29

1.6K 48 1
                                    


UNIVERSITY PRINCES

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 29

Unedited...
"Morning, class!" Bati ni Miss Legaspi sa maiingay na estudyante. Busy ang mga ito kaya hindi siya napansin ng mga ito. Napadako ang tingin niya sa triplets. As usual, kaniya-kaniyang gawain naman ang mga ito.
Naupo siya sa mesa dahil mukhang hindi siya napansin ng iilan. Pinagmasdan niya ang nasa harapan. Napabuntong hininga siya. Naalala na naman niya ang kaniyang daddy. Isang butihing guro ito sa paaralang ito. Bata pa lang siya ay palagi na nitong ikinu-kuwento ang love story nina Karl at Jane Montenegro sa mismong paaralang ito kaya napagdesisyunan niyang igive-up ang pagiging beauty queen para ipagpatuloy ang pangarap ng kaniyang ama na maging isang guro.
Naalala niya noon. Ahead lang siya ng isang taon kina Kimberly at Skyler, ang mga magulang ng triplets. Dito rin nabuo ang pag-iibigan ng dalawa at heto na naman, may makukulit na triplets na ang mga ito and this time, siya na ang kanilang guro. Napabuntong hininga siya. Kagaya ng iba, dito rin nagsimula ang pag-ibig niya. Pag-ibig Matagal nang ibinaon sa bawat nakalipas na kahapon.
"Good morning, Ma'am..." bati ni Avery na kakapasok lang. As usual, late na naman ito. Pinagmasdan niya ang dalaga. Simple at natural lang ang ganda nito. Hindi mahilig sa makeup pero magaling magdala ng damit. Sa height nito ay kaunting training lang, she will be a beauty queen pero sa nakikita niya, walang balak ang mga magulang nito sa pasalihin siya sa beauty pageants. Dahil kung gusto nila, sana ay matagal na...
"Stephen--" sambit ni Elsa sa pangalan ng ama ni Avery saka napailing.
"Guys, magsiupo na kayo..." hinampas niya ng stick ang blackboard kaya nataranta ang mga estudyante at nagsikaniya-kaniyang balik sa kanilang upuan.
"Morning, Ma'am!" Bati nila saka tumahimik na. Lihim na napangiti siya. Minsan, kailangan niyang maging istrikta sa mga estudyante lalo na't galing ang mga ito sa malalaking angkan ng bansa. Kapag mahina ka, kawawain ka lang ng mga ito.
"Malapit na ang University week kaya maghahanda na tayo..." panimula niya. As usual, tahimik ang lahat na nakikinig sa kaniya. "At bawat section sa ating department, magkakaroon ng laban. Kailangan nating maghanap ng isasali sa search for University Prince and Princess pageant..." nagsimulang magbulungan ang mga ito.
"Magsimula na ang botohan kung sino ang isasalang. May kusang magvo-volunteer ba?" tanong niya.
"Si Black po!" Mabilis na suhestiyon ni Blue.
"Hala, si Sky po!" Turo din ni Black sa kapatid.
"O? Bakit napasama ako? Ayoko nga! Si Blue na lang..."turo rin ng kapatid. Wala nang ibang nagturo dahil tatlo silang nagtuturuan.
"Let's start the voting!" Ani Elsa saka isinulat ang pangalan ng tatlo.
"Hindi ako! Miss Legaspi, burahin mo po. Ayoko talaga!" Todo tanggi ni Sky. Napataas ang kilay niya. Kung siya ang papipiliin, ayaw din niya rito dahil mukhang magkakalat lang ito sa pageant. Isa pa, hindi siya sigurado kung seseryusohin nito ang sasalihan. Sa tingin niya ay lalagapak din ito sa question and answer. Hindi naman niya sinasabing bobo o mahina ang utak nito pero alam niyang tamad talaga ito. May mga times nga na napapansin niyang binubura nito ang pangalan sa test paper dahil ang naiisulat ay pangalan pa ni Black. Marahil ay pati pangalan ng kapatid, nakopya pa niya.
"Okay. Ang labanan ay Black or Blue..." wika niya saka binura ang pangalan ni Sky.
"Hala, ayaw talaga ni Ma'am sa akin?" bulong ni Sky at napakamot na lang. Masaya naman siya dahil ayaw talaga niya sa ganiyan pero mukhang nang-iinsulto ang guro niya.
"Kahit ako, ayaw ko ring sumali ka!" Sambit ni Taira.
"Bakit? Gusto mo lang masolo ang katawan ko?" nakangising bulong ni Sky saka pinisil pa ang kamay ng katabing dalaga.
"Ewan ko sa iyo!" Naiinis na sagot nito.
"Sus, 'wag kang mag-alala, sa iyo lang naman ito basta sa akin din iyang sa iyo, Taira." Dinala niya sa mga labi ang kamay nito pera agad na hinila ng dalaga saka binigyan siya ng nakakamatay na tingin.
"Psh! Huwag nating iboto si Black..." bulong ni Sky. "Hindi siya puwede maging University Prince dahil beki si Black..." ayaw niyang iparinig sa iba. Kahit paano ay gusto niyang itago ang lihim ng kapatid.
"Ma'am, si Blue na lang po dahil mahiyain si Black..." suhestiyon ni Sky kaya napatingin si Blue sa kaniya.
"So? Sa tingin mo, makapal ang mukha ko, gano'n?"
"Wala akong sinabi. Mas medyo makapal lang talaga ang mukha mo kaysa kay Black..."
"Kung kapal lang naman pala ng mukha ang labanan, bakit hindi na lang ikaw ang sumali? Wala nang makakatalo sa iyo, Sky!"
"Hoy, bughaw! Huwag mo akong isali diyan! Ikaw na lang kasi!"
"TAHIMIK!" Saway ni Elsa kaya tumahimik sila. "Magbotohan na..."
Matapos ang ilang sandali ay natapos ang botohan.
"Bakit ako? Ma'am naman!" Reklamo ni Blue. Siya ang nanalo. Lamang lang siya ng tatlong boto kaysa kay Black.
"Ikaw na kaya final na!" Sagot ni Elsa. "Next, University Princess naman..."
"Si Avery na po. Siya na lang ang partner ko para sasali talaga ako!" Masayang suhestiyon ni Blue. "Ang may lalaban kay Taliw ko, alam niyo na, kita-kita tayo sa labas ng school!" Pagbabanta ni Blue. Kahit ano mang tanggi ni Avery ay wala na siyang nagawa pa.
"Taliw, makikita na kitang naka bikini..." pangungulit ni Blue. Papunta na sila sa tambayan pero hindi siya pinapansin ni Avery. Galit ito sa kaniya.
"Huwag ka nang magalit. Nandito naman ako, partner tayo," inakbayan niya ang dalaga.
"Puwede ba, Blue! Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na ayaw kong sumali sa kahit ano mang pageant?"
"Bakit? Sa ganda mong iyan, hindi malayong mananalo ka at kapag mangyari iyon, ako ang unang tao na magiging proud sa iyo!"
"Ayoko nga! Wala sa isip ko ang pageant!" Sagot niya. Noong bata pa siya, palagi siyang nanonood ng pageant sa kuwarto pero nang makita siya ng ama, inililipat nito ang tv.
"Kakausapin ko sina Tita Marga..."
"HUWAG!" Tanggi niya. Mas malalagot siya sa mga ito. Ayaw na ayaw ni Stephen na sumali siya sa fashion shows at sa kahit ano mang beauty pageants.
Pagpasok nila sa tambayan ay naroon ang kambal na pinsan at si Aron.
"Bakit parang problemado ka?" tanong ni Blue. Hindi kasi maguhit ang mukha ni Aron.
"Nakakainis! Ako ang napili nilang lalaban sa search for University Prince!" Nanlaki ang mga mata ni Blue at nagsalita. "Sasali ka rin?"
"Oo. Ikaw din?" problemadong wika ni Aron.
"Sino pa ang lalaban?" kinakabahang tanong ni Blue. Hindi pa siya nakasali rito kaya baka magmukha lang siyang tanga. Nakakahiya dahil sila pa naman ang may-ari ng paaralan.
"Kinuha ng faculties si Jigs bilang kandidato nila..."
"Si Jigs?" namumutla na wika ni Blue. Modelo si Jigs at sanay sa ganitong pageant kaya mas lalong bumaba ang tingin niya sa sarili.
"Huwag kang mag-alala, Bughaw! Mananalo ka!" Inakbayan siya ng kakapasok lang na si Sky.
"Kasalanan mo ito, Sky! Ikaw talaga ang nagmungkahi ng pangalan ko!"
"Hindi lang naman ako ang bomoto sa iyo, a."
"Ano ang laban ko sa kanila? E, mga matitikas ang kanilang katawan at sanay sa ganiyang laban?" susuko na talaga siya.
"Paano na lang ako?" sabat ni Aron. "Beauty queen ang nanay ninyo kaya kahit paano, may laban ka..."
"Bakit? Sanay naman sa mga ganito ang mommy Stephanie mo, ah!" Sabat ni Blue na ang tinutukoy ay ang tunay at namayapang ina ni Aron.
"Haist!" Naiinis na sumalampak si Aron sa sofa. Pumasok si Black at naupo sa tabi niya.
"Ikaw na lang, Black. Mas malaki ang abs mo kaysa sa akin!" Pakiusap ni Blue.
"Huwag kang mag-alala, isang linggo kang free sa gym ko, Blue. Ipanalo mo lang ang section natin..."
"Kung kailan makakuha ka ng benepisyo, doon mo lang ako ili-libre sa gym mo?"
"Sige na, Blue. At least nag-offer na si Black. Huwag kang mag-alala, kahit na matalo ka, marami pa rin ang hahanga sa iyo. Itayo ang bandera nating mga Villafuerte!" Pangungumbinse ni Sky sa kapatid.
"Lintik! Kayo na lang kaya ang sumali?" reklamo pa rin niya. May penalty ang section na walang isasali. Magbabayad ito ng isang daang libong piso.
"Taliw ko, sabay tayong mag exercise at magpractice, ha." lumapit siya sa kasintahan na katabi ni Taira.
"Good luck, Blue!" Nakangiting saad ni Taira.
Matapos nilang kumain ay nagpahinga muna silang lahat sa kaniya-kaniyang kuwarto pero sina Avery at Blue ay lumabas para bumili ng fruit shake.
"Hi, Blue." Bati ng nakasalubong nila, si Alwyn. Kaklase niya noong high school. "Balita ko, ikaw daw ang isasali sa search ng section ninyo?"
"O-Oo, e." napakamot siya sa ulo at napasulyap kay Avery na umiinom ng fruit shake.
Hindi naman siya manhid. Alam niyang may pagtingin ito kay Alwyn noon pa man. Palaging nagkikita ang pamilya nito at pamilya ng binata kapag may business party ang kakilala nila. Guwapo si Alwyn, matangkad din at moreno. Commerce ang kurso nitong kinukuha.
"Naku, ang lupit ng mga kalaban ko." wika nito.
"Sasali ka rin?" bulalas ni Blue.
"Yupz!" Mas lalong kinabahan si Blue. Ito ang nanalong Mr. Hearthrob sa paaralan nila noon. Sanay din sa pageant.
"Damn, gusto ko na talagang magback-out!" Sambit ni Blue.
"Hahaha! Loko ka! Kaya mo iyan. Ayaw mo pa no'n? Ang ganda ng laban. Balita ko, sasali rin sina Jigs at Aron..." natatawang nitong sabi. "Ho, Avery. Sasali ka rin pala sa mga girls? Good luck!" Tinapik niya ang balikat ng namumulang dalaga.
"S-Salamat..." tipid na ngiti ang iginawad ni Avery sa binata.
"Mauna na kami ng kasintahan ko," inakbayan siya ni Blue.
"Sige, dude!"
Tahimik na naglalakad sila papunta sa cafeteria. Nang makabili na ay bumalik sa tambayan.
"Crush mo pa rin ba siya?" mahinang tanong ni Blue na hindi nakatingin kay Avery.
"Sino?"
"Si Alwyn. May iba pa ba?"
"H-Hindi, ah!" Tanggi ng dalaga.
"Okay lang. Crush mo lang naman siya, e..." kahit na ang totoo ay gusto na niyang sumabog. Selos na selos siya.
"Hindi nga!" Naiinis na sabi ni Avery. Minsan lang siyang nagka crush pero si Blue pa ang nakahalata sa kaniya. Ang pinakaayaw niya ay may ibang tao na nakakaalam ng sikreto niya.
"Okay. Basta, akin ka lang. Seloso ako, Taliw! Ang akin ay akin!" Hangga't kaya niya, babakuran niya ang mga bagay na pagmamay-ari niya.
"Hindi naman ako sa iyo..." mahinang bulong ni Avery.
"What?"
"W-Wala... Bilisan mo na nga!" Nauna nang naglakad si Avery. Habang nakasunod ay napaisip si Blue. Sa kaniya nga ba si Avery? Pag-aari na nga ba niya ito gayong pamimilit lang palagi ang ginagawa niya?
"Avery, sandali!" Habol niya at sinabayan ang dalaga.
"Taliw, mahal mo ba ako?" usisa niya kaya napatigil si Avery at humarap sa kaniya. "Gusto ko ng honest na sagot..."
"H-Hindi ko rin alam, Blue. Ang alam ko lang, nasasakal na ako..." pag-amin ng dalaga kaya natigilan siya. "S-Sorry..."
"No, it's okay. Naintindihan kita..." malungkot na sagot niya. Hindi man tahasang inamin nito pero iyon pa rin ang kahulugan niyon... na wala itong pagtingin sa kaniya. At kung mayroon man, hindi kasing lalim ng pag-ibig niya para rito...

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon