I bit my lower lip, ayokong ipahalata sakanya na nadadala nya nanaman ako sa mga salita nya, at ayoko ring lagyan ng malisya ito. Napahigpit pa tuloy ang paghawak ko sa hawak kong ballpen, hindi ko alam ba't nagliligalig nanaman ang mga paro-paro sa t'yan ko, sobrang babaw lang nun, Sol, napaka oa mo.
"Are you blushing?" Tunog mayabang ang boses nya sinabayan nya pa ng ngiti na mas kina cool niya.
"Why would I?" I raise my brows, ba't ako mag ba-blush? napaka yabang naman ng lalaking 'to.
"Uhm.." he paused "I don't think so."pag-ikot nya pa sa swivel chair nya
"I'll leave, thankyou." Nang makatayo ako ay lalakad na sana ako palabas ngunit napahinto ako nang may maalala ako.
Kinuha ko ang wallet ko sa lv kong bag at bumalik sakanya. Nakita kong nagtataka sya sa kinikilos ko, nilapag ko muna ng pansamantala ang hawak kong papers dahil hindi ko makuha ang cash ko.
Kumuha ako ng 50pesos at inilapag yun sa harap nya, tinaasan nya ako ng kilay.
" The 50 pesos, thankyou for boring ride." Nginitian ko ito ng pang plastic at muling kinuha ang papeles, lumakad na ako papalayo at 'di ko na narinig ang boses nya.
Napahawak ako sa dibdib ko na nag dadarungdong, nagpapaunahan ang pag tibok nito, napasandal nalang ako sa pintuan ng office niya at nananatili ang kamay sa dibdib habang ang kaliwang kamay ay hawak hawak ang papeles na halos ma gusot na.
"Miss pandora-"
"Ay palakang pilay!"
Napaayos ako ng pagkakatayo dahil sa gulat, bakit bigla bigla nalang itong nasulpot.
"Ebarg nga yan." Mapanlokong ngisi nito.
Nababasa ko na ang nasa isip nya at kahit sino naman ay ma ge-gets kung saan ako nang galing o saan ako pupunta dahil nga nandito ako sa tapat mg office ni Stephano.
"What?" Mataray kong tanong
"Nag kakadevelopan naba ulit, Miss Pandora?" Narinig ko ang mahinang tawa nito, mapang asar.
"Ask your ass." Tinalikuran ko Ito at hinampas ng papel sa balikat nya nang makalagpas ako sakanya.
Dumiretso ako sa studio dahil may show pa ako mamayang 3pm, nag makeover muna ako dahil dapat fresh ako sa camera, ang sabi nga nila ay subukan ko raw mag artista dahil parang artista raw ang ganda ko, well I know. Pero ito talaga ang fashion ko ang makichismis at baka pag naging artista pa ako ay ako pa ang pag chismisan.
Nagulat ako nang naglapag si Ryan ng mga script na ibabalita ko sa hapon na Ito, binasa ko muna yun isa-isa, some of the news ay report ko kaya siguradong tama at hindi bias yun
"May iilang bagong news dyan, Sol."
"Okay, Direk. Thankyou." Ngumiti ako rito, tinapik nya naman ang balikat ko at pumunta na sa pwesto nya
Nabitawan ko ang papel nang makita ko kung ano ang naidagdag, bumalik ako kay direk para tanungin kung legit ba talaga 'yon.
"Direk." Papalapit ako sakanya at paulit-ulit na binabasa ang statement na binigay saakin
"It's true?" Inabot ko sakanya ang papel na iyun, nagpakunot sya ng noo at binasa.
"May video, Sol." Mahinang ani nito
Muli niyang inabot saakin ang papel at pinapunta nya na ako sa pwesto ko.
Nagdadalawang isip ako na ipalabas ito, alam kong sobrang kahihiyan Ito sakanya. Ngunit ano nga bang magagawa ko, balita 'to.
"Lights, camera, go." Ani ni direk.
"Magandang hapon, pilipinas! Narito ang nag babagang balita sa hapon na Ito."
YOU ARE READING
The rain and eclipse (Highschool Series #1)
RomanceSolaine thalia pandora the humss student the only child, the owner of cafeteria will meet the smart stem student who named stephano mab cejuano. Let's witness how the rain and eclipse will express their feelings