BEKI SI BLACK ( U-Prince 1 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 4
[Nathalie Pov]
Nakakainis! Nakakairita at nakakabuwesit itong bakla! Kakarating lang namin dito sa condo niya.
"Ano ba ang problema mo? May pasok pa ako!" padabog na naupo ako sa sofa.
"Bukas ka na pumasok. Magluto ka na nga ng lunch natin!" Utos nito.
"Black naman. Papasok ako!" Ani ko.
Sasagot pa sana ito nang may nag door bell. Asa pa ako na bubukas ito ng pinto kaya lumapit na ako sa pintuan para pagbugsan ang nasa labas.
"T-Tito?"
"Tama pala ang sabi nina Blue at Sky. Ibinahay mo na si Nathalie?" nakapamulsa ito at pumasok sa bahay na para bang hindi bisita. Iginala nito ang paningin sa paligid.
"Puwede na rin ito. Ang galing naman dahil sa murang edad ay nakabili ka ng sarili mong condo," proud na sabi ni Tito. "Higit sa lahat, proud ako dahil iba ka na. Mabuti 'yan at si Nathalie ang napili mo kaysa sa kung sinong lalaki lang diyan." napansin kong umiba na naman ang mukha ni Black pero saglit lang. Bigla rin itong naglaho nang humarap ang ama.
"Alam mo anak, proud ako sa iyo dahil binata ka na talaga. Bigyan ninyo kami ng apo, ha." Muntik na akong mabilaukan ng laway dahil sa narinig.
"May kailangan ka, Dad?" mayamaya ay tanong ni Black.
"Pinapalayas mo ba ako, Black?"
"Hindi ho. Paano kami makakagawa ng apo ninyo kung nandito kayo sa unit ko?" ang bastos talaga ng batang 'to. Bakla na nga, bastos pa!
"Puwede namang mamaya a. Chine-check ko lang kung tama ang sinabi ng mga kapatid mo. Mabuti naman dahil natauhan ka na. Sana tuloy-tuloy na 'yan, ha."ayaw ko nang sumabat sa mag-ama bilang respeto na lang kay Tito Skyler.
"Tuloy-tuloy na nga." Napasulyap si Black sa akin. Gusto ko sanang humingi ng tulong kay Tito na hindi naman talaga mabait ang anak niya. May masamang motibo kaya 'to kaya ibinahay na niya ako. Kung alam mo lang po tito Skyler. Kung alam mo lang!
"Sige na, alis na ako dahil mukhang gusto ninyong magsolo." bumaling siya sa akin. "Natty, pasyal ka minsan sa bahaya. Alam mo namang wala na sina Lyn at Erika." Oo nga pala. Nasa ibang bansa na nag-aaral si Lyn at si Erika naman ay lumipat na yata ng condo unit niya.
"Sige po..." Nahihiyang sagot ko. Sana magtagal pa ito kahit na one hour man lang.
Nang makalabas na si Tito at naisarado na ang pinto ay hindi na naman ako makahinga. Sumikip na naman ang mundo ko dahil sa presensiya ni Black na kahit hindi ko tingnan ay alam kong nasa akin ang mga mata niya.
"Magsaing ka na ng tanghalian." Utos niya saka pagod na pumasok sa kuwarto. Pumunta ako sa mini kitchen at nagsalang ng sinaing sa rice cooker tapos naupo sa sala at nag-isip kung ano ang iuulam.
"Ano ang ulam natin?" napukaw ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita ito sa likuran ko. Naka bathrobe ito at bahagyang nakabukas ang sa dibdib hanggang bewang na part. Kaya heto na naman ako. Nagwawala na naman ang peste kong mga mata. Bakla ba talaga 'to? O ako ang nababakla sa kaniya?
"Ikaw?" wala sa sariling sagot ko. Gusto kong iiwas ang mga mata ko sa malapad na dibdib nito. Diyos ko naman! Ilang babae kaya ang nanganganib ang pagkababae kapag maging lalaki na ang baklang ito?
"Ako ang iuulam mo?" naningkit na naman ang mga mata ng loko.
"I-Ikaw. Ikaw, ano ang gusto mong ulam?" balik-tanong ko. Kung papayag lang din naman siya na iulam ko, why not? Kaso ayaw niya ng talaba. Gusto niya hotdog din. Tsk! Ay, kumain na pala siya ng talaba pero hindi niya yata nagustuhan?
"Kung ang iniisip mo ay hilaw na ulam, puwede ko namang ibigay sa iyo..." napatingala ako sa kaniya. Hindi ko mai-spelling ang mukha nito. Nakatitig lang siya sa akin. In fairness, ang sexy ng legs nito na may maninipis na balahibo. Shit! Ano ba ang mga tinitingnan ko?
"Sabihin mo lang Nathalie at hindi ako magdadalawang isip na ipakain sa iyo iyang mga nasa isip mo!"
"H-Huh? W-Wala a. Mag-uulam na lang tayo ng sardinas," mabilis na sagot ko. Mahirap hamunin ang baklang ito dahil talagang nagawa na namin iyon noong nakaraang linggo lang. "Pero lasing naman siya noon," sigaw ng isip ko.
"Ikaw ang kumain ng sardinas mo!" Nakalimutan kong mayaman pala ito. Malamang, never pa ito nakatikim ng pagkaing pang mahirap.
"Ay, hindi pala kumakain ang sirena ng kapwa isda nila," ani ko kaya tumaas na naman ang kilay nito.
"Tama ka. Tahong at talaba lang," sang-ayon niya saka lumapit sa harapan ko kaya napatayo ako bigla. Nakasentro kasi ang ulo ko sa gitna ng hita niya.
"M-Magluluto na ako." Wika ko. "Ay, mag order na lang pala. Treat kita," suhestiyon ko. Umiling lang ito at muling pumasok siya ng kuwarto kaya napapaypay ako ng kamay sa mukha ko. Ang init, eh!
Nang makarating ang inorder ko ay kinatok ko na siya para sabay na kaming kumain. Pasado alas dos na nga pero hindi ako nagugutom.
"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Nathalie. Bakit mo pinatay si Jigs?" tumigil ako sa pagsubo ng kanin. Binuksan na naman niya ang kasong iyan kaya bigla na namang bumilis nag pagtibok ng puso ko. As long as possible ay ayaw kong pag-usapan dahil ayaw ko lang. Hindi pa ako handa lalo na't siya ang naging kasintahan nito.
"Kumain ka na--" napatigil ako sa pagsalita nang ibinagsak niya ang kutsara't tinidor. Alam kong desperado na siya sa mga nangyayari. Hindi ko lang alam kung may alam na ito sa lahat. Kung nalaman niya na ako ang huling nakausap ni Jigs, malamang nakakuha siya ng mga naiwang ebidensiya at hindi iyon nakakabuti para sa akin o sa amin.
"I NEED AN ANSWER, NATHALIE!" Tumayo ito at hinawakan ako Sa kamay. Alam kong hindi pa niya ako papatayin pero kahit papaano, natatakot ako kay Black. Hindi sa pisikal na bagay kundi natatakot ako na tuluyan niya akong kamuhian. Ewan ko kung bakit ayaw kong magalit siya sa akin. Siguro dahil napalapit na ako sa pamilya nila lalo na sa mga kapatid nito.
"Kung ayaw mong sumagot, aalamin ko ang lahat. At oras na mapatunayan kong ikaw nga talaga ang pumatay kay Jigs, isinusumpa kong isusunod kita sa hukay niya!" Mahina pero alam kong sa bawat salita nito ay may kalakip na sumpa. Ano ba ang magagawa ko? Nangyari na ang hindi dapat na mangyari. Isang drug dealer si Jigs at marami ang humahabol sa buhay niya dahil sa mga nakakabanggang drug lords kaya kailangan na niyang mamatay!
Nang matapos akong kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan namin na hindi naman niya nagalaw ang inilagay na pagkain sa plato.
Ilang oras na itong nakakulong sa kuwarto. Nang sa tingin ko ay natutulog ito, lumabas ako sa unit niya. Alam niyang hindi naman ako tatakas kaya hindi na niya dinudouble lock. Kahit ang duplicate ay binigyan din niya ako. Iyon nga lang. Kapag sabihin nitong uuwi na ako ay hindi ko dapat suwayin ito. Bahala na kapag magising siya mamaya. Agad na sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa dapat kong puntahan.
"Kamusta ang kaso mo. May impormasyon ka na bang nasagap?" tanong ni Sir nang pumasok ako sa office niya. Kasama nito ang asawa niyang hanggang ngayon ay maganda pa rin ang hubog ng katawan. Huwag lang itong magsalita. Basta!
"Wala pa ho," sagot ko. Habang nasa taxi ay pinag-iisipan ko kung isusumbong ko ba sa kaniya na may nakaalam pa na iba na ako ang huling nakausap ni Jigs bago natagpuan ang kaniyang bangkay.
Napakagat ito sa ballpen na hawak at pinaikot ang swivel chair. Guwapo ito at hindi halatang ganito ang isa pa nilang trabaho dahil sobrang desente tingnan.
"May mga iilan pa ring sinusubukang alamin at buksana ng kaso niya lalo na ang mga media," problemadong sabi niya. "At oras na magkaroon ng copy ng cctv ang kahit ano mang media ay wala na. Tapos ka na!" Wika ni Sir. Sikat na modelo naman ang napatay kaya hindi malabong marami pa rin ang hahalungkat ng kaso ni Jigs.
Tumahimik ako. Mahirap nga lusutan ang problema ko. First misyon ko pa naman si Jigs at mahirap sa akin ang lahat dahil napasama ang puso ko sa misyon na hindi ko dapat ginamit pero hindi ko maiwasan.
"Sweetheart, nasaan na naman ang kambal nating babae?" tanong ni Ma'am. Dalawa ang kambal nila. Ang panganay ay parehong babae at ang bunso ay mga lalaki na.
"Nasa CTU. Mag-i-inquire raw tungkol sa requirements kapag magkolehiyo sila..." sagot ni Sir.
"Ang tagal pa nilang mag college."
"Next year na sweetheart," pagtatama ni Sir.
"Matagal pa iyon. May ilang buwan pa." tumahimik na lang si Sir. Palagi namang wala itong laban kay Ma'am.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang magandang dalagita.
"Sorry po. Akala ko nandito si Mommy," paumahin nito at tumalikod para muling lumabas.
"Hoy COPYPASTE!" Tawag ni Ma'am kaya lumingon ito.
"Bakit ho Tita?"
"Pakisabi sa nanay mo na ako ang naunang nakaisip na bibili ng hermes plate kaya 'wag siyang manggaya!" Bilin niya. "COPYPASTE talaga ang nanay mo!" Reklamo nito. Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung magkaaway ba sila ng nanay ng tinatawag niyang "copypaste".
"Sige po..." umalis na ito kaya naiwan na naman kaming tatlo.
"Sweetheart," paglalambing ni Ma'am sa asawa. "Pasyal tayo sa Amerika..."
"Sige. Saan sa Amerika para makapa book na tayo," sang-ayon ni Sir.
"Sa Canada!" Excited na sagot ni Ma'am.
"Pang ilang beses ko bang sabihin sa iyo na magkaiba ang Canada sa Amerika..." pagtatama ni Sir.
"Huwag mo nga akong gawing BOBO! Wala pa akong nabasang batas na inihiwalay na sila!" Giit ni Ma'am.A/N:
Ayan, may idea na ang iba. Hehehe. 😀💖💜💖💜💖
BINABASA MO ANG
Beki si Black
ChickLitIsa lang akong simpleng babae. Naging stalker ng isang lalaki at nagising na lang bigla na nasa isang condo unit na ako nakatira kasama ang lalaking kinamumuhian ako! Isa siya sa mga anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Guwapo, matalino, map...