10

1.6K 60 0
                                    


BEKI SI BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808  Ash Simon

CHAPTER 10

[Nathalie]
Pagkagising ko ay wala na si Black sa tabi
ko. Ang alam ko ay nauna siyang nakatulog
sa akin kagabi. Matapos kong maligo at
magbihis ng pambahay na pajama ay
napatingin ako sa kumot. May bahid ng
aking pagka birhen. Wala na. Nakuha na ni
Black ang aking kainosentehan. Ilang luha
ang nawala sa akin sa loob ng shower room
kaya nang humarap ako sa salamin ay
namumula ang mga mata ko.
Naintindihan ko siya kung bakit niya iyon
nagawa. Galit siya! Galit na galit siya sa
bagay na hindi ko naman ginawa. Kung sa
akin mangyari iyon, baka hindi lang iyon ang
magagawa ko. Naiintindihan ko siya dahil
alam kong minahal lang niya ng sobra ang
kapatid ko.
Malungkot na naupo ako sa kama at
binuksan ang wallet. Hinaplos ko ang litrato
namin ni Jigs noong mga sanggol pa lamang
kami at ngayong malaki na. Ayaw pa sana
niyang magpakuha ng litrato pero pinilit ko.
Nagtatrabaho ako noon sa club nang
makilala ko ang mga boss ko. Sinabi kong
working student ako galing sa probinsya
kaya kinuha nila akong under cover agent na
nasa ilalim ng pangangalaga ng NBI. Ang
unang misyon na ibinigay nila sa akin ay si
Jigs. Pagkabigay sa akin ng personal info
niya ay doon ko nalaman siya ang matagal
ko nang hinahanap na kakambal ko. Iyon ang
bilin ng mga magulang ko bago mamatay.
Hanapin ko siya.
Nagpakilala ako sa tagong lugar pero inilihim
ko ang aking pagiging agent dahil isang
mahinang kakambal ang turing ni Jigs sa
akin. Wala siyang itinago sa akin. Naging
magkaibigan kami pero patago. Kahit ang
tungkol sa pagbebenta niya ng druga sa
mga kilalang tao ay inamin niya sa akin.
Madali lang sa kaniya dahil nasa mundo siya
ng showbiz. Ilang beses ko siyang
pinakiusapan na tigilan na pero ang sabi
niya, hindi na raw. Marami na ang
humahabol sa kaniyang drug lords dahil mas
bigatin ang mga clients niya. Nakiusap
siyang huwag ipaalam kay Black ang lahat
dahil baka madamay ito.
Ilang beses kong sinusubaybayan ang kilos
niya ng palihim. Ilang beses ko na ring
nahuli na may nagtatangka sa buhay niya na
nagawan ko naman ng paraan. Noong
iniligtas ako ni Black sa labas ng bahay nila,
iyon ang mgakabataang naglagay ng bomba
sa ilalim ng sasakyan niya na agad ko
namang na disposed kaya tinangka nilang
patayin ako pero dumating si Black. Mabuti
na lang dahil madilim kaya hindi nila ako
namumukhaan.
Pero nang pumunta ako sa kaniya dahil ang
sabi niya, namimiss lang niya ako, hindi ko
inaasahang iyon na pala ang huling yakap ko
sa kaniya at halik ko sa kaniya. Busilak ang
puso ni Jigs. Ayaw lang niyang bumalik sa
nakaraan na kung saan, sobrang hirap at
puno ng pagdurusa. Hindi ko alam kung
sino ang may kagagawan ng lahat. Ayun sa
NBI, hindi suicide ang nangyari. Hindi rin
totoo na ang hawak na baril ang pumatay sa
kaniya. Lumaban siya! Kung sino man ang
nagpapatay, alam nitong kumikilos na ang
mga NBI dahil malaki ang ebidensiyang
hawak ni Jigs.
Paika-ika akong lumabas ng kuwarto at
naghanap ng makakain. Pagkabukas ko ng
ref ay siya namang pumasok si Black na tila
wala sa sarili. Diretso lang ito sa kuwarto
niya.
Nagugutom na ako at masakit pa ang buong
katawan ko pero wala akong makaing kanin.
Suwerte ko lang dahil may natira pang
pringles na binili namin noon ni Black.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay
nanghihinang nahiga ako sa couch at ipinikit
ang mga mata.
"NATTY!" Nagising ako nang may nag tap sa
balikat ko.
"B-Black?" inaantok na sambit ko sa
pangalan niya pero nakapikit pa rin.
"Gising na." napaka baritono ng boses nito
pero tinatamad pa akong imulat ang mga
mata ko. "Hindi ka pa kumakain." Narinig ko
ang mga yabag palayo sa akin. Mayamaya ay
nakaamoy ako ng nilagang baka.
"Bumangon ka na diyan. Kumain na tayo,"
biglang tumunog ang sikmura ko kaya
sapilitang bumangon ako. Nanghihina na
talaga ang katawan ko. Sinuot ko ang
tsinelas pambahay at paika-ikang lumapit sa
kaniya. Nakatitig lang ito sa akin.
"Kumain ka na." inilapit nito ang plato sa
harapan ko nang makaupo na ako sa harapan
niya.
"Alam kong masyadong nagutom ka." ang
daming pagkain. May calamares, nilagang
baka, tinolang manok, spaghetti at pusit.
"Matapos mo ba namang gahasain," bulong
ko.
"Hindi kita ginahasa!" Depensa niya.
"Ano ang tawag mo sa ginagawa mo sa akin
kagabi? Love making?" kumuha ako ng
kanin. Kahit na magtatalo pa kami, hindi
iyon nakakaapekto sa pagkagutom ko.
"Nagustuhan mo naman, ah!"
"Pinilit mo lang ako kaya wala akong choice
kundi gustuhin ang ginagawa mong
kababuyan sa katawan ko!"
"Hindi kita ginahasa!" Muling giit niya.
"Ginahasa. Kung ako killer, ikaw naman ay
rapist!" Natahimik ito. Ipinagpatuloy ko na
ang pagkain.
"Nat?" umangat ako ng tingin. "W-Wala."
Itinikom niya ang bibig.
Alam kong may sasabihin pa ito pero mas
pinili nitong kumain na lang. Nakikita ko sa
peripheral vision ko na pasulyap-sulyap ito
na sa akin na tila ba may aaminin.
"M-May sasabihin ka, Black?" nang hindi na
ako makatiis.
"H-Huh? Ahm..."
"Sabihin mo na. Nahiya ka pa!"
"N-Nathalie?"
"Ano 'yon, Black?"
"N-Nasaktan ba kita kagabi?" namutla ito
kaya tinaasan ko ng kilay.
"Matapos mo akong gahasain, itatanong mo
'yan sa akin?"
"Sabing hindi nga kita nirape, eh!" Tumaas
bigla ang boses nito.
"Sa tingin mo, hindi ako nasaktan?" balik-
tanong ko.
"S-Sorry..." paumanhin nito kaya napakunot
ang noo ko. "I mean, nadala lang ako sa galit
ko kaya nagawa ko iyon."
"Nagsisisi ka na ngayon?"
"Hindi ah." agad na sagot nito. "'Yung
nasaktan ka lang talaga ang paghingi ko ng
sorry pero iyong nasarapan ka, wala iyon.
Nag enjoy ka naman."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung ikaw kaya
sa kalagayan ko at ganoon kalaki ang ipasok
sa pagkababae mo?"
"Bakit? Ang daming gustong makatikim sa
akin. Dagdagan pa ang size ko na gusto ng
lahat tapos ikaw, magrereklamo lang?"
ngayon, ka triplets nga niya si Sky. Nagiging
mayabang. Kainis! May maipagmalaki naman
kasi sila.
"Pakialam ko sa size mo?"
"Swerte ka kasi ikaw ang napigiling pasukan
nito. Ang suwerte mo pa nga dahil ikaw ang
nakauna sa akin." Napatigil ako sa pagkain at
seryosong tinitigan siya. Umiwas siya ng
tingin at napayuko. "Ikaw naman talaga ang
nakauna sa akin." Pag-amin nito kaya
napangiti ako. Ang cute niya!
"Ngingiti-ngiti mo? May nakakatawa ba sa
sinabi ko?"
"Wala. Ang cute mo kasi..." ani ko.
"Natty? Pasensiya ka na talaga." ulit nito.
"Bakit ba hingi ka nang hingi ng sorry?"
"B-Baka kasi magalit si Jigs..." isang malalim
na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"Hindi mo naman kasi inamin sa akin ang
lahat. Ang sabi mo, may relasyon kayo."
Mukhang alam na niya ang katotohanan.
Kung sabagay, marami silang connections.
"Dapat hindi mo na inalam. Para hindi ka na
madamay."
"Gusto kong mabigyan ng katarungan ang
pagkamatay niya. Ikaw ba talaga ang
pumatay? Nagawa mo ba talaga iyon kay
Jigs?" kung dati ay bigla itong
nagpaparatang, ngayon naman ay
nagdududa na ang mga mata niya.
"Kakambal ko siya. Hindi ko kayang gawin
iyon kay Jigs," malungkot na sagot ko. Kung
puwede lang sanang dugtungan ang buhay
niya, gagawin ko.
"Kung ganoon, alam mo ba kung sino ang
may gawa no'n sa kaniya?"
"Hindi. Kaya hanggang ngayon, hinahanap
pa ng mga NBI." Sagot ko. Ayoko nang
magsalita na may kinalaman ako sa mga
galaw ng NBI.
"Nakausap ka na ba ng NBI?"
"Oo. Alam mo namang hawak nila ang mga
ebidensiya. Hinihintay ko lang ang mga
hakbang nila. Pinakiusapan nila akong huwag
ipaalam ang nalaman ko kahit kanino."
Pagpapaliwanag ko para tumahimik na ito.
"M-Makipag coordinate ka na lang sa kanila
para mapadali ang kaso ni Jigs." napayuko
ito. Bakit ba sa pakiramdam ko, parang
naiilang ito sa akin? Iyong tipong nahihiya
makipagharap dahil may matinding
kasalanan?
"Natty?"
"Hmmm?"
"Iyong nangyari kagabi--"
"Naintindihan ko kaya 'wag kang mag-alala."
Pagputol ko sa sasabihin niya.
"Kasi alam kong mali ako," mabuti naman at
inamin nito. Akala ko, hindi ito aamin ng
kasalanan.
"Maibabalik pa ba ng sorry mo ang virginity
ko? Kalimutan mo na. Gaya ng sabi mo,
hindi mo nga alam. Isipin na lang nating
walang nangyari sa atin." Peste! Imposible
iyon dahil mukhang isang linggong
mamamaga ang pagkababae ko sa ginawa
niya.
"S-Sure ka?" nahihiyang tanong nito.
"Oo naman. Walang problema sa akin."
Alangan naman tututukan ko ng baril 'to
para panagutan ang nangyari sa amin? Eh,
baka ito na naman magsuicide kapag
ipakasal sa babae.
"Natty?"
"Ano na naman?" napipikong sagot ko.
"P-Puwede bang huwag na lang nating
ipaalam kina Daddy na may nangyari sa
atin?" parang batang takot ito na malaman
ng magulang ang kalokohan niya.
"Matagal nang may nangyari sa atin sa mga
utak nila!"Sagot ko. "Ibinahay mo ako kaya
malamang, iniisip nila na matagal nang may
nangyari sa atin." Minsan pala, may
pagkabobo rin ang baklang 'to.

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon