26

1.5K 56 0
                                    



BEKI SO BLACK  (U-Prince 1)

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

"Black, s-si Alwyn. Siya ang du nakita ko sa parking lot." Nanayo ang balahibo ni Nathalie nang maalala ang huling pagkikita ni Alwyn. Nakatayo siya habang si Black ay nakaupo sa sofa ng kanilang sala.
Kakatapos lang magkuwento ni Black sa kaniya nang tungkol sa nangyaring pagsabog.
"Sinasabi ko na nga bang may hindi magandang gagawin si Alwyn eh!" Galit na sabi ni Black ay kinuha ang cellphone tsaka kinontak ang mga pulis.
"B-Black, natatakot ako. Desidido silang patayin ka. Tayo!"Sabi ni Nathalie. Ang suwerte lang niya dahil pinauwi pa siya ni Alwyn.
"Natty, huwag kang mag-alala. Hanggat nandito ako, walang masamang mangyari sa iyo. Hindi ko hahayaang galawin ka nila!" Nakatiim bagang wika ni Black. Nanayo bigla ang balahibo ni Nathalie. Hindi sa takot kundi dahil sa sinabi ni Black. Hindi siya sanay na ganito kalambing at protective si Black sa kaniya. Hindi siya sanay na tingnan ito bilang lalaki. Parang nakakanindig balahibo!
"Bakit ganiyan ka kapag makatingin?" nakakunot noong tanong ni Black.
"Wala," umiwas siya ng tingin.
"Iniinsulto mo ba ako, NATHALIE?" napipikong tanong ng kasintahan.
"Eh kasi naman, Black!" Padabog na sabi niya saka naupo sa tabi nito.
"Kasi ano?"
"H-Hindi ako sanay na lalaki ka..."nag-aalimlangang sagot niya na mas lalong ikinainis ng katabi.
"Seryoso ang usapan natin at buhay na natin ang nakasalalay dito, ang kabaklaan ko pa rin ang iniiisip mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Black.
"S-Sorry na. Naninibago lang talaga ako lalo na't kabaklaan mo ang nakasanayan ko, Becks!"
"Isang bakla pa, talagang i sixty nine na kita!" Napasimangot si Nathalie. Ayaw talaga niyang pumayag sa sixty nine. Hindi sa ayaw niya pero nahihiya na siya lalo na kung pinagplanuhan.
"Oo na. Sorry na. Nakakapanibago lang talaga. Kahit itanong mo pa sa mga nakakakilala sa iyo. Tiyak, manibago sila."
Naagaw ng balita ang atensiyon ng dalawa. Mahigit isang daang kilo ng shabu ang nasakote sa Antipolo na nakalagay sa loob ng gulong ng mga sasakyan na inimport galing sa China.
"Talamak na talaga ang droga sa Pilipinas kaya nasisira ang kinabukasan ng mga kabataan!" Nanggigigil na wika ni Nathalie habang ang mga mata ay nakatutok sa tv. Galit siya sa mga supplier ng druga dahil kung hindi dahil sa kanila, buhay pa sana ang kakambal niya!
"Mahahanap din natin ang malaking drug lord sa bansang ito at oras na mangyari iyon, sisiguraduhin kong ibabalik ang bitay sa bansa!" Ani Black na galit din sa mga nababalitaan.
Nag ring ang cellphone ni Black at ang hepe ng pulis ang tumatawag kaya mabilis na sinagot niya. Pinapapunta siya nito sa police station para magsampa ng kaso laban kay Alwyn.
"Dito ka lang. Pupunta ako sa police station," bilin ni Black kay Nathalie na may binabasang text message.
"Ngayon ka na aalis?" natarantang tanong ni Nathalie.
"Oo, dito ka lang. Pakiusap, huwag kang lalabas. May nagbabantay sa iyo sa labas kaya mas safe ka rito," sabi ni Black habang sinusuot ang black leather jacket.
"Sige. Mag-ingat ka." Bilin ni Nathalie dahil kakatanggap lang niya ng text message galing kay Cedrick. Pinapunta siya ngayon sa headquarters nila.
Nagmamadaling sumakay si Black sa elevator.
"May puntahan ka?" tanong ni Spencer na nakasakay sa elevator. Nasa itaas pala ang condo unit nito.
"May aasikasuhin lang," sagot niya at inaayos ang damit. Kailangang mahuli nila si Alwyn. "Saan ka pupunta?"
"Sa lab lang nina Dad," sagot nito.
Pagkalabas nila sa ground floor ay inalok siya ni Spencer na ihatid pero tumanggi siya. Gamit ang ducati ay mabilis ang pagpatakbo niya papunta sa police station pero napapreno siya nang biglang may humarang na sasakyan sa daan niya. Bumaba ang lalaking naka blackhood na nagmamaneho nito.
"BABA!" Utos nito at tinutukan siya ng baril. Nataranta siya kaya mabilis na sinunod niya ito. Wala na ang mga police na escort niya.
"Damn!" Pagmumura niya nang lumapit ang lalaki. Katapusan na ba niya? Hindi matao ang lugar na ito at iilan lang ang napapadaan dito. Napansin niya ang mabilis na motorsiklo na papalapit sa kanila. Lilingon pa sana ang lalaki pero natumba ito nang sinalakay ng humaharurot na ducati.
"Sakay, BLACK!" Ani Spencer at sinipa ang baril ng natumbang lalaking.
Hindi nagdalawang isip na sumakay si Black at mabilis na pinatakbo ni Spencer.
"Salamat talaga!" Sabi niya habang mahigpit ang kapit sa kaibigan.
"WALA IYON! Kapit lang ng mahigpit!"Sabi ni Spencer at mahigpit na hinawakan ang handle ng motor. Hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang kaba sa puso niya. Kahit ang bilis ng patakbo ni Spencer ay balewala sa kaniya basta ba'y makalayo lang sila sa mga taong gustong pumatay sa kaniya
Matapos ang mahabang biyahe ay sa isang building siya dinala ni Spencer.
"Ano ba ang nangyayari, Black?" tanong ni Spencer. Halatang natatakot pa rin ito sa nangyari kanina.
"W-Wala. May humahabol lang sa akin. Baka kikidnapin ako," nahihiyang sagot niya. Pangalawang beses na itong sinagip siya ni Spencer. Malakas ang kutob niyang may kinalaman si Alwyn sa mga nangyayari or baka ito pa nga ang humarang sa kaniya kanina.
"Tsk! Mag-ingat ka. Sana, kumuha ka na ng body guard." Wika nito at tinanggal ang helmet saka ipinatong sa motor.
"Kaninong building ito?" tanong niya.
"Sa daddy ko. Ipakilala muna kita sa kaniya tapos ihatid kita sa police station," sabi ni Spencer. Sumunod siya saa kaibigan. Pagpasok nila ay bumungad ang iilang banyera ng mga isda. Napatakip siya ng ilong dahil sa lansa ng mga ito.
"Pasensiya ka na. Kaya nga naging sirena ako dahil mahilig kami sa mga isda." Biro nito kaya napangiti siya. Kung hindi niya nakilala si Nathalie, baka natuluyan din siya pero si Nathalie ang nagpabago sa kaniya. Ito ang nagparamdam sa kaniya na babae ang hinahanap niya at makatugon ng kaniyang pangangailangan. May paghanga lang siya sa kapwa lalaki pero sa babae pa rin kusang sumusujo ang kaniyang katawan.
"Halika sa itaas..." sumakay sila sa elevator at tumigil sa fourth flour. Pagkapasok nila ay tumambad sa kanila ang mga malalaking buwaya na nasa malaking aquarium. May mga malalaking tuko rin kaya napakunot ang noo niya.
"Maiwan muna kita. Pupuntahan ko lang si Daddy," paalam ni Spencer. Naupo siya sa isang sulok at pinagmasdan ang kabuuan ng floor. Napansin niya ang isang pinto na bahagyang nakabukas kaya tumayo siya para maglakad palapit dito.
Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya ang mga veterinarian na naka lab.gown. Isang laboratoryo.
Ang daming buwaya at tuko na nasa singkuwenta hanggang isang daang gramo na nakahiga sa ibabaw ng mesa at mukhang sedated lang ang mga ito.
Napadako ang mga mata niya sa dalawang naka gown, mask at gloves. Busy ang mga ito sa paghiwa ng tiyan ng buwaya.
Kinuha ng isa ang puting bagay na nasa loob ng timba. Puti na parang at mapipino na parang tawas at inilagay nito sa tiyan ng hayop.
" Hindi maaari!" Bulong ni Black. Hindi siya ignorante para hindi malaman na shabu ito. Matagal na niyang nababalitaan ang tungkol sa tuko na ini-export sa China para gawing gamot sa Cancer o AIDS ang apdo o ibang bahagi ng katawan nito pero itinanggi ito ng DOH dahil maaaring malason ang tao kapag kumain nito. Hindi niya inakalang totoo ang bali-balita na inooperahan ang mga ito para ilagay ang shabu sa loob ng katawan dahil may ilang machines na hindi makikita ang laman ng hayop dahil sa kapal ng balat nito. Isa sa mga rason kung bakit mahal ang bili nila sa tuko dahil milyon ang laman ng katawan bago i-export sa iba't ibang bahagi ng bansa. Maliban sa pag-aangkat ng buwaya sa ibang bansa para gawing bag, sinturon, sapatos o ano man diyan ay druga rin ang malaking business ng pamilya nina Spencer. Kapag makapuslit na ang mga ito ay tinatanggal na nila ang lamang droga para malinis na ang katawan ng hayop bago madistribute sa lacoste company sa iba't ibang bansa. Mapakinabangan ang laman at balat ng hayop kaya walang tapon. Tripleng purpose at business ito kaya malaki ang kita!
"Shit!" Pagmumura niya nang mabunggo ang isang balde at tumilapon ang lamang shabu nito kaya napalingon ang mga tao.
Bumukas ang isa pang silid na nakakonekta sa laboratoryo at lumabas si General Guttierez na naka uniporme pa.
"Mabuti naman at hindi ka sapilitang nadala rito ng anak ko," may kung anong bumundol sa dibdib niya dahil pagngisi ng kaharap kaya automatic na napaatras siya.
"Saan ka pupunta, Black?" makahulugang tanong ni Spencer na napasandal sa dingding matapos i-lock ang pinto.

A/N:

I'm not sure sa isinulat ko kung totoo nga ang tungkol sa tuko o buwaya. Hahaha! Parang joke itong naisulat ko.😀😀😀💖

Hindi ko alam kung may apelyido si Spencer noon. Wala naman yata? Toinkz. Hindi talaga uso ang apelyido sa akin. Hahaha! Nextime, lagyan ko na sila ng apelyido. Pramiz !
Next chapter, lilinawin ko ang lahat. 😀💜💖💗❤

4 chapters left kasama ang epilogue. Tnx.

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon