27

1.3K 63 1
                                    




BEKI si BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 27

"Nasaan na ang listahan?" tanong ni General Guttierez kay Black.
"Malay ko? Anong listah--shit!" Malakas ang pagkakasuntok sa kaniya ng general kaya muntik na siyang mahulog sa silyang inuupuan niya. Napapalibutan siya ng mga tauhan nila kaya kapag tangkain niyang tumayo ay pinipigilan siya ng mga ito. Kanina pa siya nasusuka dahil sa malalansang isda na nakapalibot sa kaniya.
"AYAW MONG AMININ?" Sigaw nito.
"Bakit ninyo kukunin sa akin e copy lang ang meron ako. Nasa NBI na ang original na copy nito!" Sagot ni Black.
"SINUNGALING!" Sigaw ni Spencer at sinuntok siya sa kanang pisngi kaya tuluyan na siyang nahulog sa upuan.
"Kapag hindi mo sabihin kung saan mo itinago, papatayin ko si Nathalie!" Pagbabanta nito kaya kumulo bigla ang dugo ni Black. "Ano? Aaminin mo o ipagahasa ko muna ang kasintahan mo? Mahal mo na siya, 'di ba?" nakangising wika ni Spencer.
"SUBUKAN MONG GALAWIN SI NATHALIE! SISIGURADUHIN KONG SASABOG YANG ULO MO KAPAG MAKAWALA AKO!" Galit na bumangon siya at pinunasan ang dugo sa ibabang labi.
"Oh, akalain mo iyon, nainlove ang isang bakla sa babae?"
Naupo si Black sa silya at ngumisi kay Spencer. "Wala namang masama na mainlove ako dahil wala namang bakla sa lahi ng mga Villafuerte. Ikaw? Bakit hindi mo aminin sa kanilang lahat na bakla ang isang miyembro ng mga GUTTIEREZ?" panunuya ni Black.
"SHUTUP! Huwag mong ubusin ang pasensya kong bakla ka!"
"Ikaw ang bakla! Ikaw ang patalikod kung lumaban dahil ang totoo, ikaw ang bakla sa ating dalawa! DUWAG! Matapang ka lang dahil sa mga tauhan ninyo!" Mas lalong naggagalaiti sa galit si Spencer.
"Totoo ba ang sinasabi nitong lalaking ito? Bakla ka, Spencer?" nagdududang tanong ng ama.
"OF COURSE, NOT!" Tigasing sagot nito.
"Tumigil ka nga! Deny ka pa. Bakla!" Sabat ni Black.
"TUMAHIMIK KA!" Sinipa ni Spencer ang upuan kaya natumba na naman si Black.
"Psh! Nakailan ka na pero oras na makawala ako, makikita mo talaga ang hinahanap mo!" ani Black. Ang totoo ay kanina pa siya kinakabahan para kay Nathalie.
Nag ring ang cellphone ni Spencer kaya sinagot niya ito. "Nasaan ang isa pang listahan?" tanong niya kay Black. Ang sabi ng tauhan nila ay wala roon ang hinahanap nila.
"Malay ko. Nasa NBI na siguro," pinipilit niyang huwag ipahalata ang kaba. Nasa condo unit niya ang mga ito. Lihim na ipinalangin niya na sana ay wala roon si Nathalie. Na sana ay ligtas ang babaeng mahal niya.
"Aamin ka? O idadamay namin ang pamilya mo?" pagbabanta ni General.
"Subukan ninyong idamay ang pamilya ko dahil kapag malaman ng mga Lacson ang kagaguhan ninyo, ubos ang pamilya ninyo!" Pananakot niya. Sana ay tablan ang mga ito.
Naglakad palapit si Spencer sa kaniya at hinawakan siya sa buhok. "Iyon ay kung makakauwi ka pa ng buhay!"
Inilahad niya sa isang tauhan ang kamay. Iniabot naman nito ang baril sa kaniya. "Dapat lang na sumunod ka na sa namayapa mong kasintahan!"
Natameme si Black sa narinig. "Oh? Ba't umurong na yata ang dila mo? Oo, kami ang nagpapatay sa kasintahan mo! Nasa tapat na building ang hired assasin namin at BOOM!" Ngumisi ito. "Nasa heaven na si Jigs mo!" Parang demonyong nakitawa ang mga tauhan nila.
"HAYOP KA!" Sigaw ni Black. "ITINURING KITANG KAIBIGANG BAKLA KA!"
"Tama na! Patayin mo 'yan para mahanap natin ang nawawalang listahan!" Saway ni General. Ang listahang iyon ay doon nakasulat ang mga pangalan nila. May isang nakatiktik sa kanila na may kinausap noon si Jigs na NBI agent kaya pinapasundan na nila. Malakas din ang kutob nilang gumawa ito ng listahang magpapahamak sa kanila. Hindi nga sila nagkamali nang nasulot nila si Alwyn na isang NBI agent at sinabi sa kanilang may kopya nga si Jigs.
"Mamamatay ka na, Black!" Wika ni Spencer pero malakas na itinulak siya ni Black at mabilis na inagaw ang baril sa kamay niya. Hindi niya inaasahan ang gagawin ng binata. Lahat ay naging alisto at itinutok ang baril sa kaniya pero hawak na niya si Spencer.
"SUBUKAN NINYONG BARILIN AKO, SABOG ANG ULO NITONG AMO NINYO!"Sigaw ni Black at mahigpit na hinahawakan sa leeg si Spencer at ang baril ay nasa bungo nito.
"IBABA NINYO ANG BARIL!" Utos ng heneral. Kabisado na niya ang ganitong eksena at tao kaya nasisiguro niyang hindi nagbibiro si Black. Isang pagkakamali lang ay sabog ang ulo ng anak niya.
"Bitawan mo na ang anak ko para hayaan ka naming makalabas dit--FUCK!" Pagmumura niya nang marinig ang isang malakas na pagsabog sa labas ng building.
"Ano iyon?" tanong niya.
"B-BOSS! SINASALAKAY TAYO NG MGA NBI!" Humahangos na pagbalita ng isang tauhan niya na may hawak na baril.
"BOSS, ano ang gagawin natin?" natarantang tanong ng isa niyang tauhan.
"Lahat humanda, LALABAN TAYO!" Utos niya. Sunod-sunod ang putok na kanilang narinig at papalapit ng papalapit ito sa kinaroroonan nila.
"BITIWAN MO AKO!" Siniko ni Spencer si Black pero hindi natinag ang binata.
"PAREHO TAYONG MAMAMATAY SA GUSALING ITO!" Sagot ni Black at mas hinigpitan ang pagkakahawak kay Spencer. Hindi siya makapapayag na makatakas ito. Never!
"DAPA!" Sigaw ni General nang pinaulanan sila ng bala. Hindi nakadapa si Black pero mabuti na lang dahil nasa likuran siya ni Spencer at ito ang sumalo ng mga umuulang bala.
"ANAK!" Sigaw ni General at galit na gumanti sa mga nagpapaputok.
Mabilis na dumapa si Black pero nakacover pa rin ang katawan ni Spencer. Wala siyang maramdaman. Namamanhid ang katawan at puso niya. Ang tanging nasa isip niya ay patay na si Spencer at masaya siya. Puno na nga siya ng dugo nito dahil sa kaniya tumalsik ang dugo nito. Suwerte lang niya dahil hindi tumagos ang unang bala sa katawan nito at dumapa siya kaagad bago pa napaulanan ng bala ang katawan ni Spencer.
"SUMUKO NA KAYO! Napapalibutan na namin kayo!" Sabi ng nasa labas. Iilang tao na lang ang nasa loob.
"BOSS, SUKO NA TAYO!" Sabi ng isang niyang tauhan na hinihintay ang senyas ng kanilang heneral.
"SUKO NA!" Sigaw ng isang kasamahan nilang pulis. Kumapit lang siya sa patalim dahil kinakailangan niya ng pang opera ng kaniyang anak dahil sa sakit sa puso.
Bumukas ang pinto at lahat ng nasa labas ay nakatutok ang baril sa kanila.
"ITAAS ANG MGA KAMAY!" Sabi ng hepe ng pulis na sinunod naman nila. Tahimik lang si General. Nakatulala at nanlulumong nakatitig sa nakahandusay na katawan ng anak.
"B-BLACK!" Umiiyak na tawag ni Nathalie at patakbong lumapit sa kasintahan.
"O-Okay ka lang? May tama ka ba? H-Hindi namin alam na nandito ka." Niyakap niya ito ng mahigpit. Ngayon ang operation nilang lusubin ang kota ng mga Guttierez. Ang akala niya ay nasa police station na si Black.
"O-Okay lang, thanks God, buhay ka!" Naiiyak na sagot ni Black saka gumanti ng yakap kay Nathalie.
"Halika, hindi tayo ligtas dito." Inalalayan ni Nathalie na tumayonsi Black. Ang langsa na nila ng dugo ng tao dahil puno ng dugo ang sahig. Ang mga isda ay nagkalat din.
"MAMAMATAY KAYO!" Sigaw ni General Guttierez at nanggigigil na pinutok ang baril sa magkasintahan.
"NATHALIE!" Malakas na sigaw ni Black nang sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa loob ng gusaling kinaroroonan nila.
Nanlaki ang mga mata ni Nathalie dahil sa takot habang nakatingin kay Black. Pinakiramdaman niya ang sarili. Napalingon siya sa taong humarang sa kaniyang likuran para saluin ang balang para sa kaniya.
"ALWYN!" Sigaw niya. Kasabay ng pagbagsak nito ay siya ring pagbagsak ng wala nang buhay na katawan ni General Guttierez na tadtad ng bala galing sa NBI at pulis.
"A-Alwyn..." Naiiyak na sabi niya saka inalalayan ito.
"N-Nasaktan ka b-ba?" nahihirapang tanong nito at hinaplos ang kaniyang mukha. Ngumiti ito nang walang nakitang tama ng baril kay Nathalie.
"B-Bakit mo ako iniligtas?" humihikbing tanong niya saka niyakap ito. Basta gusto niya itong yakapin ng sobrang higpit.
"D-Dahil... N-Nalagasan na t-tayo at a-ayaw kong p-pati ikaw ay m-mawala pa..." hirap na hirap na ito sa pagsalita. Lumapit ang mga NBI at binuhat ito para ilabas kaya tumatakbo rin siyang sumunod dito habang umiiyak.
Nang isakay ito sa ambulance na nakahanda kanina pa pero ang dalawang nurse na sumama ay natamaan ng bala ng baril kanina kaya mas inunang sinugod sa hospital. Sumunod naman si Black sa kanila.
"A-Alwyn, ano ang ibig mong sabihin? M-Malapit na tayo. D-Dadalhin ka namin sa hospital, lumaban ka!" Umiiyak na pakiusap niya. Wala na siyang maaninag na kahit na ano dahil sa mga luha. Nakahiga ito sa stretcher at mahigpit na hinahawakan ang kamay niya.
"H-Hindi l-lang kayo k-kambal n-ni J-Jigs..." pagtatapat nito habang tumutulo rin ang mga luha. Napanganga si Nathalie. Naguguluhan at hindi maintindihan ang ibig nitong ipahiwatig.
"T-Triplets t-tayo..." ani Alwyn at mabilis na hinahabol ang hininga.

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon