BEKI si BLACK ( U-Prince 1 )
By: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 12
[Black Pov]
"Sky, kina Taira ka na naman galing?" tanong ni Daddy nang dumating si Sky.
"Daddy naman. Hindi lahat ng oras ay magkasama kami ni Taira."
"Eh saan ka galing?" tanong ni Blue dahil kanina pa namin tinitext at tinatawagan pero wala man lang sagot.
"Kay Amanda ko," nakangising sagot nito kaya pakiramdam ko ay nagkasalubong na naman ang mga kilay ko. Napansin kong ganun din si Blue. Alam kasi naming may nangyari na sa kanila ni Taira noong nagbakasyon kami kina Nathalie.
"Puro ka na lang Amanda!" Ani Dad na tila napipikon din.
"Ayaw niyo namang palagi kaming magsama ni Taira kaya si Amanda na lang," pagdadahilan ni Sky. Nitong nakaraang buwan ay palagi na lang silang magkasama.
"Black, nasaan si Nat-Nat?" tanong niya.
"Nasa kusina. Kasama sina Mommy at Ate Erika." Sagot ko. Nagpapaturo silang mag bake.
"Kasama ba ni Ate Erika ang mapapangasawa niya?" Tanong nito.
"Pakialam mo sa mapapangasawa ko?" sabat ni Ate Erika na may dalang carrot cup cakes.
"Wala lang. Gusto ko lang maka bonding ang brother-in-law ko. Mukhang masarap 'yan, ah." Sagot nito.
"Huwag mo Nang pakialaman ang buhay ko. Ang malanding babae mo ang atupagin mo!"
"Hindi malandi si Amanda. Ako lang ang nilalandi niya," depensa ni Sky.
"Whatever! Hindi ko pa rin siya bet at kapag pinakasalan mo siya, itatakwil kita! Wala nang ulap sa pamilya!" Pagsisinuplada ni Erika.
"Kasal agad? Hindi ba puwedeng nagtitikiman lang kami?" nakangising sagot ni Sky. Wala na talagang pagkakataon na makita mong nakatikom ang bibig nito. Palaging nakatawa o nakangiti.
"Tama na nga iyan," saway ni Mommy na may bitbit na Strawberry cake. "Mag skype tayo kay Ate Lyn ninyo." Pinabuksan niya kay Daddy ang skype account.
"KAMBAAAAALLL!" nakakabinging tili ni Erika.
"Grabe ka naman makatili. Mabibingi sina Mommy," natatawang sagot ni Lyn sa kabila. Nakangiti ito pero alam naming may bahid na lungkot ang mga mata.
"Hindi ka ba uuwi, Ate?" tanong ni Blue.
"Hindi, eh. May summer class. Alam niyo na, hectic ang sched plus grabe ang grading system dito. Alam niyo na, ayaw kong masayang ang gastos nina Daddy."
"Kami na lang ang babakasyon diyan, Ate." Ani Sky.
"Anak, bakit pumapayat ka yata?" nag-aalalang tanong ni Mommy. "Kumakain ka pa ba diyan? Binibigyan ba kayo ng sapat at masustansiyang pagkain diyan sa dorm ninyo?"
"Opo, Mom. Busy lang talaga at puyat. Hi, Natty!" kumaway-kaway pa ito nang makita sa screen si Nathalie na nagbibigay ng cup cakes sa amin.
"Hi," nahihiyang bati nito at naupo sa tabi ko.
"Wow, sana pag-uwi ko, may pamangkin na kami, ha."
"Ikaw, may boyfriend ka na ba diyan?" pag-iiba ko ng usapan. Palagi na lang kaming hinihingian ng pamangkin e minsan lang naman na may nangyari sa amin.
"K-Kuwan, may nanliligaw." Nahihiyang sagot nito.
"Sis? May boyfriend ka na diyan?" excited na tanong ni Erika.
"Nanliligaw palang. Ikaw nga diyan, magkakaasawa na."
"Asawa ka diyan. Huwag mo na ngang ipaalala ang lalaking 'yon!" Biglang umiba ang timpla ng mood ni Ate Erika. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa niya.
"Daddy? Hindi ka na nagsasalita diyan. Uy, tingnan niyo si Dad, umiiyak!" Tinuro ni Ate Lyn si Daddy kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya.
"HUWAG NGA KAYONG TUMINGIN!"Singhal ni Daddy at pinahidan ang mga luha. Walang nagsalita. Nakatitig lang kami sa kaniya. "NAMIMISS KO LANG ANG ATE NIYO. PAKIALAM NIYONG LAHAT? AKO KAYA ANG NAGPAPALIT NG DIAPER NIYAN KAPAG IHIAN AKO AT AKO ANG NAGPUPUYAT SA GABI KAPAG UMIYAK SILA AT MAGPATIMPLA NG GATAS!" Sabi ni Mommy at Lola, siya nga talaga ang nag-alaga kina Ate Lyn at Erika dahil ito lang ang nakapagpatahan sa dalawa. Kahit ganito kapasaway si Dad, alam kong sobrang mahal niya kami lalo na si Mommy.
Matapos naming magskype ay nag-usap muna kami. Bonding at family time namin ngayon.
"Maghanda na kayo ng dadalhin nating pagkain." Sabi ni Mommy.
"Okay na po lahat, Mom. Napaghanda na ng katulong," sagot ni Ate Erika.
Alas tres nang hapon nang makarating kami sa aming pupuntahan. Binuksan ng isang guard ang gate para makapasok kami.
Tahimik at mapayapa ang lugar nang bumaba kami. Kasing tahimik ng kaluluwa ng aming mga pinagmulan. Inilagay muna namin ang mga pagkain sa mahabang mesa rito sa hall. Nagsindi muna kami ng kandila kina Lola Patch at Lolo Lee. May bagong bulaklak pa. Baka dumalaw ang mga Lacson rito kahapon.
Pagkatapos ay dumiretso na kami kina Lolo Ryan at Lola Hannah. Kinausap muna namin sila sa kanilang puntod at kumain ng merienda.
"Black? Ang ganda pala rito," manghang wika ni Nathalie habang iginagala ang paningin sa palibot. Marami ang malalaking punong-kahoy at nasa gitna ay ang dalawang magkatabing maliit na mansion ng mga Lacson at Villafuerte. Nagmumukhang mini park lang. Nextweek na sisimulan ang palaruan para sa mga apo balang araw.
"Kapag mamatay kami, dito rin kami ibuburol," ani ko saka naupo sa damuhan.
"Mabuti ka pa. Alam mo na kung saan ka ibuburol. Ako siguro, baka ibalot na lang ng kumot at itapon sa ilog," biro niya. "Pero mas gusto kong katabi kami ni Jigs." Napabuntong hininga ako. Minsan, nangarap din ako na sana magkatabi kami ng libingan ni Jigs. Pero matagal na iyon.
"Alam mo bang ikaw palang ang dinala ng pamilya ko rito maliban sa mga dati nang kaibigan ng pamilya?" tanong ko.
"T-Talaga? Nakakatuwa naman." Tumahimik ito at pinagmasdan ang mga ibong malayang lumilipad at palipat-lipat sa sanga.
"Oo." Sagot ko.
Nag stay pa kami ng isang oras bago umuwi sa mansion. Pagkatapos ng dinner ay umuwi kami sa condo. Si Ate Erika naman ay sinundo na ng mapapangasawa.
Kinaumagahan, bumalik kami para magpapirma ng clearance. Tapos na ang second semester.
"Samahan mo muna ako second floor. Magpapapirma lang ako," ani ko dahil ang sabi ni Sky, nandoon na raw si Miss Legaspi.
"Magpapapirma pa ako kay Sir Torres." Sagot nito na parang nagrereklamo.
"Sige, pumunta ka. Tingnan natin kung pipirmahan ka niya." Napasimangot ito. Sabay na kaming pumasok dahil nakiusap ito na pumunta ako dahil nahihiya siya kina Mommy. Kailangan daw ng guardian bago nito pirmahan kaya para siyang aso na nakabuntot sa akin.
"Oo na. Hindi ka na mabiro, Becks!" ani niya kaya hinarap ko ito.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo."
"Wala naman akong sinabi." Pagdedeny nito.
"Huwag mo nga akong matawag tawag na ganiyan." Saway ko. "Baka gusto mo, ipakin ko na naman 'to sa 'yo."
"W-Wala naman akong sinabi!" Padabog na sumusunod siya sa akin.
Pagdating sa classroom ay nakapila ang mga kaklase ko.
"UMAYOS NGA KAYO NG PILA!" Saway ni Miss Legaspi dahil nagtutulakan ang mga kaklase ko." Daig niyo pa ang elementary kung sawayin, ah!" Ayan na naman siya. Mataray mode na naman si Ma'am.
"Guys, pumila naman kayo ng maayos. Baka mas lalong masira ang araw ng guro ninyo," natatawang sabi ni Sir nang pumasok ito kaya mas lalong naging dragon ang mukha ni Ma'am.
"Ano ang ginagawa mo rito?"
"Kumain ka muna..." alok ni Sir at ibinigay nito ang breakfast meal ng jollibee. "Alam kong hindi ka kumakain ng breakfast." Natahimik kaming lahat at nakikinig lang sa kanila.
"So?"
"Kaya palaging mainitin ang ulo mo." Preskong sagot ni Sir na binalewala ang mataray na reaksiyon ni Miss Legaspi. "Alis na ako. Don't skip your meal, sweety."
"Stop calling me, SWEETY!"
"Tatawagin kita sa pangalang gusto ko. Bye, sweety." Pang-aasar ni Sir saka umalis na.
"Oh? Kayo? Titingin-tingin ninyo? Akin na ang mga clearance ninyo!" Singhal niya kaya walang umimik sa amin.
"Natahimik ka?" tanong ko kay Nathalie na sinusundan ng mga mata si Sir Victor na papalayo na.
"Wala." sagot nito at ngumiti sa akin.
Matapos magpapirma ay nagpaalam ako kina Black para samahan si Nathalie kay Sir Torres.
Nauna ako sa kaniya ng ilang hakbang dahil busy ito sa kakatext.
"OUCH!" Daing nito kaya napalingon ako. Hawak siya ni Alwyn sa bewang kaya mabilis na bumalik ako.
"Nextime, Natty, mag-ingat ka at tumingin ka naman sa daan kapag naglalakad ka."
"S-Salamat." Nahihiyang pasalamat niya rito.
"Ano ang nangyari?" nakakunot ang noong tanong ko.
"Nabangga ko lang siya kaya muntik na akong matumba. Mabuti na lang dahil nasalo niya ako." Sagot ni Nathalie.
"Okay na siya kaya baka puwedeng bitawan mo na si Nathalie." Nakahawak pa rin ito sa bewang niya.
"Ay, sorry." Paumanhin nito saka kinuha ang mga kamay sa bewang ni Nathalie.
"Sa susunod, mag-ingat ka kapag naglalakad." Payo ni Alwyn. "Dahil hindi mo kilala ang mga binabangga mo." Dagdag nito sa seryosong mukha.
"Mauna na ako sa inyo," paalam ni Alwyn at tinalikuran kami.
"Halika na." Yaya ko sa kaniya. "Magkakilala kayo ni Alwyn?"
"Hindi." Tipid na sagot ng kasama ko.
"Bakit kilala ka niya?"
"Kasintahan mo raw kasi ako..."
"Kailan pa siya nagka interest sa kasintahan ng iba?" nagdududang tanong ko.
"Malay ko. Sikat ka rin naman dito sa campus at anak ng may-ari nitong paaralan."
"Psh!" Napaisip ako. Kapag pala si Jigs ang kasintahan ko, ano kaya ang magiging reaksyon ng iba? Siguro, huhusgahan nila kami at puro panglalait ang mga naririnig namin habang naglalakad.

BINABASA MO ANG
Beki si Black
Chick-LitIsa lang akong simpleng babae. Naging stalker ng isang lalaki at nagising na lang bigla na nasa isang condo unit na ako nakatira kasama ang lalaking kinamumuhian ako! Isa siya sa mga anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Guwapo, matalino, map...