22

1.6K 58 1
                                    



BEKI si BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  22

[Nathalie Pov]
"Nakuha mo naman ang tamang sagot kaya tara, sixty nine tayo." Yaya ni Black. Kagabi pa ako nito kinukulit ng sixty nine na iyan.
"Tigilan mo ako, Black. Sabing tinuruan ako ng kaklase ko, eh." Sagot ko. May taga probinsya akong kaibigan at iyan daw ang palaging gawain nila. Ang magbugtungan.
"Wala namang rules kaya tinatanggap ko ang sagot mo," sagot nito at nangungulit sa akin dito sa kusina.
"Bahala ka nga!" Ayaw ko sanang sagutin ang tanong niya kagabi kaso nang-iinsulto kaya napa sigaw ako ng "S". Noong una, nagtataka pa ako kung paano naging "S" ang sagot. Iyon pala ay roman numeral ng nine ay IX at dagdagan mo lang ng "S" sa unahan ay magiging SIX na basahin.
"Ano ang lulutuin mo?" naupo ito sa silya at pinagmasdana ko.
"Adobong utong," sagot ko.
"Mas gusto kong kainin ang fresh utong," makahulugang wika nito
Haist, sitaw pala. Nadamay tuloy ako sa katulong nilang Ilokana. Natuto na nga akong kumain ng steam na dahon ng malunggay at isawsaw lang sa bagoong. Ang sarap din 'yon.
"Ang manyak mo na, Black!" Sagot ko.
"Normal lang naman sa mag-asawa na pag-usapan ang sex."
"Hindi tayo mag-asawa!" Saway ko.
"Ganoon na rin 'yon."
"Bakla!"
"Masarap ang mga bakla!" Pagtatanggol niya. "Nasubukan mo naman ako kaya alam mong masarap talaga ang mga kagaya ko," pang-aasar nito.
"Ayoko nang pag-usapan ang tungkol diyan. Maligo ka na nga para papasok na tayo!" Ayaw ko talagang pag-usapan ang mga kamanyakan sa buhay.
"May utang ka pang pera sa akin," sabi nito kaya napaharap ako bigla.
"Magkano? Wala akong matatandaan." Iniisip ko kung magkano at kailan ako umutang pero wala talaga. Baka ang tinutukoy niya ay pinag-aaral ko na galing sa pamilya niya?
"Meron. Kagabi lang. Sixty nine pesos," mabilis ang paggalaw ng kanang kamay ko kaya tumilapon ang hawak na sandok pero nakayuko ang loko.
"Kamusta na pala ang kaso ni Jigs?" sumeryoso ito bigla. Nasa seryosong usapan na kami kapag ganito.
"Wala pa. May mga nahuhuli ang otoridad pero mga maliliit na pangalan pa lang. Ang hirap dahil marami ang umaapelang artista na huwag sambitin ang pangalan ng celebrities na napasama sa listahan ng gumagamit ng druga."
"Ha? Paano mo nalaman ang mga iyon?" nagtatakang tanong niya. Palihim kong kinagat ang ibabang labi. Hindi pala niya alam na undercover agent ako at dalawang estudyante na sa Westbridge ang nahuli dahil sa mga sumbong ko.
"Ahm..." nag-iisip ako. "Hindi ba, palagi akong nagche-check ng update sa NBI, iyan ang sinabi nila sa akin. Isa pa, nood-nood din ng tv patrol at bente kuwatro oras." Sagot ko.
"Ah, wala na akong time. Busy din ako," sagot niya na mukhang may iba pa ngang pinagkakaabalahan. Alam na naming sa kaniya ang kopya ng listahan ni Jigs kaya panigurado, kumikilos din ito gamit ang mga Lacson. Sooner or later, malalaman na niya ang pagkatao ko pero mahigpit ang seguridad ng agency para sa personal data ng mga agent.
"Maligo na ako," wika niya. Tinakpan ko muna ang niluluto para makapaligi na rin. Sakto lang na luto na ito kapag matapos na akong maligo. Pagkapasok ko sa kuwarto ay tiningnan ko ang cellphone. Si Alwyn ang nagtext. "Morning" lang naman. Hindi ko na nireplayan pero napangiti ako. Ewan! Simple lang pero ang gaan sa pakiramdam lalo na ngayong badtrip ako kay Black.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay lumabas na ako sa kuwarto at pumunta sa kusina. Hinahango ni Black ang niluto kong adobong sitaw at sabay kaming kumain. Nakisabay na ako sa kaniya sa pagpasok para makatipid. Hindi naman ito nagrereklamo. Pagdating sa paaralan ay nauna akong bumaba at kinuha ang duty bag ko sa tambayan at tumungo sa service namin papuntang hospital. Morning shift kami, seven a.m to three p.m.
Pagdating ko sa hospital ay agad na inindorse ng isang nurse ang mga pasyente sa amin. Dapat daw matuto na kaming makinig sa endorsements
para alam namin kapag wala na ang aming clinical instructor.
Ako ang team leader ngayon at ang bakla kong kaklase ang naassign sa medicines. Ang daming pasyente sa public hospital na ito. Alas dose na ako nakakain. Dalawang batch kami dahil bawal kaming magsabay Sa pagkain. Dapat may maiwan.
Isinulat ko ang lahat ng gamot ng aking pasyente at inisa-isang i-double check kung may kulang pa ba ako.
Pasado alas dos, kinuha ko ang tray at lumapit sa nakatukang mga pasyente. Tatlong pasyente ang bawat isa sa amin. Medyo toxic ang nasa isa kong kasamahan dahil nag-o-oxygen pump na ang pasyente niya. Myanstenia Gravis ang sakit niya. Huli na nang ma diagnosed na ito ang sakit niya, ang panghihina ng skeletal muscles.
"Magandang hapon po, Sir." Magalang na bati ko sa singkuwenta anyos kong pasyente. Tumayo ito na inalalayan ng kaniyang asawa.
"Pagkikilo na ba ako?" tanong niya at ngumiti sa akin.
"Opo. Alam na alam niyo po ang gagawin natin, ah." Nakangiti kong sagot. Pinaupo ko muna siya at kinuhaan ng vital signs.
"Wow, normal po ang lahat ng vital signs ninyo. Magaling ho." Ani ko at inilista ang resulta. Mamaya ko na ilipat sa chart.
Temp: 37.3°C. PR:78 RR:18 BP: 120/80Mmhg.
"Tumayo na ho kayo," pakiusap ko at tinulungan siya. Nasa likuran din niya ang anak para umalalay dito. Pinapatong ko siya sa weighing scale.
75kgs. Hinawakan siya ng anak habang ako naman ay kinuha ang tape measure para sukatin ang abdominal girth niya. May cirrhosis of the liver siya. Malaki na ang tiyan niya na sobrang visible ng mga ugat nito at parang puputok na. Naaawa ako sa kaniya pero sabi nila, kailangan matibay ang sikmura o loob kung gusto mong maging isang nurse. Ilang beses kong pinag-iisipan kung gusto ko nga bang maging nurse?
Bata pa lang ako, pangarap na raw iyon ng lolo ko kaya heto ako, kahit nangangapa sa kaalaman, sinusubukang makasabay sa lahat.
"Inumin niyo po palagi ang gamot ninyo para gumaling kayo, ha." Wika ko nang makaupo na siya. Inilapit ko ang IV stand sa uluhan niya at niregulate ang flow rate sa twenty drops per minute at inilista ang three hundred mL na natira sa IV fluid niya.
"Hindi na ako gagaling. Ang Diyos na ang bahala sa akin," sagot niya na kahit nanghihina ay ngumiti pa rin.
"Naku, magdasal po tayo. Gagaling ka pa niyan!" Pagbibigay ko ng lakas ng loob. Inalam ko kung ilang beses siyang umihi at tumae mula alas siyete ng umaga hanggang ngayon at kung ilang baso ng tubig, softdrinks o juice ang nainom niya.
"Sir, aalis na po ako. Mamaya, iba na naman ang nurse na mag-aasikaso sa inyo," paalam ko.
"Miss," aalis na sana ako pero isang malamig na kamay ang humawak sa kanang kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya. Alam kong hinang-hina na siya. Kulay dilaw ang mga mata at ang buong balat ay yellowish din. Atay kasi ang apektado sa sakit niya. Ngumiti ako sa kaniya nang makita ang totoong saya sa mga mukha.
"Salamat..." natahimik ako. Nakatitig lang sa kaniya.
"Walang anuman..." sagot ko saka nagpaalam nang bumalik sa nurse's station. Ang sarap ng pakiramdam. Ewan. Basta. Hindi ko maipaliwanag. Naalala ko si Jigs. Kung sakaling hindi pa ako umuwi at nandoon pa ako nang binaril siya, matutulungan ko kaya siya? Mabigyan ko kaya siya ng unang lunas bago madala sa hospital?
Pagbalik ko, inayos ko ang mga patient's charts at inindorse sa 3 p.m shift ang mga ginawa namin kanina sa duty.
Nakarating kami sa school alas kuwatro na ng hapon. Naglalakad ako sa hallway. Naalala ko si Jigs. Sa tuwing makasalubong ko siya, palihim na nginingitian niya ako. Hindi ko naranasan na batiin siya bilang kapatid.
"May sasabihin ako sa iyo..."
"Ano iyon?"
"Basta! Bukas, magkita tayo sa Laguna Bay. Alas singko ng hapon. Alam kong ikakatuwa mo ang malalaman mo..."
"Ngayon mo na kasi sabihin..."
"Bukas na para surprise. Umuwi ka na..."
Naalala ko ang huling pag-uusap namin sa condo niya. Ngayon ko lang natandaan ang pag-uusap naming iyon. May sasabihin siya sa akin? Ano iyon? Gusto kong malaman pero hindi na siya naabutan ng umaga.
"Nathalie!" Bati ni Alwyn.
"Hi, pasulpot-sulpot ka naman." Sabi ko.
"Hindi mo lang ako nakita dahil mukhang ang lalim ng iniisip mo," sabi nito.
"Oo nga. May naalala lang ako. Tapos na ba ang klase mo?" tanong ko.
"Oo. Pauwi na ako nang makita kita. Ikaw? Tapos ka na ba?"
"Oo. Ihatid ko lang itong bag ko sa tambayan para hindi na ako magbubuhat bukas," sagot ko.
"Tamad ka talaga," natatawa nitong sabi. Ang cute ng mga mata niya kapag tumawa. "Huwag mo akong titigan." Sumeryoso ito.
"Bakit?"
"Kasi nakakamatay!" Biro nito saka inakbayan ako. "Alam mo, ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama kita. Lahat ng galit at sama ng loob ko, nakakalimutan ko kahit panandalian lang." Kuwento nito at pinisil ang balikat ko.
"A-Alwyn, ang daming nakakakita..." bulong ko. Ang iba ay halos luluwa na ang mga mata. Sino ba naman ang hindi mainggit sa akin. May Black na, may Alwyn pa.
"How i wish na palagi kong magagawa ito sa iyo." Magiliw na sabi niya saka tinanggal ang brasong nakaakbay.
"Natty?" tawag nito habang sabay kaming.
"Ano iyon?" tumingala ako sa kaniya. Magkasintangkad lang siguro sila ni Black.
"Puwede ba kitang imbitahan sa birthday ko sa susunod na linggo?" tanong niya.
"Ha? Nahihiya ako..." siguradong mga mayayamang tao ang mga inimbetahan nito.
"Huwag kang mahiya. Tayo lang naman."
"Tingnan ko," baka ayaw akong payagan ni Black. Hindi pa naman alam ng mga ito na nagsasama na kami sa iisang condominium.
"Gawin mo..."nakangiti nitong sabi.
"MAG-UUSAP TAYO!" Pareho kaming nagulat nang may humila sa kuwelyo niya. Si Black.
"B-Black!" Saway ko. Galit kasi siya at ang higpit pa ng pagkakahawak nito sa damit ni Alwyn.
"Chill! Kakausapin kita," nakangising sagot ni Alwyn at tinabig ang kamay ni Black.
"Good!" Walang emosyong saad ni Black at tumalikod sa amin. Sinundan siya ni Alwyn.
"BLACK!" Tawag ko. Baka kasi kung ano ang gagawin ng mga ito. Wala akong idea sa mga nangyayari.
"HUWAG KANG MAKIALAM DITO, NATHALIE!" Ramdam ko ang galit sa boses nito kaya hindi na ako nagsalita pa. Ang mga estudyante ay nakikitsismis. Ano ba ang nangyayari?

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon