BEKI SI BLACK
( U-Prince 1 )by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 15
[Nathalie Pov]
"Kamusta ka na, Nathalie?" may kumalabit sa balikat ko kaya napalingon ako.
"Alwyn?"
"Ako nga, may iba pa ba?" nakangiting sagot nito na tila nangungusap ang mga mata.
"Ikaw talaga. Si Taira pala," pagpapakilala ko.
"I knew her." sabay lahad ng kamay kay Taira.
"Yeah, kilala rin kita." inabot niya ang pakikipagkamay ni Alwyn. "Sa table ka na namin maupo." Yaya ni Taira. Napansin kong napasulyap ito kay Sky na papasok.
"Sure!" Pagsang-ayon ni Alwyn.
Matapos naming mag-order ay siya na ang nagbitbit ng pagkain namin papunta sa table.
Nang palapit na kami ay tumayo si Black at walang pasabing lumabas ng cafeteria.
"Problema no'n?" tanong ni Taira. Sina Sky at ang iba niyang kaklase ay sa kabilang table naupo pero matalim ang mga matang nakatitig sa amin.
"Hayaan mo na." sagot ko.
"Bakit hindi mo ipinagpatuloy ang pagiging Mr.World mo?" tanong ni Taira kay Alwyn na magiliw na kumakain ng mocha ice cream. "Sayang din. Ang daming tao na gustong makatayo sa kinatatayuan mo."
Napansin ko ang pagtaas ng dibdib nito bago magsalita.
"Kasi may mas importanteng bagay na dapat asikasuhin kaysa sa pagiging Mr.World," ngumiti ito sa akin. Naiilang ako kaya umiwas ako ng tingin.
"Talaga? Hindi ba importante sa iyo ang Mr.World?" hindi makapaniwalang tanong ni Taira. Kung sabagay, mas importante nga naman sa kanila na makapasok doon. Ang sabi nga ng iba, manalo lang sila, iyon na ang pinakamasaya sa buhay nila. Kahit sino naman.
"Mahalaga rin sa akin ang manalo para sa isang taong importante rin sa akin. Nakuha ko na ang title. Sapat na sa akin ang kahit ilang araw lang. May mas importante akong inaasikaso ngayon." mahabang wika nito.
"May inspirasyon ka pala para manalo." ani Taira.
"Oo naman. Pera." Sagot nito. "Malaki rin ang perang nakuha ko at higit sa lahat, karangalan."
"Kung sabagay, kahit ako ay magpupursige rin na manalo. Nando'n ka na kaya itodo mo na." Sang-ayon ko. Mahirap lang ako at inspirasyon ko ang mga taong nasa lugar namin. Nais kong mabigyan sila ng sapat na edukasyon at maayos na transportasyon kaso kailangan ko ng milyon para maipatupad ang pangarap kong iyon.
"Si Jigs sana ang naging pambato natin," malungkot na sabi ni Taira at pinagmasdana ang pagkain. Gusto ko siyang kausapin at damayan kaso bawal sabihin na kapatid ko si Jigs.
"Oo, magaling din naman si Jigs. Kaso hindi lang para sa kaniya ang karangalan." Sabat ni Alwyn na ikinalungkot namin pareho ni Taira.
"Ah..." tanging nasabi ni Taira.
Mabait naman si Alwyn kausapin. Ang totoo, hindi ka maiilang dahil jolly naman pala ito. Inihatid muna namin si Taira sa classroom nila pagkatapos naming kumain.
"Akala ko talaga, suplado ka." Sabi ko habang naglalakad kami. Tumawa ito pero mahina lang.
"Sa totoo lang, suplado talaga ako. Mapili rin ako sa kaibigan dahil alam mo na, hindi ko ugaling magtiwala sa iba."
"Kung ganoon, masuwerte pala ako dahil isa ako sa mga nakausap mo?" nakangiting sabi ko.
"Ewan ko lang. Kung na-a-appreciate mo ang pakipag-usap ko sa iyo, masuwerte ka nga."
"Oo na." Kunwari ay napipilitan ako.
"Nathalie? Puwede ko bang hingiin ang number mo?" tila nag-aalinlangang tanong nito.
Nagdadalawang isip pa ako pero sa huli ay nadala ako ng mga mata niyang tila tumatagos sa kaluluwa ko. Para akong nahihipnotismo sa tuwing magtitigan kami kaya hindi ko namalayang inaabot ko na pala ang cellphone niya at tinitipa ang cellphone number ko.
"NATHALIE!" Tawag ni Black habang papalapit sa amin. Kasama naman nito si Spencer. "Uuwi ka na ba? Sabay na tayo."
"Sige, Natty, aalis na ako." Kinuha ni Spencer ang cellphone na hawak ko pa rin. Pagtingin ko kay Black ay palihim na tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa kamay ko na may cellphone ni Alwyn. "Salamat pala sa number mo."
"Hi, Nathalie." Bati sa akin ni Spencer na nginitian ko.
"Hi," ganti ko.
"Pauwi na kayo? Sabay na kayong dalawa sa akin." Yaya niya. Ang amo pa ng mukha nito na tila isang tuta na nagpapacute.
"Huwag na. Uuwi na kami ni Black." Tanggi ko.
"Oo, uuwi na kami ni Nathalie." Pagsang-ayon ni Black. Akala ko, sasama pa ito kay Spencer dahil hahatakin ko talaga siya para huwag lang sasama.
"Nextime na lang." Nanghihinayang na wika nito. "Mauna na ako, Black." Paalam nito. Bastos din, kay Black lang nagpaalam.
"Uwi na tayo, Black?" tanong ko.
"Bakit? May pupuntahan ka pa? Baka gusto mo pang gumala? Alis na!"
"Tinataboy mo ba ako?"
"Hindi naman. Ayaw ko lang isama ang taong wala naman ang isip sa akin."
"Pinagsasabi mo?" hindi ko siya maintindihan. Akala ko, okay na kami. Tapos ngayon, parang balik nanaman siya sa pagiging suplado. Ang hirap pa naman nito pakisamahan dahil daig pa ang babaeng naglilihi o 'di kaya'y nagmemenopause.
"Wala. Sabihin mong ayaw mong sumama sa akin sa condo."
"Sasama na nga ako, 'di ba? Bakit ba ang suplado mo?" ayaw ko na talagang mag-aaway kami at balik sa dating parang aso't pusa lalo na't dalawa lang kami sa condo at hindi maiwasang may itatanong ako sa kaniya. Okay lang noong sa mansiyon dahil nandiyan sina Tito Skyler at Tita Kim. Minsan, nakikipag-usap din sa akin ang kambal.
"Hindi ako suplado. Nagtatanong lang ako ng maayos sa iyo dahil baka masama pa ang loob mo na niyaya kitang umuwi pero ang totoo, ayaw mo talaga."
"Ang dami mong satsat! Heto na nga, oh. Sasama na." Nauna na akong maglakad sa kaniya patungo sa parking area. Nakakabingi sa tainga!
Walang imik na nagmaneho ito kaya hindi na rin ako nagsalita. Mahirap na. Baka mamaya, masigawan niya ako. Kung anu-ano na ang ginagawa ko sa cellphone ko. May maglaro ng candy crush, diamond rush at kung anu-ano pa pero wala talaga. Ayaw talaga niyang magsalita.
"Magkakilala na pala kayo ni Spencer," pukaw ko pero mukhang wala pa ring epekto. Ilang minuto pa ang nakalipas nang sa wakas ay naisipan nitong magsalita.
"Pakialam mo? Hindi mo na tungkulin ang pakialaman ang personal na buhay ko!" Medyo tumaas ang boses niya kaya agad namang kumulo ang dugo ko. Walang hiyang bakla 'to! Malapit na yatang maubos ang pasensiya ko sa kaniya! Patawarin lang talaga ako ng mga magulang nito pero magigilitan ko na talaga siya ng leeg.
"Nagtatanong lang, galit na talaga?"
"Eh kasi, pakialamera ka!" Mabilis na ang pagpatakbo nito.
"So? Pakialamera na pala ang pagtatanong sa taong kasama ko sa bahay?"
"Personal na buhay ko na iyon. Hindi lahat ay himasukan mo na!" Nagsisigawan na kami. Ayaw ko rin namang magpatawad. Nasa mood akong makipag debate sa baklang ito.
"Ah, gano'n? So, kung ano ang mangyari sa iyo, huwag akong tatanungin ng pamilya mo!" Ako kasi ang tanungan ng pamilya niya. Kung nasaan na siya? O ano ang nangyayari na sa kaniya?
"Bakit ka nila tatanungin? Eh, mukhang ikaw pa ang dapat na alagaan ko!"
"Oo na lang, Black. Ikaw na ang malakas! Ikaw na ang lalaki!" Mapang-uyam na ngiti ko.
"Iniinsulto mo ba ako?"
"Wala namang nakakainsulto sa sinabi ko, BECKS!"
"So, iniinsulto mo nga ako?"
"May nakakainsulto ba sa sinabi ko?"
"Bakit? Wala ba?" balik-tanong ng loko saka inihimpil ang sasakyan
Nandito na pala kami sa condo building.
"Wala naman talaga. Tama naman ang sinasabi kong BAKLA ka!" Pagdidiin ko. Poker face na naman itong humarap sa akin. After ng ilang buwan, nagpakita na naman ito ng ganitong mukha.
"Talaga, NATHALIE?" bigla na naman itong ngumisi. "Bakla man ako, pero ito naman ang nakauna sa iyo!"
"Nakauna ka lang dahil GINAHASA mo ako!" Nirape talaga niya ako.
"Huwag kang mag-alala, sa susunod, ikaw na mismo ang magmamakaawang gagahasain kita!" Magsasalita na sana ako pero isang nakakabinging tunog na sanhi ng pagbagsak ng pinto ng sasakyan.
"Bakla na nga, bastos pa!" Bulong ko saka pabalyang isinara ang pinto matapos bumaba.
BINABASA MO ANG
Beki si Black
ChickLitIsa lang akong simpleng babae. Naging stalker ng isang lalaki at nagising na lang bigla na nasa isang condo unit na ako nakatira kasama ang lalaking kinamumuhian ako! Isa siya sa mga anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Guwapo, matalino, map...