan ang oras sa bag ko nandoon ko nilagay ang wrist watch ko

lumabas ako para bumili ng makakain namin, Baka pag balik ko ay gising na si solaine.

agad napako ang tingin ko sa babaeng pamilyar, no I actually know her. Dito sya natulog sa school? Samantalang t'wing may laban noon ay di nya kinakaya ang pag tulog sa kahit saang school, pero bakit ko ba 'to iniisip, tinititigan, inaalala ang mga maliliit na detalye tungkol sakanya.

hindi pa man ako nakakalingon ay lumingon na Ito saakin pabalik, competitive na ngiti tinapik nya ang balikat ng kausap nya kaninang lalaki at nakikita kong papalapit saakin.

iniwas ko ang tingin ko at nag simulang tumalikod para umalis na dito, baka mamaya ay gising na din si sol at hinahanap ako.

"stephano." si trixia. Natigilan ako sa tawag nya saakin may halo pang malambing na tunog Ito

hindi ako lumingon at pinagpatuloy ang paglalakad, bakit ba ako na didistract sa babaeng 'to? wala naman na syang papel sa buhay ko pero bakit parang nakadikit na ang paa ko sa kinatatayuan ko ngayon.

"aalis kana? 'di ka man lang bumabati, sabagay ganyan din ginawa mo noon. UMAALIS NG WALANG PAALAM." pinagdiinan nya pa ang mga salitang lumalabas sa bibig nya, nang iinsulto ba itong babaeng to? bakit parang ako pa ang may kasalanan sa nangyare noon?

dahan dahan ko syang nilingon, at tinignan ng masama "ano bang problema mo, trixia."Pagalit kong tanong dito sa mahinang tinig.

nakita ko ang pag ngisi nya na mas nakainsulto pa saakin "ako pa talaga ang may problema? tinatawag lang naman kita pero dahil rude ka wala kang pakeelam—"

"Eh ano naman sayo!?" napagtaasan ko sya ng boses sa hindi sinasadyang pagkakataon. "gagawin ko kung ano ang gusto ko, ganyan ka din noon diba? ginawa mo yung mga bagay na gusto mo." napangisi nalang ako ng maalala ko ang sakit na nangyare noon

"but stephano, that's just accident." narinig ko ang pagkahina ng boses nya na para bang nagmamakaawa na paniwalaan ko sya

"after all, trixia? sa tingin mo may maniniwala pa sayo. Sa lahat ng sinabi mo wala pa sa isa ang totoo kaya please tigilan mo na ako." dahan dahan kong itinaas baba ang mata sakanya sabay tumalikod.

"buseeeeeet!" iniwanan ko sya na nababalot ng inis.

Pumasok muna ako sa isang restroom sa cafeteria, gusto kong mahimasmasan sa galit na nangyare. Agad naman gumuhit sa imahinasyon ko si solaine na syang nagpakalma saakin.

Di kalaunan ay bumalik ako kaagad sa room na tinulugan namin, may dalang coffee at pandesal nabanggit nya saakin nung mga nakaraan na gusto nya daw Ito.

Pagkabalik ko ay agad kong nilibot ang mata sa loob ng kwadradong kwarto ngunit walang solaine ang nahagip ng mata ko, asaan sya?

pumasok ako at kumatok sa cr pero bukas Ito, siguor'y nag ikot-ikot lang o hinanap ako dahil 'di rin ako nakapag paalam

umupo muna ako at inayos sa isang maliit na table ang binili, before lunch ay uuwi nadin kami. Nagulat ako ng may marinig akong boses na papalapit sa kwartong 'yun dalawang babaeng nagtatawanan.

Inaabangan ko ang babaeng yun sa pinto dahil boses yun ni sol, nakangiti akong sinalubong ang pagtapak nya sa pintuan at napalitan naman Ito ng pag kamuhi ng makita ko kung sino ang kasama nya

"solaine." napabulong ako ng makita ko sya ngunit mas lalong humina ang bulong ko ng makita ko ang kasama nya "trixia."

"uy goodmorning mab, kanina kapa?"napabalik ako sa katinuan ng magsalita ang malambing na boses ni solaine.

The rain and eclipse (Highschool Series #1)Where stories live. Discover now