BEKI Si BLACK ( U-Prince 1 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 9
Uy, naghahanap ng bedscene. Utang muna. Mamayang gabi na. Mhirap magmoment sa ganitong oras. Hahaha!
[Black Pov]
Bumaba ako sa kama at dinampot ang mga nagkalat na damit ko at dumiretso sa shower room. Pasado alas diyes na kaya hindi na kami makakapasok.
Binuksan ko ang shower sa pinakamalamig nitong tubig. Hinayaan ko lang na bumuhos iyon sa hubad kong katawan. Umaasa na sana ay mapalamig nito ang katawan lalo na ang aking ulo.
"SHIT!" Hiyaw ko at sinuntok ng malakas ang dingding. Hindi ko kaya ang nalaman ko. Ayaw kong tanggapin. Paano nagmahal ng iba si Jigs? Akala ko, si Taira lang. Sa dinami-dami ng babae, bakit si Nathalie pa? Si Nathalie na pinagkatiwalaan ng aking pamilya.
Nang magsawa na ako ay lumabas na ako na may takip ng malaking tuwalya ang bewang. Napasulyap ako sa higaan. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Tila isang anghel na kakasilang lang dahil sa hubad nitong katawan. Napansin ko ang puting kumot na may bahid ng dugo.
Napahilamos ako sa mukha. I hate her! But damn, she's fuckin' delicious!
I never thought na virgin pa siya last night. Ako ang nakauna at parang naguilty pa ako kagabi nang umiyak siya dahil sa sakit. Hell! Pakialam ko kung nasaktan siya? Sumarap naman no'ng tumagal na. Isa pa, fuck! Pareho lang kaming first timer. Hindi ko inakalang sa kaniya ko pa ibibigay ang bagay na matagal nang hinihingi ni Jigs.
Naalala kong pinapunta ako ni Tito Dylan ngayon sa opisina nila kaya lumapit ako sa closet para magbihis.
Hindi na ako magpapaalam sa kaniya tutal, wala naman kaming pakialaman. Ducati ang napili kong gamitin para mabilis na makarating. Ipinarada ko muna ang sasakyan ko at iniwan ang helmet sa motor saka pumasok sa building ng mga Lacson. As usual, napapalingon ang mga empleyado sa akin. Poker face lang ako. Ayokong pati sila ay madamay sa galit ko.
Kung kasing sama lang ako ni Nathalie, malamang, napatay ko na siya kagabi pa. Dapat lang sa kaniya na masaktan siya kagabi. Napabuntong hininga ako. Pareho lang pala kaming hindi pa naibigay ang katawan kay Jigs.
"Shit!" Sambit ko. Sumobra na ako kaya napabalik ako sa office ni Tito.
"Morning po," bati ko nang madatnan sila ni Tito Christian.
"Maupo ka muna, Black." Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa.
"Ayusin mo ang grupo ko. Ang pinakaayaw ko ay magkabanggaan tayo," wika ni Tito Dylan. Tungkol sa frat na naman yata ito.
"Huwag kang mag-alala. Mabuti na ang nahalal na presidente at mukhang dedikado siya sa pagiging leader ng Tau Gamma." sagot ni Tito Christian.
"Siguraduhin mo lang dahil balita ko, maraming gangster na nagsisulputan. Ayaw na ayaw kong mapasok ang paaralan ko ng mga walang kuwentang gangster!" Mukhang galit na yata si Tito Dylan.
"Wala kang problema sa panig ko. Ano mang oras ay handa kaming makiisa para sa kapayapaan ng mga kapatiran."
"Sino ang leader ninyo ngayon?" tanong ni Tito Dylan.
"Remember, Allysa and Kiefer?"
"Anak nila?" nakikinig lang ako sa kanila. Familiar ang mga pangalang naisambit ni Tito Christian pero hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig.
"Oo."
"Paano si Drei naging leader ninyo?" si Drei? Naalala ko na. Sina Kiefer at Allysa ay mga magulang ni Drei ipapakasal kay Ate Erika.
"Physical and mental challenge."
"Alam mo ba kung bakit gusto niyang maging pinuno ninyo?"
"Lahat naman ay gustong maging leader ng isang sikat na fraternity o frasority?" sagot ni Tito Christian at nag de kuwatro.
"Hindi. Naririnig ko sa underworld ang pangalan ng Black Dragon Gang."
"Ang nangrape sa ina niya? Putang ina! Akala ko ba, matagal na silang wala?"
"Worst, nakipag half brod sila sa isang frat."
"Anong frat?"
"Hindi ko pa alam."
"Fratgang?" sambit ni Tito Christian. "Pustahan, gusto niyang maghiganti sa Black Dragon. Kaya pala ang lakas ng loob niya noon sa hazing area. Tama lang na siya ang naging leader ko," nakangising wika ni Tito Christian.
"Huwag mong kalimutan na may rules tayo." paalala ni Tito Dylan.
Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila dahil hindi naman kami sangkot sa kapatiran. Bawal daw sabi ni Daddy dahil mahigpit na ibinilin ni Lola Hannah na huwag isali ang aming pamilya.
Tumigil sila ng pag-uusap nang bumukas ang pinto at bumungad ang lalaking nasa kuwarenta na ang edad. Kilala ko ito--ang abogado ni Jigs.
"Mauna na ako. Sa susunod na lang tayo mag-uusap," paalam ni Tito Christian at tinapik ako sa balikat bago lumabas.
"Mr. Falcon," bati ko at nakipag handshake sa kaniya na naupo sa harapan ko.
"Mabuti naman at napunta kayong dalawa," ani Tito Dylan. "Humingi ng tulong sa akin si Genard na makausap ka ng harapan." Napakunot ang noo ko. Bakit kailanga pa niyang dumaan kay Tito Dylan kung puwede namang dumiretso sa akin? Mukhang nakuha naman ni Tito ang nais kong ipahiwatig. "Masyadong delikado."
"Kaya gusto kitang makausap, Mr.Villafuerte, dahil sa kahilingan ng aking client bago siya namatay o mas tamang sabihin na pinatay," panimula ni Mr. Falcon.
"Ano ho iyon?"
"Nais niyang magkaroon ka ng copy nito." iniabot niya sa akin ang brown envelope. Nagtatakang binuksan ko ito. Mga properties na naipundar ni Jigs noong nabubuhay pa siya. Matamang nakikinig lang si Tito Dylan sa harapan namin.
"Lahat ng hawak mo ay pinaghirapan ng iyong kaibigan. Gusto ka niyang magkaroon ng kopya dahil dalawa lang kayo na pinagkatiwalaan at importante sa kaniya." inisa-isa kong tiningnan ang lahat. Ang condo niya kung saan namatay, ang lupa sa Batangas, mga jewelries na pinatago niya sa bangko at bank savings.
"Kanino ko ito ibibigay? Sino ang beneficiary niya?" hindi ko akalaing ganito kalaki ang naipon niya. Napasulyap ako kay Tito Dylan. Alam kong bago pa ito ibinigay ni Mr.Falcon ay alam na niya ang mga ito.
"Here..." inabot niya sa akin ang isang papel-- last will and testament. "Alam niyang nanganganib ang kaniyang buhay dahil sa mga kakumpitensiya sa pagtitinda ng druga kaya maaga niya itong pinagawa sa akin." naningkit ang mga mata ko sa nakitang pangalan. Gusto kong magwala pero baka kung ano pa ang isipin ng mga ito. Si Nathalie. Sa kaniya ipinangalan ni Jigs ang lahat.
"Mauna na ako. Marami pa akong aasikasuhin sa opisina ko," paalam niya sa akin at tumayo na.
"S-Salamat ho." nakatingin pa rin ako sa nakasaradong pinto na nilabasan ni Mr. Falcon.
"Sa tingin mo? Bakit papatayin ni Nathalie si Jigs kung lumalabas sa imbestigasyon na may relasyon sila?" pukaw ni Tito kaya naikuyom ko ang aking mga kamao.
"Dahil sa kaniya mapupunta ang lahat ng pinaghirapan ng aking kaibigan!'
Tumahimik ito at pinagmasdan ako na para bang pinag-aralan ang magiging reaksiyon ko. Matalino si Tito pero alam kong ayaw niyang makialam.
"Hindi kaya may ibang pumatay kay Jigs?" makahulugan niyang sabi. "Sangkot sa druga ang kaibigan mo at marami ang humahabol sa buhay niya." May punto siya. Pero si Nathalie na mismo ang umamin sa akin na siya ang pumatay.
"Mauna na ho ako. Papasok pa ako mamaya." Tumayo na ako. Kanina pa nagva-vibrate ang cellphone ko dahil sa tawag ni Sky.
"Mag-ingat ka," may laman na sabi niya kaya napatingin ako sa mukha niya.
"Opo."
Pagdating ko sa condo ay nasa kusina si Nathalie. Naghahanap ng pagkain sa cabinet kaya tuloy-tuloy na ako sa kuwarto ko. Muli kong binuksan ang bitbit kong envelope. Hindi ko akalaing ganito na lang ang tiwalang ipinagkaloob niya kay Nathalie. Ganito na ba talaga kalalim ang pagmamahal niya sa babaeng iyon? Na kahit ang buhay niya ay ipinagkanulo niya rito?
Naagaw ng pansin ko ang isang stationary paper. Sulat ni Jigs. Alam kong sa kaniya itong sulat-kamay.
Black:
Alam kong sa mga oras na ito ay wala na ako sa mundo. At alam kong nakita mo na ang mga papeles na ipinatago ko sa aking abogado. Black, alam mong mahal kita. Walang ibang tao na nagmamay-ari ng puso ko kundi ikaw lang. Pasensiya ka na kung hindi kita naipaglaban. Kung hindi kita naipakilala bilang kasintahan. Alam mo naman ang relasyon natin, marami ang humuhusga.
Napaluha ako sa nabasa. Kahit na ano mang pigil ko na huwag umiyak pero hindi ko mapigilan. Pinahidan ko ang mga luha at ipinagpatuloy ang pagbasa.
Kalakip ng mga dokumento na hawak mo ay ang last will ko. Sorry kung hindi ko naipakilala sa iyo si Nathalie. Sorry kung inilihim ko ang relasyon na meron kami. Ayaw ko lang na may ibang makakaalam dahil ayaw kong masangkot siya sa gulong pinasok ko. Ayaw kong mapahamak siya. Gusto ko siyang protektahan pero alam kong hindi ko na iyon magagawa. Ilang beses nang may tumatangka sa buhay ko pero palagi na lang akong nakakaligtas pero alam kong aabot ako sa ganito. Si Nathalie, alam kong mahina siya kaya pakiusap, protektahan mo siya dahil hindi ko na iyon magagawa.
Napahagulgol ako. Parang hindi ko kaya ang hinihingi niya. Kahit nanlalabo ang mga mata ay sinisikap kong tapusin ang sulat na binabasa.
Dalawang taong gulang ako noon nang ipinaampon ako ng nanay ko sa kapatid niya dahil sa kahirapan. Pinalaki nila akong hindi itinuturing na tunay na anak. Utusan at pampalipas oras ng walang hiya kong amahin kaya pumunta ako rito sa Maynila at nagsumikap. Masaya ako nang matagpuan ko si Nathalie. Hindi ko nga inakalang magkikita pa kami. Dalawa na lang kayo sa buhay ko kaya ayaw kong mapahamak ang isa sa inyo. Mahalaga si Nathalie. Kasing halaga mo kaya pakiusap, huwag mo siyang pabayaan. Alagaan mo si Nathalie-- ang kakambal ko.
Jigs..FUCK!
A/N:
Mamaya na po ang bedscene. "UTANG MUNA" ✌ ✌ ✌😀 Ipapatapos ko pa sa co-writer ko kasi wala ako sa mood.😀💖😀💖✌
BINABASA MO ANG
Beki si Black
ChickLitIsa lang akong simpleng babae. Naging stalker ng isang lalaki at nagising na lang bigla na nasa isang condo unit na ako nakatira kasama ang lalaking kinamumuhian ako! Isa siya sa mga anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Guwapo, matalino, map...