Chapter 36

95 10 0
                                    

"Ma'am, may delivery po sainyo."

Busy ako sa pag eeditoryal ng balita nang biglang kumatok sa pintuan ko si aling Dita, ang katulong namin. Si mama rin ang tumanggap sakanya, dahil kita ko na rin ang paghina ng katawan ni mama.

Wala akong idea na may inorder ako online, oh baka may pinadala si Stephano? Hindi ko alam.

Nginitian ko lang si aling Sita at itinigil pansamantala ang ginagawa at nilabas ang sinasabing delivery man

Mainit pa ito, tirik ang araw, nakalagay sa noo ko ang kamay ko habang naglalakad para 'di makita  ang nakakasilaw na araw.

Binuksan ko ang gate at nakita ko nga ang isang delivery man, ngayon ko lang ito nakita sa lugar na 'to dahil kung minsan kilala ko ang mga nag de-deliver dito.

"Kayo po si Ms Solaine Pandora?"tanong nito saakin

"Opo, ako nga po. Ano pong laman niyan? Kanino galing?" Tanong ko pabalik matapos sagutin ang tanong niya

"Wala pong nakasulat, bayad na rin po Ito, at pi-picturan ko nalang po kayo, proof na na receive niyo na."

Tinanggap ko nga iyun at pumayag na mag papicture habang hawak hawak ko ang box.

"Thank you po, enjoy your item."Wirdong ngiti nito

Nginitian ko lang sya at nakakapag taka bakit ko sinusundan ng tingin ang paglalakad niya? Napailing nalang ako at isinarado ang gate at pumunta na sa loob.

"Ano 'yan Solaine?" Tanong ni mama mula sa sala habang nanunuod ng teleserye

"Dineliver lang po." Sigaw ko habang paakyat sa kwarto ko.

Inilapag ko iyun sa lamesa ko at dahang dahan tinanggal sa bubble wrap.

"Hirap naman tanggalin nito, akala mo naman kung anong laman."Bumulong pa ako sa sarili ko

Masaya ko ito kung buksan, pulang kahon ito at 'di na nag atubili pang buksan na.

Tumambad saakin ang isang photo album at may isa pang cd tape.

May kung anong dumarundong sa dibdib ko dahil sa kaba nang tanggalin ko ang photo album mula sa kahon.

Binuksan ko Ito at parang may kung anong tumusok sa puso ko nang makita ang nasa unahan nito.

Picture iyun nila Trixia at Stephano, napakabata pa nila sa larawang ito, halatang 'di pa kami magkakilala nun.

Ang unang nasa picture ay kung saan kumakain sila sa isang fast food,They laughing together. They look so cute, it's already past but why it still hurt?

Nasasaktan man ay itinuloy ko parin ang pag tingin ng mga larawan, sumunod, nasa isang event sila, birthday party siguro if I'm not mistaken dahil may nakita akong word na 'happy' as background nila, nakahawak ang parehas nilang mga kamay. They're still young.

Sumunod, if I'm not mistaken isa itong event ng teen idols, they're wearing their crown as Mr and Ms teen idols, naalala ko rin ang kwinento ni Stephano noon na lagi silang nananalo pareho.

Next, they're drinking the alcohols, nakataas ang parehas nilang baso, madami silang kasama sa pagkakataong ito.

Madami pa ang nagdaang mga pictures, 'di ko na namamalayang kusa na palang tumutulo ang luha ko.

Ang saya nila pagmasdan, bagay na bagay sa isa't isa.

Nang marating ko ang dulo ng larawan ay halos maibato ko na 'tong album na 'to.

My picture, hindi ko matandaan kung saan exactly ang picture na 'yon. But nakagupit Ito sa gitna, at may nagkalat pang blood or fake blood.

Napahawak nalang ako sa bibig ko dahil sa gulat, kanino galing ito? Isa lang at sigurado akong sakanya iyun galing, pero bakit niya gagawin iyun?

The rain and eclipse (Highschool Series #1)Where stories live. Discover now