BEKI SI BLACK ( U-Prince 1 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 23
[BLACK POV]
Pagkababa ni Nathalie kanina, walang lingong-lingon siyang dumiretso sa tambayan. Nakakainis! Basta naiinis ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Buong maghapong lutang ako dahil sa kaniya. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Gusto ko siyang makita ngayon. Ewan! Bagay nga sa kaniya ang puting uniporme niya. Medyo bakat kasi sa katawan niya. Malaki pa naman ang hinaharap nito. Hindi naman grabe sa laki. Iyong tipo ng babaeng unang kita mo pa lang ay masasabi mo nang pang sexy star na siya. Malaki rin ang balakang niya kaya balance lang. Tama lang ang katawan niya.
" Damn, i am pervert?" tanong ko sa sarili. Ang iingay ng classmates ko pero nasa imahinasyon ko ang hubad na katawan nito. Kasalanan ko ba kung kasyang kasya ang laki ng dibdib niya sa malapad na palad ko? At ang init ng bibig niya habang sinusubo ang... Ugh! Damn her!"
"Ano ang nangyari sa iyo, Black? Tahimik ka yata?" tanong ni Sky.
"Kailan pa nag-ingay si Black?" sabat ni Blue.
"Wala. Huwag na nga ninyo akong kausapin!" Naririndi ako sa boses ng dalawang ito. Mas okay pa nga noong kakaiwan lang ni Avery kay Blue dahil hindi ito nagsasalita pero ngayon, dalawa na sila ni Sky. Nakakabingi ang ingay! Pinagmasdan ko si Blue. Nakipagtawanan na ito kina Sky at sa mga kaklase namin.
Totoong tawa na. Bilang kapatid, masaya ako para sa kaniya. Tuloy-tuloy ang pamamayagpag niya sa music industry. Dalawang album ang inirelease nila at sold-out kaagad ito. Platinum. Kahit ang acting skills niya ay nahasa rin nang tanggapin niya ang offer ng isang tv network na gumawa siya ng teleserye. Medyo namiss ko nga ang mga ito. Noong kumpleto pa kaming tatlo sa bahay at nandito pa si Ate Lyn. Wala pa kaming problema noon. Ang latigo lang ni Daddy kapag naha-highblood dahil sa kakulitan ng apat kong kapatid ang kinatatakutan namin pero ngayon, iba na at ayaw kong ipaalam sa kanila. Kaya nga lumipat din kami ng condo ni Nathalie dahil ayaw kong madamay sila. Ano mang oras, puwede akong mamatay.
"Black, uwi ka na sa mansion. Namimiss ka na namin. Umuwi sina Lolo Ian at Lola Sunshine. Hinahanap ka nila," wika ni Sky. Namimiss ko na pala ang lolo't lola ko lalo na si Lola Sunshine. Mahal na mahal kami no'n.
"Pasabing dalawin ko sina Lola Sunshine bukas," sagot ko.
"Ayaw mong umuwi sa mansion? Puwede naman daw kayo na mag live-in sa bahay sabi ni Daddy pero dapat magpakasal muna kayo ni Nathalie." hindi ko magets ang sinabi niya. Magulo!
"Huwag mo nga akong buwesitin!" Singhal ko.
"Suplado mo talaga, Black!" Nakasimangot na sabi ni Sky.
"Mabuti pa ako. Mabait na, guwapo pa!" Nagbuhat na naman ito ng sariling upuan at nag pogi sign pa. As usual, nasa likuran na naman kami nakaupo.
Lumipat ito ng upuan kay Taira na nasa unahan namin.
"Tai? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" pasimpleng inakbayan niya ito. "Tai, kausapin mo naman ako..." nag-o-obserba lang ako sa dalawang ito. Si Blue ay nakikipag-usap ky Julie na kakarating lang. Sumenyas si Aron sa amin na kami na ang bahala sa kasintahan niya. Nag "ok" sign naman si Blue.
Guwapo si Aron at isa siya sa mga kinahumalingan ng kababaihan dito pero nakafocus talaga siya kay Julie. Kung may loyalty award man, siya na iyon kaya mas lalong naiinggit ang kababaihan kay Julie. Ewan ko labg kung sayangin pa nito si Aron pero hindi naman natin masasabi ang kapalaran. Si Blue nga, iniwan pa ni Avery. Pero on the other hand, naiintindihan ko si Avery. Sikat si Blue at iyon pa ang nangyari sa pamilya niya kaya siya talaga ang biktima ng bullying. Sana hindi lang ito nagpakamatay.
"Tai, ayaw mo na ba akong kausapin?" malungkot na tanong ni Sky. Nakangiti lang ito palagi at easy go lucky pero ramdam namin ang lungkot niya. Ayaw lang niyang ipahalata dahil hindi sanay ang mga tao na nalulungkot siya.
"Ano ba ang kailangan mo?" habang binubuksan ni Taira ang bag at may hinahanap sa loob.
"Ikaw!" walang gatol na sagot ni Sky. "Namiss na kita, Tai-Tai. Hindi na tayo nag-uusap at palaging naka lock na ang kuwarto mo. Pinalitan mo pa ang seradura. Paano ako makapasok at mag sleep-over sa inyo?" pagmamaktol ni Sky.
"E di mag sleep over ka kina Amanda mo! Do'n ka na nga!"
"Iba naman si Amanda at iba ka..." ang tibay din nina Sky at Amanda. Hanggang ngayon, hindi pa niya hinihiwalayan?
"Black, ano nga pala ang sagot sa tanong mo? Iyong kung ano ng bata ang nurse?" tanong ni Taira nang lumingon sa akin. Halata namang iniiwasan niya si Sky.
"Mag-isip ka," sagot ko. Bahala silang mag-isip ng mag-isip.
"Ang daya mo, Black. May sagot ba talaga 'yon?" sabat ni Blue.
"Oo," tipid na sagot ko.
"Weeh? Nanay ng bata ang nurse dahil paggising niya, tinawag niya itong nanay. Ang mga bata, hindi nagsisinungaling!" Sabat ni Sky. Blangko lang ang mukha ko na tiningnan siya.
"Tanga! Sabi nga ng nurse, hindi siya nanay nung bata. Isa pa, kakagising lang ng bata galing sa coma. Baka nahilo pa," sabat ni Blue.
"Eh bakit siya talaga ang nag-alaga sa bata na puwede naman niyang ipaalaga sa iba? Nanay talaga niya! Niloloko lang tayo ni Blue!" Giit ni Sky.
"Bahala kayo." Alas kuwatro na pala pero wala pa ang guro namin.
"Magpahula ka ulit, Sky." Sabi ni Blue. Bored na siguro.
"Ano ang mabait at magalang na gulay?" tanong ni Sky. Napapoker face kami ni Blue.
"Wala na bang iba, Sky?" tanong ni Blue.
"Wala na eh..." napakamot ito sa ulo. Alam niyang matagal na naming alam ang bugtong na iyan. "Ikaw naman kasi Blue!"
"What can you see in the front of woman that you can see at the back of cow?" tanong ni Blue.
"Likod?" mabilis na sagot ni Taira.
"Hindi."
"King ina! Ang bastos mo, Blue. VAGINA?" siguradong siguradong sagot ni Sky kaya napatawa ang mga nakikinig sa amin.
"Ikaw, Black? Ano ang sagot mo?"tanong ni Blue.
"W" sagot ko at tumayo. Nakita ko kasi sa labas ng classroom si Nathalie na inaakbayan ni Alwyn. Nakangiti pa ito kaya bigla na lang uminit ang ulo ko.
"MAG-UUSAP TAYO!" Pareho silang nagulat nang hilain ko ang kuwelyo ni Alwyn.
"B-Black!" Saway ni Nathalie.
"Chill! Kakausapin kita," nakangising sagot ni Alwyn at tinabig ang kamay ko.
"Good!" Walang emosyong saad ko at tumalikod sa kanila. Naramdaman kong sinusundan ako ni Alwyn.
"BLACK!" Tawag ko na naman ni Nathalie. May gana pa siyang kampihan ang drug user na ito?
"HUWAG KANG MAKIALAM DITO, NATHALIE!" Wala akong pakialam sa mga nasa paligid. Umakyat ako sa hagdan patungo sa rooftop. Nakasunod itong si Alwyn sa akin. Isinarado niya ang pinto nang makapasok at sumandal sa pader.
"Ano ang kailangan mo sa akin? May mahalaga ba tayong pag-uusapan?" hinarap ko siya.
"Layuan mo si Nathalie!" Diretsahang utos ko. Ayaw kong mapalapit si Nathalie sa kaniya.
"Sa anong kadahilanan?" nag crossed arms siya.
"Dahil kasintahan ko siya..."
"So? Hindi pa naman kayo kasal, 'di ba?" nakangisi nitong sabi kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.
"May nangyari na sa amin at nagli-live in na kami sa condo ko!" Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa. Mas mabuti iyong alam niya kung saan lulugar. Natigilan ito at mukhang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko.
"Hindi mo alam? Ask her!" i smirked. No way na hahayaan kong mapalapit si Nathalie sa kaniya. Never! Napansin ko ang pagkuyom niya nang kamao at nagbabaga ang mga matang nakatingin sa akin.
"Oras na lokohin mo si Nathalie, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!" Pagbabanta nito. Nanlilisik ang mga mata. Nakakatakot! Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Tahimik lang din ito at walang gaanong kaibigan. Sa gitna ng stage lang ito nag-iingay kaya hindi ko inaasahan ang mga mata niyang may pagkademonyo.
"Talaga? Kung kaya mo akong patayin!" Hamon ko. "Papatayin din kita kapag tangkain mong kunin si Nathalie!" Pagbabanta ko. Magkamatayan na kami pero hindi ako papayag na maagaw niya si Nathalie! Akin lang siya! Ako lang ang magpapaligaya sa kaniya at hindi ang Alwyn na ito! Hindi ako makakapayag! What is mine is MINE!
"Huwag mo akong hamunin, Mr.Villafuerte! Kaya kitang patayin ano mang oras kapag gusto ko!" Makahulugan nitong sabi.
"Makukuha ko si Nathalie..." kampante niyang sabi.
"Hindi mo siya makukuha!"
"Makukuha ko siya at kusa mo siyang ibibigay sa akin..." kinabahan ako. Bakit ba parang sigurado siya sa mga pinagsasabi niya? Makukuha ba niya si Nathalie?
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko. Ayaw kong ipakita na mahina ako pero bakit bigla na lang pumasok ang takot sa puso ko?
"Dahil hindi siya ang hinahanap mo..." makahulugan niyang sabi at binuksan ang pinto tsaka lumabas kaya naiwan akong nagtataka. Bakit nasabi niya iyon?
Makalipas ang ilang minuto ay wala sa sariling lumabas ako at bumaba ng hagdan. Hindi na ako makakapasok pa sa next subject dahil panigurado, kanina pa sila nag-uumpisa.
Wala akong maisip. Hindi gumagana ang utak ko. Bakit ngayon lang ako nakaramdam ng ganito? Takot at kaba? Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.
Narinig ko ang sabay-sabay na sigaw ng mga football player ng pangalan ko. Saka ko lang namalayan na palipat na ang bola sa akin at matatamaan ako sa mukha. Huli na para umilag ako kaya ipinikit ko ang aking mga mata. Ilang sandali pa ay walang tumama na bola kaya dumilat ako.
"Nextime, mag-ingat ka." Baritonong boses ni Spencer at ang guwapo nitong mukha ang nadilatan ko. Bumalik na sa paglalaro ang players.
"S-Salamat..." nahihiya kong sagot pero mas nakakahiya kung natamaan ako ng bola sa mukha dahil sa katangahan ko.
"Wala iyon. Kanina pa kita tinatawag pero mukhang nasa malalim na pag-iisip ka," wika nito at sinabayan ako sa paglalakad.
"May naalala lang," sagot ko.
"Ah, 'wag mong isipin 'yon. Mahal ka no'n," pagbibiro niya. Ngumiti ako. Ito lang yata ang nakakaintindi sa akin.
"Sige 'tol, balik na ako sa classroom ko. Mag C-CR lang sana ako pero nakita kita," paalam niya. Tumango ako kaya tumalikod na siya pero nakailang hakbang pa lang ay muling humarap sa akin.
"Black?" hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. Ngumiti ito nang sobrang tamis pero may pagkapilyo ang mga mata.
"Ang cute mo kanina habang nakapikit ka. Sayang! Hindi ko dala ang camera ko. Napicturan sana kita!" Biglang sumalubong ang dalawa kong kilay sa inis. Natatawa pa talaga siya sa reaksiyon ko? Eh muntik na nga akong matamaan ng bola sa mukha!
"Alis na ako!" Tumakbo na ito palayo sa akin. Asar!

BINABASA MO ANG
Beki si Black
ChickLitIsa lang akong simpleng babae. Naging stalker ng isang lalaki at nagising na lang bigla na nasa isang condo unit na ako nakatira kasama ang lalaking kinamumuhian ako! Isa siya sa mga anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Guwapo, matalino, map...