"Nasaan ka?"
Tanong ni Mab na nasa telepono
"Nandito sa apartment, kasama ko sina Plea." Sagot ko naman dito.
" I send mo ang address, pupunta ako. Gabi na, sol." Ani niya pa
"Magkita nalang tayo sa tapat ng jollibee rito sa may carmona." Ani ko pa
Pagkababa ko ng cellphone ay nagpaalam muna ako kina Plea para bumili nang makakain.
Lumuhod ako sa tapat ng kakagising lang na si Aida "Ano ang gusto mong bilhin, Aida?" Tanong ko sa malambing na boses.
"Jabeee!" Masaya pa nitong tugon, nginitian kolang 'to at inaayos ang buhok.
"Mag karenderya nalang tayo, Aida, masyadong mahal ang jabee." Pag kontra naman ni Plea, nakita ko ang pag ka lungkot ng hitsura ni Aida ngunit pumayag din ito.
"Napaka kontra bida mo naman, Plea, minsan lang magdaing ang bata oh,"ani ko kay Plea. " Hintayin mo si ate Sol, bibili tayo maraming maraming jabee." Pag balik kong tingin kay Aida. Napa yes at napayakap naman Ito saakin dahil sa saya.
Tinignan ko si Plea at napailing nalang Ito. "Mauuna na ako." Ani ko sa kanila. Busy si Anya kaka tipa ng kanyang cellphone, hinuhugasan naman na ni plea si Aida at samantalang si Kai ay inaayos ang apartment.
Wala pang ilang minuto ay nakarating na ako sa pagkikitaan namin ni Mab, nakita ko na ang sasakyan nya na nakaparking kaya itinabi ko na ang akin doon.
"Mab." Tawag ko rito nang makababa sa sasakyan.
Napalingon naman sya kaagad ng marinig ang boses ko, halatang bagong ligo lang sya naka black cargo short, black t-shirt and black cap, pati ang denim na jacket ay black.
"Nakakahiya namang dumikit sayo, ang bango mo parin." Ani ko kaagad nang makalapit sya saakin.
Ngumisi lang ito at inamoy pa ang manggas ng damit ko "Ang bango mo rin kaya, sobra." Feel na feel nya pa.
Pumasok na kami sa loob ng jollibee baka kasi rito pa kami sa labas magka singhutan. Sya na raw ang mag o-order, hindi ko naman ito mapipigilan dahil hindi rin sya mag papatalo.
"Ano pong order niyo, Sir?" Tanong ng nasa cashier. "Sainyo beh?" Pag lipat nya pa ng tingin saakin.
"Iisa lang po ang order namin, ma'am." Ngiti ko rito. "Ay pwede po bang makabili ng spaghetti toys?" Tanong ko pa, tumango naman Ito kaagad.
Nagtitipa ako sa cellphone ko para magtanong sakanila kung ano pa ang bibilhin nang bigla nalang akong mapatigil sa narinig ko.
"Ang cute naman po ng kapatid niyo, Sir." Bulong pa nito kay Mab ngunit rinig ko iyon.
Narinig ko pa ang mahinang pag tawa ni Mab at hinimas pa ang ulo ko. Hanggang balikat niya lang kasi ako, so kasalanan ko bang 6 footer 'tong manliligaw ko.
" Gf po—"
" Hindi kopo yan kuya, ate." Pagputol ko kay Mab, anong gf gf 'di ko panga sya sinasagot. Pala desisyon talaga
Nang makuha namin ang order at lumabas na kami, dumaan muna kami sa katabi nitong 7/11 dahil nagpapabili ng kape si Plea.
At ang problema naman namin ngayon ay kung kaninang sasakyan ang dadalhin. Since tamad ako mag drive ay kay Stephano na ang gagamitin namin. Iniwan kolang ang kotse ko sa may parking lot at sinabi sa guard na pakibantayan dahil mamaya ay uuwi rin kami.
"Ang lakas naman ng Aircon mo."Reklamo ko rito, nilalamig na ata ako, lalo na't naka black string dress lang ako.
Nagtaka ako kung bakit huminto Ito bandang gilid, hinubad nya ang jacket na suot nya at inabot saakin. Pinatay nya rin ang Aircon, hindi kasi talaga ako sanay sa mga fan o sa malalamig.
YOU ARE READING
The rain and eclipse (Highschool Series #1)
RomanceSolaine thalia pandora the humss student the only child, the owner of cafeteria will meet the smart stem student who named stephano mab cejuano. Let's witness how the rain and eclipse will express their feelings