chapter 28

93 15 0
                                    

Nagising nalang ako nang may kumakatok na sa bahay, wala naman akong inaasahang bisita sa araw na 'to.

Hindi pa man nakakapag hilamos ay pinuntahan ko na iyun, maaga palang at parang tirik na ang sikat ng araw.

'Di pa man ako nakakalapit sa pintuan ay narinig ko na ang ingay sa labas, kaya mas binilisan ko pa ang kilos.

"Oh, ma."

Nag mamadali si mama na pumasok sa bahay, pawis na pawis at parang hinahabol pa nga

"Anong nangyare sayo? aga aga eh."

Pumunta si mama sa may dining table at nilagay ang mga pinamiling gulay.

"Andaming reporter sa labas, anak, Thalia. Hinahanap ka halos sirain na nila ang gate nagwawala." Ani niya pagkatapos uminom ng tubig.

"Ha?"

Lumabas ako sa bahay, I just wearing a pink fabric short and sleeveless, pinuntahan ko sila dahil rinig na rinig ko na rin ang sigawan ang pagkalabog ng gate.

"Oh, ayan na ayan na si Miss Pandora."ani ng isang reporter

Kita ko sa mga mic na gamit nila ang iba't ibang channels and stations, mas lalo tuloy akong na stress ng magdagsaan sila rito habang hawak hawak ang mga camera

"Totoo bang sinisiraan niyo si Trixia Sandoval dahil nagkaroon sila ng affair ng ex mo?" Ani ng isang reporter.

Bigla akong nagising sa tanong nilang yun, wala pa nga akong naging bf ay may ex na ako? at isa pa wala akong alam sa past or present relationship nila ni Stephano kung sya man ang tinutukoy nila.

"Wala akong ibibigay na statements sa Inyo, just respect my privacy. Wala ako sa trabaho, nasa bahay ako so please, leave." Iniiwasan kong tumaas ang boses ko dahil andaming camera ang nakatutok saakin.

"Tinatakasan niyo ba ang issue niyo, Miss Pandora?"

Andaming mga sari-sari't tanong hindi ko alam kung paano sila papaalisin, naririndi na ako ngunit kailangan ko paring humarap sakanila at rumespeto, sira na nga ang imahe ko as anchor pati ba naman yung image ko as Solaine sisirain ko pa.

"Wala, bias pala 'tong anchor na 'to, nag re-report para sa sarili niyang kapakanan."

Na triggered ako sa sinabi ng lalaking 'yon, kaya hindi ko nakontrol ang sarili ko

"Naturingang reporter ka pa naman, nagkakalat ka ng fake news." Ani ko rito, na mas pinaingay ng mga tao

Nagtagal pa ang pag iingay nila, hindi ko silang magawang iwanan dito at baka mamaya ay akyatin nalang nila 'tong gate na 'to.

Ilang beses ko na silang pinakiusapan na umalis nalang, aayusin ko ito, at kung pwede pa nga'y lilinisin ko ang name ko using my show.

Maya maya pa lang ay may narinig akong busina ng sasakyan, nag si tinginan ang mga tao roon, nakita kong ito naman ang dinumog nila.

"Si Engr, si Engr."

"Ang ex ni Miss Pandora."

"Engr, kamusta naman po ang relasyon ninyo ni Trixia matapos lumabas ang scandal?"

Sari't saring tanong na ibinabagsak nila kay Stephano, ano pa bang ginagawa ng taong 'to rito, ayan tuloy sigurado akong mas tatagal pa sila rito.

Pawis na pawis na ako dahil sa init, naramdaman ko ring mahapdi ang braso ko, nang tignan ko ito ay may dugo, parang kalmot ito ng isang kuko. Hindi ko na ininda yun dahil mas mahirap ang hinahanap kong issue.

Maya maya pa'y kinataka ko ang pag alis ng mga tao, dali dali kong pinagbuksan ng gate si Stephano sa 'di malamang kadahilanan nang makitang papunta sya rito.

The rain and eclipse (Highschool Series #1)Where stories live. Discover now