6

1.4K 59 0
                                    

BEKI si BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

"Ate!" muntik na akong mapatalon nang may tumakip sa bibig ko. "Huwag kang maingay. Bibitawan ko ang bibig mo, ha."
"Ano ang ginagawa mo rito?" anak ito nina Sir Jim. Ang isa sa kambal nila.
"Kuwan..." namumutla ang mukha nito.
"May problema ba? May humahabol ba sa iyo?" palinga-linga ako sa paligid. Wala namang sumusunod sa kaniya.
"Nakita kita mall kagabi.
M-Magkasama kayo ng isa sa triplets ng mga Villafuerte," nahihiyang sagot nito kaya napataas ang kilay ko.
"Crush mo si Black?" kahit sino naman ay nagkakagusto kay Black.
"Hindi ah!" Mabilis na sagot nito.
"Ahm... Palagi ba kayong magkasama ni Kuya Black?" usisa nito na parang takot na may makarinig. Kung sabagay, kahit ako ay ayaw ko ring ipaalam sa iba na nasa iisang bubong lang kami nakatira.
"Medyo..."
"Hindi ba magpinsan sila ng mga Lacson? 'Yung may-ari ng CTU?"
"Oo, pero malayo na." Third cousin na yata nila ang quadruplets. "Bakit?"
"E di, nakikita mo rin ang mga Lacson palagi?"
"Minsan lang. Bakit?" mukhang alam ko na ito.
"P-Puwedeng hingian mo ako ng number ni John Matthew kay Kuya Black? Sige na." sinasabi ko na nga ba, eh.
"Ayaw ko. Magagalit 'yon." Sagot ko. "Pumasok ka na sa school mo. Baka magalit pa sina Ma'am Sweetie sa iyo," ani ko.
"Sige na. May bonus ka sa akin kapag makakuha ka ng number niya." Pangungumbinse niya.
"Huwag mo na nga akong idamay. Alam mo namang hindi ang mga iyin namimigay ng number nila." Wika ko. Mas matataas ang mga Lacson at mukhang mga suplado pa kaysa kay Black. Mahirap na. Baka isipin nila, feeling close ako.
"ATE NATHALIE!" Napalingon kami nang may tumawag sa akin. Si JM. Kasama niya ang tatlong kapatid. Bigla namang dumikit sa akin itong anak ng boss ko na para bang kriminal na huhulihin ng mga pulis.
"Si Kuya Black?" tanong ni John Jacob.
"Nasa loob," sabay turo sa gate.
"Ah, sige ho. Kakausapin lang namin sina Kuya Sky," sabat ni Lee Patrick. Si Lance Leonard ay tahimik lang na nakasunod sa kanila.
Nang lumagpas sila sa amin ay sumimangot na itong katabi ko.
"Suplado nila!" Bulong niya.
"Ano ba ang kailangan mo at mukhang hindi ka naman kilala?" tanong ko.
makakatagpo ng katapat ang mga Lacson ah.
"Ano ba ang nangyari?" tanong ko.
"Minsan lang magtapat ng pagmamahal ang bestfriend ko pero binasted lang ng isa sa kanila at hindi ko iyon mapapatawad!" nagtagis ang bagang nito at masamang tiningnan ang apat na malayo na sa amin.
Padabog na naglakad ito patungo sa sasakyan na nasa hindi kalayuan.
Napabuntong hininga ako bago pumasok sa gate.
"Hi, Nat-Nat. Namiss mo ako?" masiglang bati ni Sky nang makasalubong ko.
"Na miss din kita!" Nakakahawa talaga ang mga ngiti nito. Kapag siya ang kasama mo, hindi ka talaga mabo-bored. Ikaw lang ang magsasawa sa kalokohan at kadaldalan nito.
"Nat-Nat, lalaki na ba talaga si Itim?" tanong niya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.
"Lalaki naman talaga."
"Bakla kaya siya."
"Hindi naman. Kamusta pala kayo ni Taira?" pag-iiba ko. Madalas ko na lang silang nakikitang magkasama kapag nasa labas ng classroom.
"Okay lang ako. Ewan ko sa kaniya. Hindi n niya ako kinakausap e." Napakamot ito sa ulo.
"Baka may pinag-awayan kayo?"
"Wala, ah. Galit na lang siya palagi." nag-aalalang sagot nito.
"Suyuin mo kasi. Napipikon lang iyon sa iyo dahil palagi mo na lang inaaway."
"Talaga? Sana nga, huwag na siyang magalit. Hindi kasi ako sanay," ayaw pa kasi nilang aminin na mahal nila ang isa't isa. Ang pag-amin na lang nila ang hinihintay ng lahat dahil okay naman both sides. Isa pa, mukhang mag-asawa na nga sila sa sobrang close.
"Teka lang, Nat-Nat. Nandito pala itong square," wika niya saka tumakbo papunta sa quadruplets na kasama si Blue. Naawa rin ako kay Blue. Buhat nang umalis si Avery ay hindi na ito gaanong nagsasalita.
Pagdating ko sa classroom ay tumahimik silang lahat at ang mga mata ay nakatuon sa akin. Panigurado, may kinalaman na naman ito sa nangyari kahapon. Si Black kasi! May pahalik-halik pa na nalalaman.
"Hoy gurl, paano mo nabingwit si Papa Black?" tanong ng bakla kong kaklase.
"Psh! Bakit ba pinatulan 'yan ni Black? Ang baba pala ng standard ni Black!" Pagsisinuplada nitong dati kong boardmate.
"Ewan ko. Gano'n nga siguro kapag true love. Balewala sa kanila kung mahirap o pangit ka. Basta mahal ka nila," sagot ko na alam kong mas lalong maaasar pa ang haters ko.
"Maghihiwalay din 'yan sila!" Hindi ko alam kung sino ang nagsalita Sa likuran.
"Kung maghiwalay man kami, at least, ini-enjoy ko ang moment na magkasama kami ngayon. Masaya na ako na minsan, ilang linggo ko siyang kasama." Wika ko saka napangiti.
"Ang suwerte mo nga," sang-ayon ng isa. Dumiretso na ako sa upuan. Mayamaya pa ay dumating na ang guro at naglecture ng Primary Health Nursing. Kung anu-ano ang itinuro tungkol sa first aid pero hindi pumapasok sa isip ko.
Napahawak ako sa ballpen at nakulong sa malalim na pag-iisip. Si Jigs. Naalala ko ang huli naming pag-uusap. Alam kong hati sila ni Black sa condo na tinitirhan namin ngayon. Ilang gabi na rin akong hindi niya pinapatulog.
Marami pa akong dapat na malaman pero ang hirap gumalaw dahil bantay sarado ako ni Black. Hindi ko alam kung sino ang kakampi o traidor.
"Nathalie, tawag ka ni Black." Napabalik ako sa kasalukuyan. Tapos na pala ang klase. Hindi ko namalayan. Lumabas ako at nilapitan si Black na nakasalubong na naman ang kilay.
"O? Ano ang kailangan monat napasugod ka?" tanong ko.
"Sa bahay ako mamaya matulog. Pakilaba na lang bukas ng mga damit ko," bilin nito. Inaalila na talaga niya ako. May sahod kaya ako sa kaniya? Sa awa ng Diyos, nilalagyan pa naman nina Tito Skyler ang atm ko kaya may pera akong panggastos.
"Sige. Ako ang bahala."
"Ang puting damit pala ihiwalay mo." At kung anu-ano pa ang ibinilin nito.
"Okay." Daig pa nito ang babae kung makakilos at pagiging oc-oc. "May ibilin ka pa?"
"Wala na. Ayaw ko lang na makalat ang unit ko kaya pakiusap, maglinis ka naman." makautos 'to, wagas.
"Oo na. Tapos ka na?"
"Nagmamadali ka?"
"May pasok pa kasi ako," strikta pa naman ni Ma'am Legaspi.
"Ihatid na kita."
"Huwag na. Baka mapagod ka pa."
"Magkaharap lang ang classroom natin kaya hindi iyon problema sa akin." Wais talaga. "Huwag ka ngang mag feeling maganda."
"Gusto mo, ikaw lang ang maganda, gano'n?" habang naglalakad kami ay nag-uusap.
"Bakit? Gusto mo, ikaw lang?" balik-tanong ng loko.
"Ewan ko sa 'yo! Bakla!"
"Ewan ko rin sa iyo! Mukhang bakla!" sabat niya kaya pinandilatan ko hanggang sa makarating ako sa classroom.
Medyo nakahinga ako nang pag-uwi ko ay wala si Black. Pakiramdam ko ay isa akong ibong nakawala sa hawla. Iginala ko ang paningin sa kabuuan nitong unit. Napabuntong hininga ako. Kung buhay kaya siya, masaya kaya silang dalawa rito sa loob? Matatanggap kaya sila ng kani-kanilang pamilya?
Lingid sa kaalaman ni Black, ilang beses kong nakausap si Jigs noon. Pinakiusapan ko siya na tumigil na ito sa ginagawa dahil mapahamak lang siya.
Malungkot na ngumiti ako at napaupo sa couch nang maalala ko siya. Hanggang ngayon, naramdaman ko pa rin ang mga yakap niya!
"Jigs..." sambit ko sa pangalan niya. Hindi ko na napigilan ang umiyak nang bumalik sa alaala ko ang mga ngiti niya.
"M-Mahal kita, Jigs..." bulong ko sa pangalan ng lalaking naging kabiyak ng aking puso't pagkatao!

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon