3

1.6K 71 0
                                    


BEKI si BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 3

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko o mas tamang sabihin na hindi ako naniniwala. Si Jigs? Bakit niya nagawa iyon? Alam kong matindi ang pangangailangan niya sa pera pero hindi ko akalaing aabot pa sa ganito.
Dumiretso ako sa paaralan. Kailangan kong pumasok dahil may quiz. Bahala na! Hindi ko naman iyon ikababagsak. Gusto ko sanang mapag-isa pero likas na sa akin na inuuna ang pag-aaral kahit na may matinding problemang hinaharap.
"Uy, ang lalim yata ng iniisip mo?" nakasalubong ko si Aron na kasama ang kasintahan. Alam kong mahal niya ito pero pakialam ko sa lovelife nila? Tinanguan ko lang at pinauna sila. Magkaklase kami ni Julie kaya alam kong ihahatid niya ito.
Pagpasok ko sa classroom ay bumungad sa akin ang mapang-asar na mukha ni Sky.
"Hindi mo sinabi sa aming itatanan mo na si Nathalie?" poker face na tinitigan ko lang siya. Wala ako sa mood magsalita. Lumapit ako sa tabi ni Blue na mukhang walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Gusto ko sana siyang damayan pero hindi ngayon. May problema rin ako.
"Ang boring ng buhay! Walang kakulay-kulay ang pink at bughaw!" Ani Sky at lumapit na naman kay Taira na hindi rin siya pinapansin.
Triplets nga kaming maituring pero iba-iba naman kami ng personality. Si Sky ay happy go lucky at hindi ko alam kung ano ang trip nito sa buhay. Si Blue naman ay maloko rin naman kapag kasama si Sky pero dati pa iyon. Nag-iba na siya ngayon. Ako naman? Hindi ko alam kung ano ang ugali ko. Basta nagmahal ako ng kapwa lalaki.
"Black, practice tayo mamaya. May basket tayo next week. Sali tayo sa U-Week." Pangungulit na naman nitong si Sky.
"Ayokong sumali," mangungulit pa 'to, ibabalibag ko na talaga!
"Hindi puwede. Pinalista na kita dahil sabi ni Daddy, sumali raw tayong tatlo. Alam mo namang varsity sila nina Kevin at Kyler noon." Wala akong naintindihan sa sinabi niya kaya tumango na lang ako.
"Blue..."
"Puwede ba Sky, tumahimik ka!" Hindi na maipinta ang mukha ni Blue kaya tumahimik na ito. Minsan nakakapagtaka kung saan ito nagmana sa pagiging madaldal niya. Psh! Kay Daddy pala.
Matapos ang klase ay sumunod na lang ako sa dalawa kong kapatid. Dumaan muna kami sa locker room para magpalit ng damit. Pagpasok sa gym ay marami ang mga nagta-try out. Naupo ako sa isang tabi at kinuha ang cellphone. Napansin ko ang grupo ng mga kababaihan na pumapasok. Napatingin ako sa nasa unahan. Familiar sa akin ang mukha ng isang babae. Pinipilit kong maalala kung saan ko siya nakita.
"Wala ba silang pasok?" tanong ko sa sarili nang maalalang kaklase ito ni Nathalie kaya tinawagan ko siya.
Wala pa nga silang pasok kaya pinapunta ko siya rito. Ayaw pa sana nito dahil may gagawin pa raw pero pinatay ko na. Kapag hindi siya makapunta sa loob ng kinse minutos ay hahatakin ko na talaga siya sa kung saan man ito.
Isa-isa kong pinagmasdan ang lahat ng nasa harapan ko. Ang iba ay nakasando lang kaya siguro ang daming babaeng pumapasok. Psh! Bakit halos lahat, mahilig sa basketball player? Kung sabagay, kung naging babae rin ako, pipiliin ko rin ang nasa basketball field.
"Hi, may nakaupo ka ba rito?" napatingala ako sa lalaking nagsalita sa harap ko. Guwapo ito. Matangkad lang siguro sa akin ng isang pulgada at makinis ang mukha. Obviously, isa siya sa mga tinitingnan ng mga kababaihan dito sa court.
"Wala naman." Sagot ko.
"Maiwan ko muna ang gamit ko rito, 'tol." Wika niya saka inayos ang backpack sa tabi ko. Pinakiramdaman ko lang ang kilos niya. Lalaking lalaki pero may pilantik din ang mga daliri nito. Isang bisexual.
"Salamat. Babalikan ko na lang dito." Ngumiti siya sa akin kaya labas ang magkabilang dimples nito. Okay. Guwapo siya pero mas ma appeal sa akin si Jigs.
"EHEM!" Tumaas ang kilay ko nang mapansing nasa tagiliran ko na pala si Nathalie. "Pinapunta mo lang ako para ipakita sa akin ang pakipaglandian mo sa lalaki? My ghad!" naramdaman ko ang pagtagis ng aking mga bagang.
"Biro lang. Bakit mo ako pinapunta rito?"
"Wala. Bantayan mo ang mga gamit ko." tumayo ako at walang lingong pumunta sa mga kapatid ko. Marami pa ang katanungang hindi nasasagot sa mga nangyari. Gaya ng kung bakit pinatay ni Nathalie si Jigs. Sangkot din kaya siya sa illegal na druga? Haist!
Pina warm-up kami at pinapractice ng shooting ni Couch. Gustong magpahinga ng utak ko kaya ang katawan ko muna ang pinagalaw ko. Laro ako nang laro hanggang sa lumabas ang mga pawis ko. Ang tilian nila ay hindi ko na naririnig. Saka ko na napansin na puno na pala ng tao ang buong gym.
Lumapit ako kay Nathalie na nakaupo pa rin sa puwesto ko kanina at naglalaro yata siya ng iphone na ibinigay ni Daddy.
Kinuha ko ang towel sa tabi nito kaya napaayos ito ng upo at tumigil sa pagkalikot ng iphone.
"Ano'ng gagawin ko rito?" nagtatakang tanong nito nang iabot ko ang towel.
"Punasan mo ang pawis ko." utos ko.
"Nagbibiro ka ba?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Kailan pa ako nakipagbiruan?" nakipagtitigan pa talaga ito sa akin para malaman kung seryoso ba ako.
"Nangangalay ang kamay ko." Ayaw pa niya kunin ang inaabot ko. Ang dami nang tumitingin sa amin. "Anong klaseng girlfriend ka?" ang pagkakaalam ng iba lalo na ng mga kaklase niya ay magkasintahan na kami.
"Oo na!" Galit na hinablot nito ang towel at pabulong-bulong habang pinupunasan ang mukha ko..
"Sa likod ko pa," basa na ako sa pawis.
"May damit ka. Alangan naman maghubad ka."
"Ipasok mo ang kamay mo," natigilan ito. Tamad akong magsalitma kaya hindi ko siya pinansin.
"Kailangan ba talaga?"
"Kaysa magkapulmonya ako, 'di ba?"
Napilitan itong ipasok ang kanang kamay na may towel at pinunasan. Napansin kong marami na ang galit na nakatingin sa kaniya kaya lihim na napangiti ako. Hindi ko pa talaga alam kung ano ang gagawin ko sa babaeng ito o paano makaganti sa kaniya. Tumigil na ito sa ginagawa at naupo.
"Sa harapan ko pa," utos ko. Basa naman talaga ako ng pawis.
"Ikaw na."
"Ayaw mong gawin?" tiningnan ko siya ng masama kaya padabog na tumayo ito.
"Ipasok ko ang mga kamay ko?" naiilang na tanong niya.
"Hindi na kailangan," ani ko. Nanlaki ang mga mata nito nang hubarin ko ang jersey at humarap sa kaniya. Kahit ang mga nasa paligid ay napasinghap din. Firstime kong maghubad in public kaya ang mga mata nila lumaki bigla.
"Hinihintay mo?" nakatulala lang kasi ito sa dibdib ko. Ayan na naman ang mga mata ng babaeng ito.
Umangat ang mga kamay nito at pinahidan ang leeg ko. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay niya kahit na may towel pa.
"Shit!" Sambit niya nang mahulog ang tuwalya. Kukunin na sana nito ang mga kamay pero mabilis na napigilan ko.
"Use your bare hands, Natty." Utos ko at tinulungan siyang ibaba ang dalawa niyang kamay bilang pamunas ng pawis ko. Narinig ko ang pagsinghap ng iilan nang gumalaw pareho ang mga kamay namin pababa sa dibdib ko. Naninigas ang katawan niya at ilang beses siyang napalunok ng laway. Wrong move! Dahil sa malambot nitong mga kamay ay may kumawala na namang halimaw lalo na nang wala sa sariling pinisil niya ang isang ab ko kaya napaungol ako na kami pareho lang ang nakarinig. Palagi na lang ganito. Tumingala siya sa akin at umawang ang mga labi.
"Let's go home na. Pagod na ako." Yaya ko.
"M-May pasok pa ako mamayang hapon," nawala sa isip ko. Umaga pa lang pala.
"Gusto mo..." pambibitin ko at nag smirk sa kaniya. "Ikaw ang pasukan ko?"
Dinampot ko ang bag ko at walang pasabing hinila siya palabas ng court. Mabuti naman dahil kusa siyang sumunod sa akin.

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon