Chapter 35

100 11 0
                                    

"Andiyan na si Ms pandora."

Sari't-saring bulungan ang sumalubong saakin nang makarating ako sa studio, madaming bago pero kilala nila ako. Si Sharon pala ang sandaling pumalit saakin.

"M-Ms. Pandora?" Narinig kong ani ni Raymond.

Ang iilan naman ay bumati saakin, nginitian kolang sila at hindi naglabas ng kung anong salita.

Si Mab ang naghatid saakin dito kanina bago siya dumiretso sa site, sinabihan niya pa akong hayaan na ang lahat at iwasan ang pagpapaapekto, ayan naman talaga ang ginagawa ko.

"Solaine." Gulat na ani ni Ryan.

Gulat na gulat? Nakakita ng multo?

"Akala ko sa susunod pa na buwan ang balik mo?" Kinakabahan parin sya kung magsalita.

Oo tama, ang sabi ko ay sa susunod pa na buwan dahil ayun ang inilagay ko nung nag sign ako ng temporary leave letter, ngunit agad naman akong kinontact ng president of BMA, they need me na raw dahil pababa na ng pababa ang ratings ng channel namin.

"5minutes, we will start the live, much better if you'll proceed to your line than asking me an obvious and nonsense question." Ani ko sakanya sa malamig na boses.

Pumunta ako sa tapat ng camera kahit hindi pa ito nakabukas, inayos ang sarili. Nakatayo parin sya kung saan ako umalis.

"Direk, we will start na po." Rinig kong sabi sakanya ni Raymond.

Ilang segundo palang ay pinaayos niya na ang lahat, the lights, the camera and ofcourse ako. Ni kahit isang ngiti ay wala silang natanggap saakin.

Nang maihanda na ang lahat ay sinalubong ko ang camera ng magandang ngiti ganun din ng pagbati.

Nakakamiss din pala ang umupo rito.

After the long hours ay natapos na rin ang show, saakin nanggaling ang mga balita, may ibinigay sila saakin ngunit kaunti lang ang kinuha ko roon.

"Solaine, nice job." He compliment.

Napangisi ako sa narinig niya mula sa likuran ko, dahan dahan akong lumingon sakanya, mukha parin siyang balisa.

" I don't need your compliment, Direk. I know that I great." I smiled at him.

Nag message si Stephano na siya na raw ang magsusundo saakin, sakto naman ang pagbaba ko dahil kakarating niya palang sa may parking lot.

I kissed his cheeks bago pumasok sa sasakyan

"Ganda ng ngiti mo, ha." Pamungad niya

Totoo naman kasi, hindi ko alam bakit ganito nalang ang ngiti ko ngayon, magmula nang matapos ko ang mga news ngayon.

"May good news?" He smiled.

Umiling naman ako bilang tugon, wala rin kasi akong naalalang goodnews, siguro masaya lang na napatawad ko na si direk and nakabalik na ako sa work. Time and rest lang talaga ang need ko

"Wala naman, ang ganda lang ng atmosphere ngayon." I chuckled

"Maganda ka rin." He whispered.

Mas lalong gumuhit ang ngiti sa labi ko, hinampas ko nang mahina ang balikat niya. Tinignan nya lang ako at ngumiti bago patakbuhin ang sasakyan

"Kumusta ang ginagawa niyo?" Pa balik ko namang tanong

I feel na maganda na rin at maayos dahil sa ngiti niya

"Fine, mas mapapabilis siguro ang pagtapos nito dahil ang bilis kong makitaan ng progress, madami lang adjustment and matatapos narin namin within this year."

The rain and eclipse (Highschool Series #1)Where stories live. Discover now