Chapter 39

91 8 0
                                    

"At ayan ang nangyare, hindi ko kayang lokohin ka, hindi ko kayang gawin sa iyo ang iniisip mo."

Narinig ko na ang buong pag papaliwanag ni Stephano, I trust him, and I know na ginagawa lang ito ni Trixia para gumanti at pabagsakin ako, she already ruined my name at ayoko nang humantong na pati ang relasyon namin ay masira pa.

Nagulat ako nang biglang tumawag si Kai sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Stephano.

Kai:[ Sol, did you see the video?]

napatingin kami pareho ni Stephano.

"Anong video?"

Kai: [ kumakalat na video between your boyfriend and Trixia.]

Nagulat kami pareho, nag paalam na ako kay Kai na patayin ang telepono.

Nag online ako ng social media acc, at nakita ko sa twitter ang trending.

Sa bawat retweet ay nakikita ko ang pag re-react ni Trixia, nananadya na talaga sya.

"Sino ang source ng video na yan?"Mab asked.

Mahirap hanapin ang pinaka source nito, dahil kung sino-sino na ang nag po-post nito sa lahat ng social media accounts.

"The only things that we need is the CCTV footage."  I said.

Alam kong nandun ang lahat dahil hindi tapos ang video na yun at idinilim nalang ang mga kasunod pang video.

"Let's go, nasa technical yun." Tumayo si Stephano para ayain ako.

"No, I already did. Wala ang footage ng mga oras na yun, isa itong sabutahe, pinag handaan niya ito."

"What the fuck."

Pumunta kami sa nasabing company for checking the others footage pero wala talaga.

Ipinatawag nya ang lahat ng empleyado ng Cejuano Company even Alex, lahat lahat.

"I can't imagine na may tatraidor parin pala saakin, after what I did."panimula niya

Nagulat ang ibang mga empleyado, the janitor and maintenance and so on.

"Gaano ba kalaki ang binayad niya sainyo at kaya niyo akong traidurin?"tumaas ang boses nito.

Hinawakan ko sya sa braso upang pakalmahin.

Kinausap niya ang lahat ng maintenance, lahat naman ay kumpleto rito, maliban sa isa.

"Where's Migo?" Tanong nito ng suyurin ang bawat empleyado.

Si Migo ay isa sa nasa technical lane, isa sya sa mga nag re-review ng mga footage.

" 2 days napong hindi pumapasok." ani ng isang lalaki

Nagkatinginan kaming dalawa, si Migo lang ang kahina-hinala rito.

Umalis kami at sinubukan naming kontakin ito ngunit patay ang cellphone nito.

Palabas kami ng pintuan ng office ni Stephano ng bigla akong mapaatras.

"Why?" Gulat na tanong ni Stephano nang mapaatras ako sakanya.

Hindi ako nakapag salita, tumayo ng tuwid at tinignan kung paano makatingin ang nasa harapan ko.

"Andito pala ang greatest love mo, Stephano. Hindi mo ba nasabi sakanyang papunta ako sa office mo?"malagkit ang tingin nito kay Stephano

Sandali kong tinignan si Stephano, kita ko ang pang lilisik ng mata niya

"Anong ginagawa mo rito-"

"Ayan nanaman ang tanong na maririnig ko? Hindi ba pwedeng iwelcome niyo ako, makikibelong sa date ninyo." Pag putol nito kay Stephano

The rain and eclipse (Highschool Series #1)Where stories live. Discover now