Finale

2.8K 76 4
                                    


BEKI si BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

FINALE & EPILOGUE

"Natty? Saan na si Black?" tanong ni Sky sa dalaga na kasama si Alwyn nang magkasalubong sila dahil kanina pa siya lumilibot sa buong WESTBRIDGE.
"Wala ba sa classroom ninyo?" balik-tanong ni Nathalie.
"Wala e, si Tai-Tai, nakita mo?" tanong ulit ni Sky.
"Hindi rin. Baka nasa registrar's office at kinuha ang class cards?" sabat ni Alwyn. Enrollment na naman.
Third year na sina Sky at graduating na rin si Nathalie.
"Alwyn? Kamusta na ang sugat mo?" tanong ni Sky.
"Okay lang. Malapit nang matanggal ang scar," sagot ni Alwyn.
"BLACK!" Tawag ni Sky sa kapatid nang makarating sila sa Kimmy Hall na nasa harapan ng registrar's office. Kasama nito si Blue at may kausap silang lalaki na halos kasing edad lang nila. Guwapo ito at matangkad lang ng isang pulgada sa kanilang triplets.
"Sino siya?" tanong ni Nathalie na hindi na maipinta ang mukha.
"Kakilala ko," masayang sagot ni Black kaya mas lalong napasimangot si Nathalie.
"Siya ba ang kasintahan mo?" nakangiting tanong ng lalaki.
"Yupz. Ang babaeng bumihag sa puso ni Black!" Nakangising sagot ni Sky. As usual, happy go lucky ito.
"Oo, ang babaeng kabigha-bighani sa mga mata ko," proud na sagot ni Black saka inakbayan ang kasintahan.
"Huwag ka nang magselos, lalaki na ako." Bulong niya habang ngingiti-ngiti pero hindi pa rin kumikibo si Nathalie. Naiinis siya kapag may kausap na ibang lalaki ang kasintahan. Habang tumatagal, pa unti-unting nagkakasundo sina Alwyn at Black kaya nabunutan siya ng dalahin sa buhay.
"Tai? Saan ka galing?" bati ni Sky nang lumapit si Taira sa kanila. "Nakapa enrol ka na?"
"Blue, ipinabibigay ng registrar ang class cards ninyo." Sa halip na sagutin si Sky ay iniabot niya ang class card kay Blue. Nagpaalam na ang lalaki sa kanila dahil magpapa enroll pa raw ito.
"Galit ka ba talaga sa akin hanggang ngayon?" malungkot na tanong ni Sky.
"Wala namang rason para magalit ako sa iyo," walang emosyon na sagot ni Taira. Kinuha ni Blue ang classcard niya saka iniabot kay Sky ang natira.
"Mauna na ako sa inyo. May shooting pa ako," paalam ni Blue at tuluyan nang umalis. Sa mga nagdaang araw, bumalik na ito sa dati. Naging masayahin at palatawa kagaya ni Sky. Iyon nga lang, busy na sa trabaho.
"Classcard mo ito? Bakit may nursing subjects ka?" nagtatakang tanong ni Sky kay Taira nang nagkapalit sila ng classcards.
"Lilipat na ako ng nursing," sagot niya. Hindi niya gusto ang nursing pero mas hindi na niya makakaya pa ang makasama si Sky sa iisang classroom at makikita ito araw-araw.
"Tai naman, bakit ka lilipat?" pangungulit ni Sky. Inagaw ni Taira ang class cards kay Sky saka tumakbo para habulin sina Black at Nathalie.
"Sama ako. Nagugutom na ako," sabi niya sa magkasintahan. Sumunod naman si Sky sa kanila.
"Taira naman. Kausapin mo ako. Ayaw mo na ba ako makasama? Galit ka ba sa akin? Ano?" sunod-sunod na tanong ni Sky. Wala siyang pakialam kung may mga nabubunggo itong kaklase.
"Ang ingay mo, Sky!" Reklamo ni Black saka hinila si Nathalie palayo sa kanila.
"Mamaya na tayo kakain! Punta na lang tayo sa roof top." Naiirita siya sa boses ng kapatid. Isa pa, gusto niyang masulo si Nathalie. Kanina pa siya nanggigigil sa kasintahan lalo na't galit ito sa kaniya.
"Sandali lang. Makahila ka naman sa akin para kang babae!" Reklamo ni Nathalie.
"Bilisan mo na kasi!" Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong lalo na ang mga baguhang nagpapa-enrol, napapalingon talaga kay Black.
"Oo na!"
Nang makarating sila sa roof top ay agad na inilock ni Black ang pinto.
"Galit ka sa akin?" tanong ni Black saka sumandal sa pader. Si Nathalie ay napapagod na naupo sa mahabang bench.
"Hindi..."
"Nagtatampo?"
"Hindi rin..."
"Nagseselos?" nakangising tanong ni Black.
"Bakit naman ako magseselos?"
"Ewan ko, siguro dahil mahal mo lang ako?" pagmamayabang nito saka ngumiti ng ubod ng tamis. Napatulala naman si Nathalie sa kaguwapuhan nito.
"Kapag ganito kaguwapo ang mga bakla, ang daming babaeng magkakasala!" Bulong ni Nathalie na hindi nakaligtas sa pandinig ng kaharap.
"Oh, idagdag mo pa ang size at performance ko, Becks!" Proud na sabat ni Black. Wala naman silang endearment kaya Becks na lang daw dahil iyon ang palaging tinatawag ni Nathalie sa kaniya. Para tanggal isyu na rin.
"Ikaw na. Ikaw na talaga!"
"Ako naman talaga. Pero huwag kang mag-alala, becks, ikaw lang naman ang nakakaalam ng size at performance ko," lumapit si Black sa kaniya habang ang mga mata ay hindi inihiwalay sa mga mata niya.
"Nat?" tawag nito kaya nataranta si Nathalie dahil sa tono ng boses nito. Kapag kasi silang dalawa lang ay walang ibang bukambibig si Black kundi mga kahalayan. Napasimangot siya nang inilabas nito ang dila na para bang binabasa ng laway ang mga labi. Okay, nang-aakit ito at alam niya sa sariling hindi siya makakatanggi sa kasintahan.
"Ano na naman? Baba na nga tayo!"Tumayo siya pero mabilis siyang nahawakan ni Black sa braso.
"Mamaya na. Na miss kita," bulong ni Black saka mahigpit na niyakap siya.
"Huwag mo na kasing pagselosan ang mga lalaki sa paligid ko. Hindi na nga ako bakla eh. Ikaw lang talaga ang gusto at mahal ko, becks!" Nagtatampong sabi ni Black at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
"Eh kasi, h-hindi ko lang mapigilan." Sagot ni Nathalie. Nakasanayan na talaga niya ang ganito.
"Pigilan mo. Dahil kung talagang mahal mo ako, hindi ka magdududa sa kasarian ko," inilayo ni Black ang katawan nila para hawakan siya sa magkabilang pisngi at seryosong tinitigan sa mga mata.
"S-Sorry... Kasi naman, beki ka talaga, Black--uhmp!" Nanlaki ang kaniyang mga mata sa ginawa nitong paghalik sa mga labi niya. Hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago ang lasa ng mainit at malambot na labi nito. Matamis at malinamnam. Ipinulupot niya ang dalawang kamay at taos-pusong tinugon ang mga halik nito.
Isinandal siya ni Black sa pader habang nakahiyang pa rin ang kanilang mga labi. Mabilis ang pagkilos ng binata. Nasa magkabilang dibdib na niya ang mainit nitong dila at sinisipsip ang tuktok nito na para bang may pinapalabas na gatas na mas lalo lang nakadagdag sa init ng katawan niya.
"B-Black..."ungol niya at napasabunot sa buhok nito. Tumigil ito at ipinantay ang kanilang mga mukha. Parehong nagliliyab ang mga mata nila sa kani-kanilang refection ng mga mata. Hindi pa man nakabuka ang bibig nito, alam na niya ang gusto nitong sabihin.
"N-Natty?" marahang hinalikan siya sa labi bago magsalita. "I-Isubo mo..."
As expected! Si Black talaga ang lalaking mahilig magpasubo.
Mahal niya si Black at nakasanayan na niyang bigyan ito ng pleasure bago magkaisa ang kanilang mga katawan.
Sumandal ito sa pader kaya napaluhod siya sa harapan nito.
Tinanggal niya ang sinturon ng binata at binuksan ang zipper.
"BLACK?" Tawag nina Keana sa labas habang kumakatok kaya natigilan sila pareho.
"M-May tao..." sabi ni Nathalie saka tumayo at inayos ang sarili.
Desperado ang mukha ni Black habang isinuot muli anh sinturon.
"Storbo!" Pabalya niyang binuksan ang pinto at mabilis na pumasok ang kambal.
"'Insan, dito muna kami tatambay. Nakakapagod magpa enrol," ani Keana saka dumungaw sa baba. Tahimik lang ang magkasintahan na naupo sa mahabang bench. Pinapahupa pa ni Black ang init ng dalawang ulo. Init sa baba dahil sa gagawin sana nila ni Nathalie at init sa itaas dahil sa pagdating ng mga pinsan.
"Ang dami rin palang estudyante." Sabi ni Kean habang nakatingin sa mga mamahaling sasakyang papasok sa Westbridge.
"Oo nga. Ano na naman kaya ang mangyayari sa University na ito ngayong taon?" tanong ni Keana. Hindi pa rin kumikibo ang magkasintahan sa upuan. Parehong malalim ang mga iniisip.
"Sana ngayong taon, magiging maayos at tahimik ang lahat." Sabi ni Keana na nakatutok ang mga mata sa mga estudyanteng naglalakad sa hallway. Maliban sa CTU ay ito rin ang dinadagsa ng mga enrollees. Kung pagmasdan ang kabuuan ng Westbridge mula sa kanilang kinaroroonan, tahimik at mapayapa ang unibersidad kahit na maaarte ang mga estudyanteng nag-aaral dito.
"Mauna na kami..." paalam ni Black sa kambal at hinila na si Nathalie palabas ng roof top.
"Kaasar ang kambal!" Bulong niya kaya tumawa ng malakas si Nathalie. Natatawa siya sa mukha ni Black.
"Pagtawanan mo pa ako! Masakit kaya sa puson!" Medyo napalakas ang pagkakasabi nito pero dedma naman ang mga nasa paligid. Wala naman silang idea sa kanilang pinag-uusapan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Nathalie dahil sa parking lot ang tungo ng kanilang mga paa.
"Bitiwan mo nga ako!" Kumalas siya sa kasintahan at naunang naglakad dito.
"Natty? May pahuhulaan ako sa iyo..." napatigil siya at nilingon si Black.
Nakapoker face lang ang binata.
Hindi maganda ang kutob niya dahil sa mga pahula ni Black.
"Alam naman nating pinahirapan mo ako sa pahula mo tungkol sa kung ano ng bata ang nurse na umasikaso sa kaniya." Pambibitin nito. Hindi pa rin talaga ito maka getover sa pahula niyang iyon dahil muntik na raw itong mabobo sa pahula niya.
"Move on na sa relasyon ng bata sa nurse, becks!" Sagot ni Nathalie.
"Hindi talaga ako makaka move on dahil buong araw ko iyong pinag-isipan para lang mapasubo ka!" Napakagat siya sa ibabang labi. Pasalamat lang siya dahil kaunti lang ang tao rito at walang nakakarinig sa kanila.
"Paano kung hindi ko pala naisip na AMA siya ng bata? Eh di sana, walang subuan na nangyari?" nasa open field naman sila kaya walang nakakarinig. Ganito talaga si Black kapag sila lang, Prangka. Pero kapag marami na ang tao, hindi nagsasalita. Siguro dahil kampante lang ito sa kaniya.
"May pahula ako at kung ano ang sagot sa hula ko, iyon din ang premyo mo," sabi ni Black.
"Ano?" napakunot ang noong tanong ni Nathalie.
"Magkano ang laman ng wallet ko?" nakangising tanong ni Black.
"Limang libo?" sagot ni Nathalie. Katapusan na ng Mayo ngayon kaya malamang, mababa na ang allowance nito.
"Mali. Mabait naman ako kaya mahulaan mo man o hindi, ibibigay ko pa rin ito sa iyo dahil mahal talaga kita, becks!" Hinawakan siya ni Black sa kamay at nagsimula na silang maglakad patungo sa kotse nito. Wala nang mas sasaya pa sa kaniya sa araw na ito at susunod pa na mga araw dahil alam niyang mahal siya ni Black at lalaki na nga ito.
"Talaga? Salamat. Magkano ang laman ng wallet mo?" tanong ni Nathalie. Makahulugang tumingin si Black sa kaniya saka ngumisi.
"SIXTY NINE!" Sagot nito.
"FUCK YOU!" singhal ni Nathalie sa natatawang kasintahan.
"Tara, uwi na tayo, becks! Ibibigay ko na ang premyo mo." Excited na yaya ni Black.

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon