2

1.8K 63 0
                                    


BEKI SI BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

[Nathalie Pov]
"Sabihin mo sa akin. Sino pa ang supplier ninyo?" tanong ko sa binatilyong nakatali at nakapiring ang mata. Nasa loob kami ng torture room.
"Hindi ko kilala!" Nagmamatigas na sabi niya kaya kinuha ko ang dos por dos at pinalo sa binti niya. "Magsasalita ka o sa ulo mo na tatama ang susunod na palo ko?"
"Hindi nga--UGH!" Napahiyaw ito sa sobrang sakit nang tumama ang palo ko sa likod niya. Hindi naman yata siya mamamatay pero kapag magsinungaling pa siya ay talagang tuluyan ko na!
Bang!
Muntik na akong mapasigaw nang umalingawngaw ang isang malakas na putok.
"OUCH! Ugh!" Napahawak ito sa dumudugong binti.
"Pumapatay ako ng tao. Oras na hindi ka pa magsalita, habang buhay na kitang patatahimikin!" Nakatutok ang baril ni Sir sa bungo noo nito.
"OO NA. MAGSASALITA NA!" Mabilis na sagot nito at sinabi ang lahat ng impormasyong kinakailangan namin.
"Magaling! Marunong ka rin palang kumanta," wika ni Sir saka humarap sa akin.
"Sa ganitong trabaho, hindi mo kailangan ng awa. Itumba mo ang lahat ng puwedeng itumba!" Pagbibigay payo niya sa akin.
"Double ingat na rin. Ilang beses ka nang muntik mapahamak," pangalawang beses na akong nahuli. Suwerte ko lang dahil palagi akong natutulungan ni Black.
"O-Opo." Sagot ko.
Dumating ang paramedics at ginamot ang sugat nito. Alam kong kakausapin ng mga kasamahan ko na hindi ito magsasalita. Well, hindi naman talaga ito kakanta dahil oras na gawin niya iyon, hindi lang kami kundi ang mga kasamahan niya mismo ang papatay sa kaniya!
Paglabas ko sa kuwarto ay nakasalubong ko ang dalawa kong babaeng boss.
"Magandang gabi ho." Bati ko na tinaasan lang ako ng mga kilay. Mababait sila pero mga tupakin lang.
Nadaanan ko ang kuwarto ng mga kasamahan ko. Ang iba ay nagtatawanan at ang iba ay naglalagay ng makeup.
"Nasaan si Daddy?" maarteng tanong ng dalagitang makakasalubong ko. Matanda lang siguro ako ng tatlong taon sa kaniya. Ang ganda nito kaso spoiled brat.
"Nasa loob ng torture room," magalang na sagot ko.
"Mabuti! Pakitabi dahil dadaan ako!" Nakataas ang kilay niya at maarteng hinahawakan ang channel bag kaya tumabi ako.
"DADDY!" Bulalas niya at niyapos ang ama. Napailing na lang ako at nilisan ang lugar na iyon dahil magagalit na naman ang bantay ko. Tinakasan ko lang iyon kanina. Inutusan niya ako na bumili ng makakain pero nakita ko ang matagal ko nang target kaya kusa ko itong sinundan. Sakto namang dumaan ang mga kasamahan ko kaya isinakay na namin sa van. Nakilala ko sila noong panahong nagtatrabaho ako sa club. Kailangan ko ng pera at maganda ang offer kaya sinunggaban ko na para makapag-aral. Well, ganoon nga siguro kapag mahirap ka lang at gusto mong makapagtapos. Kahit na masyadong delikado, susunggaban mo na. Kapit sa patalim 'ika nga! Ang pagtatrabaho ko sa mga kaklase ko, hindi iyon totoo. Ang totoo, si Jigs ang palaging sinusundan ko dahil siya ang unang misyon ko sa grupo na ito.
Bumili muna ako ng pinabili niya at umuwi na sa condo.
"ALAM MO BA KUNG ILANG ORAS AKONG NAGHIHINTAY SA ULAM MO?" pambungad niya sa akin pagkasara na pagkasara ko ng pinto.
"N-Naligaw ako," sa panahon ngayon, sa kaniya na lang talaga ako natatakot.
"Paano ka maligaw e sa kabilang kanto ka lang bibili?" lumapit ito sa akin at kinuha ang dala kong pagkain.
"Mahina ang sense of direction ko," sagot ko. Tatlong araw na kaming nagsasama sa condo na ito. Kinuha niya ang mga gamit ko sa mansion nila. Hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang nais niyang gawin sa akin. Nakipagsukatan ito ng titig sa akin. Araw-araw na lang yata, sinasaksak ako nito ng matalim na mga mata niya.

"Nawalan na ako ng gana!" Padabog na pumasok ito sa kuwarto niya. Dalawa ang kuwarto ng unit niya. Ang malaki ay ginagamit niya at ang katabi nito ay sa akin naman.
Hindi ako nagugutom kaya inilagay ko na lang sa mesa ang pagkain dahil baka mamaya, gutumin siya at maghanap ng makakain. Kailangan ko pa palang mag-aral dahil may quiz kami bukas sa anatomy. Ewan ko lang kung maka concentrate ako nito. Dagdagan pa na sa reproductive organs ang quiz. Ang alam ko sa mga ganoon? Ang hirap kaya i memorize ang medical terms lalo na ang mga names ng muscles. Stressed! Ang alam ko lang, glans penis, testes... Shit! May pumapasok na imahe sa balintataw ko kaya napailing ako.
Black Pov
Kanina pa ako pabaling-baling dito sa higaan. Naiinis ako! Sa bawat pagpikit ko ay mukha ni Jigs ang gumuguhit sa aking diwa. Kailangan ko siyang mabigyan ng hustisya! Kailangang managot si Nathalie sa kasalanang ginawa niya! Mabuting tao si Jigs at wala itong kasalanan kundi ang makipagrelasyon sa akin. Alam kong bago ako ay marami pa siyang nakarelasyon pero sa akin lang siya nagseryoso. Pareho kaming bisexual. Dati siya lang pero nang may nangyari sa amin ni Nathalie, napagtanto kong isa rin akong bisexual. Napasuntok ko ang unan sa tabi ko. Sa lahat ng babae, kay Nathalie ko lang sinuko ang sarili ko. Ni hindi ko pa ngang nagawa na ibigay ang pagkalalaki ko kay Jigs but she's a total bullshit! A liar! A woman who doesn't have a dignity! A girl na hindi karapat-dapat na tawaging babae 'cause she doesn't act like one!
"Damn!" Sambit ko habang nakatingin sa ceiling.
Matagal na namin ni Jigs nabili ang condo na ito. May naipon ako mula sa monthly allowance ko at sa kita ng gym ko pero hindi iyon sapat. Pareho kaming nag-ipon para mabili lang ito pero wala na siya!
"Dito mo pagbabayaran ang kasalanan mo!" bulong ko. Dito ko pinangarap na magkaroon ng masayang buhay kasama ang mahal ko pero sa isang iglap, bigla itong naglaho dahil sa babaeng nasa kabilang kuwarto. Lahat ng bus station, airport at lagusan paalis ng Maynila ay bantay sarado na si Nathalie.
Inabot ko ang cellphone sa ibabaw ng mesa na nasa right side ko. Tiningnan ko ang text message. Si Tito Dylan. Pinapapunta ako sa opisina niya bukas.
Kinaumagahan, paglabas ko ay nasa kusina si Nathalie at nagluluto.
"Nagugutom ka na ba? Iniinit ko pa ang pagkaing binili ko kagabi." Tiningnan ko lang siya ng masama kaya napayuko siya. Kapag nasa bahay namin siya, hindi ako makakalapit sa kaniya dahil kina Daddy at Mommy. Malapit ang loob ng mga ito sa hayop na 'to. Kung sabagay, she's a great pretender! Kahit ako, muntik nang mapaniwala sa mga kasinungalingan niya.
Walang pasabing umalis na ako. Kailangan ko pang pumunta kina Tito Dylan bago pumasok sa paaralan. Alam kong sobra na ang hinihingi ko kay Tito pero alang-alang kay Jigs, lahat ay gagawin ko. Mabigyan lang ng hustisya ang pagkamatay niya. Kahit na patayin ko yata si Nathalie ay hindi ito magsasabi ng tunay niyang motibo.
Pagkapasok ko sa mansion ng mga Lacson ay sa veranda na ako pinatuloy ni Ate Maricris.
"Good morning, Tito." bati ko sa kaniya. Nagkakape siya at nagbabasa ng peryudiko.
"Morning. Maupo ka, Black." Seryoso ang mukha nito.
"Masyadong marami nang kabataan ang nalulong sa druga," hindi makapaniwala niya habang binabasa ang headlines. Isang babaeng pugot ang ulo ang natagpuan na naman sa Bulacan at lima ang namatay sa oplan tokhang ng mga pulisya.
"Ganoon talaga. Hindi mo mapigilan ang paglaganap ng druga. Nakakaadik 'ika nga." Sagot ko. Bawal sa amin ang druga dahil oras na malaman ni Daddy, latigo ang huhusga sa amin. Hindi magdadalawang isip iyon na patayin kami kapag sumali kami sa ganoong bagay.
"About pala sa notebook ng kaibigan mo," pag-iiba niya ng kuwento. Naalala ko ang nasa listahan ni Jigs. Nandoon ang pangalan ni Alwyn kaya napaisip ako. May kinalaman din kaya ito sa pagkamatay ni Jigs? O baka magkasabwat sila ni Nathalie? Biglang kumulo ang dugo ko sa naisip.
"Ang mga pangalan na nakalista sa notebook na hawak mo ay mga drug users," wika niya kaya napakunot ang noo ko.
"Drug users?" hindi makapaniwalang ulit ko.
"Exactly. Sila ang mga celebrities at kilala sa lipunan na palihim na sinusuplayan ng mga ipinagbabawal na gamot like cannabis, shabu at mga gamot na pampa high." Makahulugang tumingin siya sa akin. Hindi pa pumapasok sa utak ko ang mga pinagsasabi niya.
"P-Paano napunta k-kay Jigs ang listahan?" halos pabulong na tanong ko pero mas tinatanong ko ang aking sarili. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Tito Dylan. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Mayroon ba akong hindi nalalaman tungkol sa naging kasintahan ko?
"Sorry to tell this pero..." mukhang alam ko na ang sasabihin niya pero hindi pa ako handa. Ayokong marinig.
"Isang drug ditributor ang kaibigan mo sa mga kilalang personalidad. Kaya maigting ang pag-iingat ng mga NBI sa ebidensyang nakalap dahil marami ang pangalang puwedeng madawit sa pagkamatay niya." Biglang sumabok ang pagkatao ko sa narinig! Si Jigs, ang taong minahal ko ay isang drug dealer?

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon