13

1.8K 58 0
                                    


BEKI SI BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13

Kakatapos ko lang mag swimming kaya dumiretso ako sa basketball court nitong condo na nasa 25th floor.
Mahilig magbasket ang quadruplets kaya naglaan talaga sila para sa mga clients nila.
"Kuya!" Bati ni John Jacob na nakaupo sa isang sulok at nanonood sa mga kapatid.
"Bakit hindi ka sumali sa kanila?" tanong ko at naupo rin sa tabi niya.
"Wala ako sa mood."
"Ano ang laro? Apatan?" apat ang kalaban nina L.L.
"Oo."
"Dapat ikaw ang isa." Wika ko. Kaibigan yata nila ang naglalaro.
"Ayoko. Masakit ang paa ko. Sinipa kasi ni Lee Patrick kagabi. Nag-away kami," nagrambulan na naman siguro ang apat na 'to. Mabuti na lang dahil kahit ganoon sina Sky at Blue, hindi naman kami nagpipisikalan. Nagawa na namin iyon noong bata pa kami at hindi talaga maganda ang nangyari. Lahat kami ay itinali ni Dad at isinabit sa puno sa likod ng mansion.
"Kuya Black? Magco-college na kami ngayong pasukan," excited na wika nito. Nakikita ko na ang hinaharap ng apat na 'to sa loob ng CTU at mukhang hindi maganda. Puro fraternities pa naman ang nandoon at palagi nang nababalita sa tv ang frat war.
"Mabuti naman kung ganoon."
"At kuya, magkakacondo na rin kaming tatlo rito. Hindi lang si L.L ang mayroon." Parang batang sumbong nito.
"Nice. Mabuti naman at pumayag si Tita Ann?" ang alam ko ay tutol ito na magka condo ang mga anak dahil hindi macontrol kapag wala sa bahay.
"Oo. Wala naman siyang magagawa dahil palaging layas ang tatlo," sagot nito.
"Sus, kasama ka rin naman sa kanila." Ani ko. Hindi na yata nagkakahiwalay ang apat na 'to.
"Minsan lang naman," napakamot ito sa batok. Kung sabagay, si Jacob ang pinakatahimik sa kanilang apat. Palagi nga itong na-a-out of place dahil siya lang daw ang hindi pogi sa kanilang magkapatid. Guwapo naman ito. Kaniya-kaniyang asset lang 'yan. Parang kami ring tatlo. Hindi sa lahat ng bagay ay pare-pareho kayo.
"Kuya, alis muna ako. Tumatawag si Mommy, eh. Alam mo namang hindi na masagot ng tatlo ang tawag dahil busy." Paalam nito at tumayo habang hawak ang cellphone.
"Sige..."
Nanonood lang ako sa mga naglalaro. Sumenyas si John Matthew kung gusto ko rin pero umiling ako. May mga babaeng nakaupo sa bawat sulok. Ang iba ay residente pero ang iba ay mga dayo lang yata na kaibigan o kamag-anak ng naninirahan dito. Halos lahat ng naninirahan dito ay mga teenagers o college students na galing sa buena pamilya. Kung sabagay, pangarap na condo ito ng mga teenagers dahil nandito na ang lahat. Itong 25th floor ay nandito na ang lahat. Sa kaliwang room nitong basketball court ay billiard's room na may mini bar. Tapos sa kanang silid naman ay sa mga nais mag bowling at gym. Sa baba ang pool.
Napatili ang isang babae kaya sinundan ko ang pinagmamasdan nito sa pintuan. Familiar sa akin ang mukha nito. Nakalimutan ko na ang pangalan.
Umiwas ako ng tingin nang napasulyap ito sa gawi ko at preskong ngumiti sa akin. Naupo ito sa silyang nasa kabilang court at mataman na nakatingin sa akin. Nagpapa cute ba ang loko?
Mukha siyang koreano. Maputi, matangkad, mapupula ang mga labi at matangos ang ilong. Siguro, half korean ito. Psh! Hindi ko mapigilang pagmasdan ang mukha niya. Bakit ba kasi nai-intimidate ako sa presensiya ng lokong ito? Parang si Jim lang noon. Shit!
"Kuya? Sali ka!" Yaya ni Lee Patrick nang maupo sa tabi ko.
"Ayoko. Kayo lang," sagot ko.
"Sige na. Sasali kasi si Kuya Spencer e wala kaming kakampi." Pagmamakaawa nito. Napasulyap ako kay Spencer na ngayon ay naghuhubad na ng damit. In fairness, makinis!
"Sige na po, please." nagpapacute pa ito.
"Kuya, sali ka na." Wika ni L.L na may hawak na bola at pinapaikot sa daliri niya.
"Oo na nga," tumayo ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang pumayag? Kapag itong apat ang humiling, hindi ko talaga matatanggihan. Gusto ko rin namang maglaro kaso nandito ang lalaking 'to. Nakakailang! Bakit ba maiilang ako? Psh! Siguro dahil napaka presko nito at pansinin din ng mga babae kahit na ang totoo, may lihim din ito.
"Dapat manalo tayo." Excited na sabi nitong si L.L. Kahit pawisan na ang mga ito, ang ga-guwapo pa rin. Saan pa ba sila magmamana? E di sa amin. Fourth cousin ko na ang mga ito. Malayo na pero intact pa rin ang relasyon ng aming mga pamilya.
Pumunta na kami sa gitna. Dahil ako ang pinakamatangkad, ako ang pina jump ball nila.
"Good luck, Black!" Wika nito sa baritonong boses. Dalawa kami ang maglalaban sa bola. Matangkad lang ito ng isang pulgada yata sa akin pero naniniwala akong mas mataas akong tumalon sa kaniya kaya may chance na mapasaamin ang unang bola.
"GAME!" Wika ng referee. Nauna itong tumalon.
" Wrong move, dude!" bulong ko. Wala sa tiyempo ang pagtalon niya kaya hindi nito maaabutan ang bola sa ere. Tumalon ako. Nakita kong papalapit si John Matthew kaya sa kaniya ko tinapik ang bola saka tumakbo sa court namin.
"Mukhang magaling kang magbasketball." Sabi nitong nagbabantay sa akin. Inidribble ko ang bola na ipinasa ni L.L sa akin. Mahigpit ang depensa nito. Napansin kong open si Lee Patrick kaya sa kaniya ko ipinasa ang bola.
"Marunong lang," sagot ko saka sinubukang pumasok sa center pero nakaharang siya.
"Hope we can be friends," wika nito na hindi ko sinagot. Hindi ako iyong tipo ng taong madaling makipaglapit sa iba.
Natapos ang laro na walo ang abanse namin.
"Better luck nextime!" Nakangising sabi ni L.L sa mga nakalaban namin habang palabas ng gym. Inayos ko muna ang sintas ko at nagpahinga. Nakaalis na sila at ibang grupo naman ang naglalaro. Nang hindi na ako hinihingal at lumabas na ako sa gym. Nandoon na kaya si Nathalie? Nagpaalam ito kanina na pupunta raw sa NBI. Gusto ko sanang samahan pero ang sabi niya ay huwag na lang daw dahil baka makita kami ng mga humahabol noon kay Jigs.
Pinindot ko ang elevator. Napatigil ako sa pagpasok nang makitang nasa loob ang mokong.
"Pasok na. Nahihiya ka ba?"
Para hindi halata na naiinis ako sa kaniya ay pumasok na ako. Saan ba galing ito at nandito pa sa loob ng elevator? Ang pagkakaalam ko, nauna na itong lumabas.
"May pinuntahan lang ako sa 27th floor. Iniiwasan mo ba ako?" akala ko ba, pawisan ito kanina. Bakit ang bango pa rin niya? Nanunuot sa ilong ko ang amoy lalaki nito.
"Bakit kita iiwasan?" wala sa mood na tanong ko para hindi na ito magsalita kaso mukhang walang epekto.
"Iwan ko."
"Bakit mo ako kinakausap?" humarap ako sa kaniya kaya biglang sumikip ang loob ng elevator sa amin.
"Dahil gusto kitang maging kaibigan. Wala kasi akong mapagsabihan ng feelings ko," malungkot na sagot nito.
"Gusto kong may makausap at makisalamuha sa mga taong makakarelate sa akin. If you know what I mean..." makahulugang sagot nito kaya napabuntong hininga ako.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo at wala akong maiintindihan sa feelings mo," sagot ko.
"C'mon, Black. Alam ko ang tunay mong pagkatao. Kahit gaano mo man katago ang pagkatao mo, maaamoy ka pa rin ng kapwa bakla mo. Naaamoy kita!" Sagot nito.
"HINDI ako bakla!" May diing sagot ko.
"Bisexual lang. Pareho tayo. Hindinko masabi-sabi sa publiko ang tunay na ako."
Tumahimik ako. Ayaw kong umamin at ayaw kong mag deny.
"Ang kasintahan mo, alam kong front mo lang siya. Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin sa kaniya ang pagkatao mo." Napasulyap ako sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin na alam ni Nathalie na bisexual ako pero mas pinili kong itikom ang mga bibig ko. Hindi ko pa siya lubusang kilala at mahirap magtiwala ng pagkatao sa iba.
"By the way, alam kong hindi mo pa ako kilala. I'm Spencer," sabay lahad ng kanang kamay niya. Tiningnan ko lang ang palad nito. Bumukas ang elevator at bumulaga sa amin si Nathalie kaya lumabas na ako.
"Pupuntahan sana kita sa itaas. Nandito ka na pala," wika niya at sumunod sa akin. Sinulyapan ko si Spencer. Kumaway ito sa akin bago magsarado ang pinto ng elevator.
"Oo. Tapos na ang laban. Kamusta ang lakad mo?" pag-iiba ko ng usapan at gamit ang swipe card ay binuksan ko ang unit.
"Okay lang. Bumili pala ako ng merienda. Kumain ka muna," wika nito saka dumiretso sa kusina. Pasalampak na naupo ako sa sofa. Hindi mawala sa isip ko si Spencer at ang okay, fine! Guwapong mukha nito.
Mahilig kasi ako sa mga tsinito.

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon