25

1.5K 60 0
                                    



BEKI SI BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 25

Fuck! Nasaan si Nathalie?" kanina pa siya pabalik-balik dito sa harap ng police station. Magtatakip-silim na pero wala pa rin si Nathalie. Kanina pa nga niya ito tinatawagan pero walang sumasagot.
"Huminahon ka nga, Black. Pinaiimbestigahan na ng mga pulis ang nangyari," saway ni Skyler dahil kanina pa siya nahihilo sa anak.
"D-Dad, paano kung may masamang nangyari sa kaniya? Paano kung h-hindi na siya uuwi? P-Paano kung pati siya ay dinamay?" nanginginig ang buong katawan niya sa naisip.
"Tahan na... Ipagdasal natin na ligtas siya," pagbibigay lakas loob ni Kim.
"Mommy? M-May gusto ngang pumatay sa akin. S-Si Nathalie, baka kung napano na siya." Magkasama sina Nathalie at Alwyn kaya mas lalo siyang natataranta.
"Pinaghahanap na siya ng mga otoridad." Sabi ni Sky na kasama si Blue.
"Black? May nakalaban ka ba? Si Jigs... Hindi kaya may kinalaman ito sa nangyari kay Jigs?" nag-aalalang tanong ni Erika.
"H-Hindi ko alam..." pinag-iisipan niya kung aaminin niya sa mga ito ang tungkol sa pagkasangkot ng dating kasintahan sa druga pero nag-aalinlangan siya.
"Magpahinga ka na. Baka nasa condo mo na si Nathalie," ani Kimberly.
"Sir, kailangan lang namin ng seguridad para kay Black. Puwede bang kumuha ng tigabantay sa kaniya?" pakiusap ni Skyler. Ama aiya kaya hindi siya makakapayag na may mangyaring masama sa anak.
"B-Black, anak?" umiiyak na tawag ni Kimberly. Kung nagkataong ito ang may sakay ng motorsiklo ay malamang, nalagasan na sila ng anak at ikamamatay niya kapag mangyari iyon.
"I'm fine, Mom. Huwag na kayong mag-alala. Magiging okay din ang lahat." Sagot ni Black.
"Doon ka na muna kaya sa mansion para masigurado naming ligtas ka," suhestiyon ni Skyler.
"S-Si Nathalie, hihintayin ko siya sa condo." Nag-aalalang sagot niya.
"Ihatid ka muna namin sa condo mo tapos kapag dumating si Nathalie, punta kayo sa mansion. May escort naman kayong pulis," sabi ni Sky.
"S-Sige po," kasabay ng isang patrol sa likuran ng sasakyan nila ay inihatid muna nila si Black sa condo building. Mahigpit ang seguridad ng mga Lacson kaya kampante silang safe ang anak.
---------
"Gabi na, Alwyn. Puwede na ba akong umuwi?" tanong ni Nathalie habang naglalakad sila sa tabing dagat. Nawili siya sa panonood ng sunset kanina kasama ang binata at ngayon lang siya nakaramdam ng kapayapaan.
"Ayaw mo na ba akong makasama?" malungkot na tanong ni Alwyn. Kahit si Nathalie ay nalulungkot din sa tanong nito. Ewan!
"Kasi, baka hinahanap na ako ni Black." Pagtingin niya sa cellphone ay lowbat na ito.
"Mahal mo na ba siya?"
"K-Kasintahan ko siya..." nagtatanong ang mga mata niyang tumingala rito ngunit mapait na ngumiti si Alwyn.
"I know everything, Natty." Sagot ni Alwyn kaya kinabahan siya.
"Bakla si Black at hindi ikaw ang mahal niya kundi si Jigs." Siguradong sagot ni Alwyn.
"P-Paano--"
"Huwag mo nang alamin."
"Ano ang i-ibig mong sabihin?"
"Ayaw lang kitang masaktan."
"P-Pero sabi ni Black, mahal niya ako." Sigurado siyang totoo ang ipinagtapat ni Black kanina.
"Sana nga. Natty? Puwede ba kitang mayakap?" hindi siya nakakilos nang yakapin siya bigla ng binata. Gusto niyang maiyak nang hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kaniya.
"Sana kaya kang ipagtanggol ng lalaking mahal mo," makahulugang bulong nito.
"P-Paano mo nalaman ang tungkol kay Jigs at Black?" naguguluhang tanong ng dalaga pero ngumiti lang ito.
"Tara, balik na tayo. Salamat pala sa pagtreat mo sa akin," alam niyang umiiwas si Alwyn sa usapan nila. "Masarap pala ang
cake nila rito noh? Nextime, balik tayo."
Kinabahan siya bigla nang maabsorb ang sinabi ni Alwyn. May alam ito sa mga nangyayari.
"M-Magtataxi na lang ako," biglang tumagis ang bagang nito sa sinabi niya.
"Ihahatid na kita!" Biglang tumigas ang boses nito kaya napaatras siya ng isang hakbang.
"K-Kaya ko na..." may training naman siya sa self-defense pero hindi lang niya alam kung makakaya niyang ipagtanggol ang sarili laban kay Alwyn. Ngayon niya napagtanto na mali ang pagsama niya rito. Biglang lumambot ang mukha nito.
"I'm sorry. I don't mean to scare you. Magtaxi ka na lang. Kunin ko ang plate number ng taxi." Sagot ni Alwyn at lumabas sila sa kalsada para magbantay ng taxi. Kinakabahan siya sa mga ikinikilos nito kaya medyo dumistansiya siya. Kung kinakailangang tumakbo ay tatakbo siya. Iilan na lang ang tao sa palibot dahil pasado alas otso na.
"Sumakay ka na." Nakahinga siya ng maluwag nang tumigil ang taxi sa harapan nila.
"Natty?" Pinagbuksan siya ni Alwyn ng pinto.
"Salamat..." sumakay na siya pero pa rin nito isinarado ang pinto.
"Happy birthday..." saad nito.
"Salamat..." sagot niya at siya na mismo ang sumarado ng pinto. Kaarawan niya ngayon pero walang nakakaalam. Si Alwyn lang ang sinabihan niya kanina dahil nagtanong ito kung bakit bumili siya ng cake kaya inamin niyang kaarawan niya.
"K-Kuya, pakibilisan po." Pakiusap niya dahil nasa likuran nila ang sinasakyan ni Alwyn. Sinusundan sila!
"Kaibigan mo iyong sumusunod sa atin, Ma'am?" tanong ng driver.
"Opo," pinipilit niyang huwag ipahalata ang takot. Kapag dumating na sila sa teritoryo ng mga Lacson ay wala nang problema.
Ilang metro na lang ay nasa condo building na sila kaya nakahinga siya ng maluwag. Hindi na rin nakabuntot si Alwyn.
Pagbaba niya ay agad siyang nagbayad at agad na dumiretso sa elevator. Ang daming katanungan na pumapasok sa kaniyang isipan. Kinabahan pa siya nang makita ang ilang pulis na nakabantay sa labas ng building.
"Thanks God! Nathalie!" Magsaswipe na sana siya ng card nang bumukas ang pinto at mabilis siyang niyakap ni Black.
"B-Black, pasok muna tayo..." kumalas siya sa pagkakayakap nito. Nang sumarado ang pinto ay niyakap na naman siya nito.
"A-Ano ba ang nangyari?" tanong ng dalaga. Iba ang kilos nito na para bang muli siyang nabuhay.
"Akala ko, h-hindi ka na uuwi. Natatakot ako," maluha-luhang sabi ni Black.
"Akalo ko, ayaw mo sa akin?"
Yumuko ito. "Akala ko rin nga pero mahal na kasi kita..." nang umangat ito ng tingin ay samu't saring emosyon ang kaniyang nakikita. Pag-aalala. Pagnanasa. Pagmamahal.
"M-Mahal mo ba talaga ako?" maiiyak na sabi niya. Mali man pero nahulog na rin ang loob niya kay Black. Kahit na noong una pa lang niya itong nakita ay nagkagusto na siya rito pero pinipigilan na niya ito dahil kasintahan ito ng kakambal niya.
"O-Oo. Mahal na kita. Hindi ko alam kung kailan o bakit pero nang may nangyari sa atin, doon ko napagtanto na gusto kita. Ikaw lang ang babaeng nagpagulo ng isip ko. Ikaw lang ang babaeng gusto kong handugan ng pagkalalaki ko na kahit sa kapwa lalaki ay hindi ko naramdaman. Alam kong mali dahil ex ko si Jigs pero Natty, wala akong magagawa. Mahal na kita at halos ikabaliw ko pa kapag mawala ka." Mahabang paliwanag nito.
"Mahal mo ba talaga ako?" ulit niya. Ang sarap pakinggan. Isang Villafuerte ang nagtatapat sa kaniya ngayon at ang guwapo pa.
"Oo nga! Ang kulit!" Pikong sabi nito kaya natawa siya. May PAGKA bakla pa naman si Black. Slight lang.
"Mahal mo rin ba ako?" Kinakabahan siya sa maaaring sagot ng dalaga. Baka magahasa pa niya ito muli kapag sabihing hindi siya mahal nito.
"Oo na. Mahal na kita!" Masayang sagot ng dalaga. Ito ang pinakamasayang birthday gift na natanggap niya. Ang mahal din siya ng mahal niya at higit sa lahat, medyo lalaki na ito.
"Thank you!" Niyakap siya ni Black ng mahigpit at gumanti naman siya. Nakaramdam siya ng malamig sa kaniyang leeg kaya napahawak siya rito. Isang necklace Nagtatanong ang mga matang tumingala siya kay Black nang kumalas ito mula sa pagkakayakap. Ngumiti ito ng ubod ng tamis.
"Happy birthday, Natty!" Hindi na niya napigilang tumulo ang mga luha at siya na ang yumakap dito.
"A-Alam mo..." sambit niya sa pamamagitan ng paghikbi.
"Oo. Nasa biodata mo."
Ang bango ng kayakap niya at ang sarap sa pakiramdam na nasa bisig siya ni Black. This time, hindi na ito nandidiri sa kaniya dahil mahal na siya ni Becks niya.
"Natty?" bulong ni Black at hinalikan siya sa punong tainga.
"Hmm?" Hindi pa rin siya kumakalas sa pagkakayakap. Ang sarap kaya!
"May utang ka pa sa akin," ani Black.
"Utang? Magkano?"
"Sixty nine!" Pilyong sagot ni Black.

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon