24

2K 66 0
                                    


BEKI si BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 24

[Third Pov]
" Mommy? Namiss mo ba ako?" tanong ni Erika at naupo sa tabi ng ina. Nasa tambayan sila nang bisitahin nina Skyler at Kimberly.
"Hindi. May asawa ka na," sagot ni Skyler kaya napasimangot ang anak.
"Bakit ang sama ninyo sa akin, Dad? Wala akon ginawag masama pero ipinamimigay na ninyo ako! Anong klaseng mga magulang kayo?" madamdaming wika ni Erika at tumayo para lumipat sa tabi ni Keana.
"Para naman sa iyo iyon at nang makatikim naman ng impyerno ang mapapangasawa mo!" Si Skyler na ang nakipag-usap sa anak. Namimiss din niya ito pero matagal na niyang tanggap na darating ang araw na sila ni Kimberly na lang ang maiiwan sa kanilang mansion dahil mag-aasawa na ang mga ito.
"Langit kaya ang palagi niyang nararanasan kapag magkasama kami!" lahat sila ay napatingin kay Erika dahil sa sinabi. Kahit si Skyler ay sumalubong ang kilay at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ng anak.
"Bakit? May masama ba sa sinabi ko?" inosenteng tanong ni Erika. Pumasok sina Nathalie at Black at agad humalik sa pisngi ng mag-asawa.
"Aminin mo na nga sa akin, Erika. Nag boom boom paw na ba kayo ni Drei?" tanong ni Skyler.
"Dad naman! Virgin pa ako! Never na isuko ko ang bandera sa mayabang na iyon!" Pagtatanggol niya sa sarili.
"Patas lang kayo. Mayabang ka rin," sabat ni Sky na kumakain sa dining table kasama si Blue.
"Mas mayabang ka! Supot! Maliit ang ano!" panunuya ni Erika.
"Daddy, maliit daw, oh. Payag ka no'n? Maliit tayo?" sumbong ni Sky.
"Isa ka pa, Sky, nasaan si Taira?" tanong ng ama.
"Kapag magkasama kami ni Taira, nagagalit kayo. Kapag hindi ko siya kasama, hahanapin ninyo sa akin. Ano ba talaga?" naguguluhang tanong ni Sky.
"Aminin mo na kasi na mahal mo si Taira." Sabat ni Kean. "Todo deny pa kayo. Pinapahirapan lang ninyo ang sarili niyo."
"Wala nga. Mahal ko siya bilang kaibigan at tigilan na nga ninyo kami ni Tai-Tai. May girlfriend ako, si Amanda." Giit ng binata.
"Kayo pa rin ni Amanda?" tanong ni Blue.
"Oo. Kapag mag boom boom pow lang," nakangising sagot ni Sky.
"Matapos mong gawin iyon kay Taira, nagawa mo pang gumamit ng iba?" bulong ni Blue para hindi marinig ng mga magulang.
"Ayaw na kasi niya e. Pero wala bakit gano'n? Nakakawalang gana ang mag boom boom pow." naguguluhang sabi ni Sky.
"Nawawalan ka rin pala ng gana?"
"Ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa?" tanong ni Skyler.
"Wala ho." Ani Sky.
"Kayong mga bata. Mag-aral kayo ng mabuti. Uwi na kami ni Kim," sabi ni Skyler. Pumunta lang sila para tingnan ang estado ng paaralan at gustong makausap ni Kim si Elsa tungkol sa mga anak niya.
"Mommy, ano ang sumbong ni Miss Legaspi tungkol sa amin?" curious na tanong ni Sky.
"Nangongopya ka raw kay Black pati pangalan niya," sagot ni Kimberly.
"Hindi kaya. Sinungaling talaga si Miss Legaspi. Palibhasa walang sex life." mabilis na depensa ni Sky.
"Tita, wala ho bang kasintahan noon si Miss Legaspi?" curious din na tanong ni Keana.
"Meron. Ang bagong teacher ng Wesbridge," nakangiting sagot ni Kim at napatingin kay Black na halatang binabantayan ang kilos ni Nathalie. May katext ang dalaga at pasimple nitong binabasa.
"Ano ba, Black. Bakit mo ba binabasa ang text ko?" naiinis na sabi ni Nathalie.
"Hindi ko binabasa."
"Binabasa mo. Alam ko!"
"Assuming ka lang!" Napipikon na sbi ni Black.
"Binabasa mo talaga."
"Ano ang babasahin ko? Na magkikita kayo mamaya ni Alwyn mo?" sagot ni Black.
"Binabasa mo nga!" Napipikong sabi ni Nathalie.
"Selos ka Black?" tanong ni Sky.
"BAKIT AKO MAGSESELOS?" Tumaas na ang boses nito. Umiling si Sky dahil mukhang mag-aaway na naman ang mga anak. Tumahimik silang lahat. Kapag sumigaw si Black, wala nang makakasagot dito.
"Huwag kang sumama sa kaniya, Nathalie!" Pakiusap ni Black.
"Sasama ako sa gusto kong samahan. Huwag ka ngang makialam sa mga kinakaibigan ko!" Sagot ng dalaga. Nakikinig lang ang nasa paligid.
"Kinakaibigan?" panunuya na tanong ni Black. "Alam mo ba kung sino ang kinakaibigan mo? Nakikiusap ako sa iyo, huwag kang sumama sa kaniya." Naalala niya ang pag-uusap nila ni Alwyn noong isang araw at hindi niya nagustuhan. Ayaw niyang maagaw nito si Nathalie. Hindi siya makakapayag!
"Tama na nga, Black. Wala namang ginagawa si Alwyn sa iyo!" Saway ni Nathalie. Naging mabait ang binata sa kaniya. Sa katunayan, naging malapit na ang loob niya kay Alwyn.
"Wala pa. Pero baka nakalimutan mo kung sino SIYA!" Makahulugang sabi nito. Ayaw niyang sabihin na drug user ito sa harap ng pamilya dahil wala pa silang sapat na ebidensiya.
"Alam ko kung sino siya at huwag mo akong pangunahan. Alam ko ang ginagawa ko," gusto na niya sanang tumigil sa pagsagot dahil nahihiya na siya sa mga magulang ni Black pero makulit ang binata. Para sa kaniya, mabait si Alwyn at iyon ang ipaglaban niya pero may isang bahagi sa utak niya na may kailangan siyang matuklasan dito.
"Please, makinig ka sa akin." Desperadong sabi ni Black. Gusto sana niyang kausapin si Nathalie na umiwas kay Alwyn dahil masama ang kutob niya rito. Ilang beses na niyang kinakausap ang dalaga pero hindi ito naniniwala sa kaniya. "Sana naman, makinig ka sa akin. Kahit ngayon lang." Masama ang kutob niyang may gagawin si Alwyn sa kanilang dalawa.
"Bakit ba nakikialam ka sa pakikipagkaibigan ko kay Alwyn?"
"Dahil ayaw kong mapahamak ka! Mahirap bang intindihin iyon?"
"Kaya ko ang sarili ko!"
"Hindi mo kaya! At kapag may mangyaring masama sa iyo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko!" Kung puwede lang sanang itali si Nathalie para makasiguro siyang hindi ito mapahamak ay gagawin niya.
"Hindi kita maintindihan, Black."Pagsuko ni Nathalie.
"Ano ba ang hindi mo maintindihan? Masama bang intindihin na mahal kita?" napipikon niyang sagot. Huli na nang marealize niya ang huling sinabi. Napanganga ang buo niyang pamilya lalo na ang daddy nila.
"K-Kuwan... Baka mahal kita..." naguguluhang wika niya. "Mahal na nga yata kita?" hindi siya sigurado sa nararamdaman. "FINE! Mahal na kita!" Pag-amin niya. Sumimangot siya nang hindi man lang kumukurap si Nathalie.
"Peste! Minsan ka nga lang aamin, sa tanga pa!" Tumango siya. Hindi ito ang inaasahan niyang maging reaction ng dalaga. Akala pa naman niya ay matuwa ito pero nakatulala lang.
Si Skyler ay napatulala sa narinig. "Lalaki na ang anak ko," bulong niya. Bawal namang sabihin na bakla ito dahil nandito sina Kean at Keana. Walang kaalam-alam ang mga ito sa pagkatao ni Black.
"L-Lalabas na po ako," paalam ni Nathalie. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Mahal daw siya ni Black!
Gusto sana niyang tumalon sa tuwa pero nasa harapan niya ang buong pamilya nito. Masaya siya! Walang kasing saya dahil siguro ay mahal na rin niya ang binata.
Dumiretso siya sa parking lot dahil ang usapan nila ni Alwyn ay doon na magkikita. Masaya siya kaya ililibre niya ito ng cake bilang selebrasyon. Naging close na sila nito. Aware naman siya na drug user ito pero magaan ang loob niya sa binata dahil pala kuwento ito sa kaniya tungkol sa mga achievements sa buhay. Ito pa nga ang nakaappreciate sa mataas na grado niya. Ito rin ang handang makinig ng mga kuwento niya.
"Alwyn? Ano ang ginagawa mo diyan?" tanong niya rito nang may kinakalikot na ducati. Nakatalikod ang motor kaya hindi niya makita ang plate number o design nang nasa harap.
"W-Wala. Umalis ka na muna rito," sabi nito.
"No. May iku-kuwento ako sa iyo," masayang sabi niya. Sabihin niyang inlove na siya kay Black. Ito lang kasi ang napagsasabihan niya.
"Halika na, Natty. Doon na tayo magkuwentohan sa labas. Pasyal tayo," inakay siya nito sa braso at pinasakay sa kotse.
"SHIT!" Pagmumura ni Black nang makitang palabas na ang kotse ni Alwyn. Nang makita niyang inakay sa nito si Nathalie ay patakbo siyang lumapit pero nakasakay na ang mga ito.
May tumatawag sa kaniya kaya sinagot niya dahil baka si Nathalie ito.
"Hello, sir, kukunin ko na po ang motor mo pero ayaw akong papasukin ng guard," sabi ng nasa kabilang linya.
"Sige. Hintayin mo ako diyan sa labas." Sagot niya at pumanta sa ducati. Gusto sana niyang sundan si Nathalie pero paubos na ang gasolina kaya ipapakuha niya sa tauhan para palagyan sa pinakamalapit na gasoline station. Nakalimutan niyang mag full tank dahil hiniram ito ni Sky kahapon.
Sumakay siya tapos inilabas ang ducati sa gate ng paaralan. "Paki ingatan itong ducati ko," sabi niya tiyaka ibinigay ang susi sa lalaking nakahelmet na nasa trenta ang edad.
"Opo. Sana makaabot ito sa gasoline station." Magalang na sagot ng lalaki at ini-start ang sasakyan.
Dinukot ni Black ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Nathalie pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Ring lang nang ring.
BOOM!
Isang malakas na pagsabog ang narinig niya sa 'di kalayuan. Nakita niya ang kaniyang ducati na sunog na kasama ang lalaking nagmamaneho nito.

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon