BEKI si BLACK ( U-Prince 1 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 14
"Sky, kamusta na kayo ni Taira?" tanong ni Blue habang nakaupo sila sa kanilang tambayan at nanonood sa kambal nilang pinsan na naglalaro ng sungka.
"Bakit ba palagi nyo na lang kaming kinakamusta? Okay lang ako at okay naman siya." Sagot ni Sky at tumayo para lumapit sa dalawang nagbabangayan.
"Ang daya mo talaga, Kean! Wala kang nailagay na bato sa isa. Paso ka."
"Ikaw ang madaya. Palibhasa talo ka!"
"Ayoko na!" Napipikong tumayo si Keana.
"Bakit ba ang hirap pakisamahan ng mga babae?" bulong ni Kean.
"I feel you, 'insan. I feel you!" sang-ayon ni Sky at pasalampak na naupo sa tabi nito. "Hindi talaga maiintindihan ang mga babae. Lalo na ang Rodriguez na iyon!'
"Iba ang problema mo, Sky. Iwan mo na kasi si Amanda at seryosohin mo si Taira." Suhestiyon ni Kean.
"Bakit ko seseryosohin e wala naman kaming relasyon. Isa pa, ilang beses na ba naming ipagsigawan na hindi namin mahal ang isa't isa."
"Ewan ko sa 'yo! Mabuti pa si Blue, kahit na sikat at pinagkakaguluhan ng mga fans, hanggang ngayon e tapat pa rin kay Avery."
"Huwag mo nga akong ipagaya kay Blue. Ayoko namang ganoon."
"E di si Black na lang. Loyal kay Nathalie." wala silang kaalam-alam sa pagkatao ng pinsan. Tanging ang pamilya lang nila at pamilya nina Taira ang nakakaalam.
"Oo na lang. Si Black na ang loyal." Tinatamad na sagot ni Sky. Napatayo siya bigla nang pumasok ang kababata.
"TAIRA!" Bati ni Sky.
"Maka Taira ka naman akala mo, ilang taon kayong hindi nagkita e kaklase mo naman siya," sabi ni Aron na kakapasok lang din. Kasama nito ang kasintahang si Julie.
"Bakit ba? E namimiss ko siya," sinundan niya ang dalaga sa kusina. Kahit na palangiti siya at palatawa, hindi alam ng mga ito na nalulungkot siya dahil hindi na niya iyon magagawa kasama si Taira. Dati rati, sabay pa silang nagku-kuwentuhan habang tumatawa.
"Aalis lang ako," paalam ni Black sa katabing si Blue.
"Saan ka pupunta? Sabay na tayo." Nababagot na rin siya sa tambayan. Huling araw na nila ito at summer na. Wala naman silang summer class kaya sasama sila sa mga magulang na bisitahin si Lyn.
"Kakain sa canteen. Ikaw?"
"Makipagkita sa manager ko. Titingnan ko kung ano ang next project after ng ginagawa naming teleserye," lahat ng atensiyon ay ibinuhos niya sa trabaho para pag-uwi sa bahay, matutulog na lang siya. Mahal ni Avery at hindi na niya alam kung saan hahagilapin ang kasintahan.
"Superstar ka na talaga, ah!" Proud na sabi ni Black habang nakabuntot sa kapatid palabas ng pinto.
"Hindi naman. Mas sisikat pa kayo kapag pumasok din kayo sa showbiz lalo na ang lokong si Sky," sagot niya. Si Sky ang tipo ng taong hindi talanted. As in hindi talaga pero nadadaan naman sa porma at pagiging maloko. Nakakairita ang ugali nito sa kapwa lalaki pero kapag sa mga babae, mas nakakalamang si Sky.
"Mauna na ako, Bro!" Paalam ni Blue saka dumiretso sa parking lot. Si Black naman ay dumiretso sa canteen at nag order ng makakakain.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya habang nakatitig sa cupcakes. Si Jigs. Mahilig iyon mag bake at parati siyang dinadalhan nang patago. Kahit noong sa condo ay magiliw siyang nanonood dito habang nabe-bake. Naalala pa niyang sinasabuyan siya ng arena noon at tuwang-tuwa naman siya. Likas na malambing ito kapag sila lang ang magkasama pero dahil sa magulong mundo na pinasok nito, biglang maglaho ang lahat. Kung sinabi lang nito ang problema sa pera, sana at nakatulong pa siya pero kilala rin niya si Jigs. Hindi iyon ng tipo ng taong lahat at iasa sa kaniya. Ayaw nga nitong tumanggap ng kahit na isang piso sa kaniya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo." isang lalaking lalaki na boses ni Spencer. "Can i join you?" hinila nito ang isang silya at naupo sa harapan niya.
"How can i resist if nakaupo ka na bago pa ako pumayag?" gusto sana niyang mapag-isa pero heto ang lalaki, sinasamahan siya.
"Pasensiya ka na. Wala talagang makakaresist sa akin," puno ng pagmamalaking sagot nito. "Wala na kasing mauupuan." Hindi na nagsalita si Black kaya natahimik na rin ito at kumain ng palabok.
Nang hindi makatiis sa katahimikan ay nagsalita si Black. "Transferee ka, 'di ba?"
"Nagresearch ka?" isang nakakalokong ngiti ang ibinigay nito kay Black pero dinedma lang ng binata.
"Kaklase mo sina Aron at hindi kita nakita noong first semester."
"Yupz. Galing ako sa Arellano Universtiy. Lumipat lang ako ngayong second sem." Nang mapasulyap si Black sa mukha nito ay may bahid ng lungkot sa mga mata ng kaharap. Nahalata nitong may nais siyang itanong kaya ito na mismo ang nagkuwento pero halos pabulong dahil natatakot na baka may makarinig.
"Alam mo naman siguro na isa akong bi. May naging kasintahan akong bakla. Nakipagkalas ako dahil well..." medyo nag-alinlangan ito sa sasabihin pero ipinagpatuloy ang pagku-kuwento. "Nainlove ako sa isang babae. Maganda ito. Matalino. Mabait. Mahinhin pero hindi ko inaasahang bestfriend pala ito ng baklang kasintahan ko at gusto lang na maghigante sa akin kaya ayun, kung anu-ano ang ipinagkalat nila tungkol sa akin at kung ano na ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko dahil isa raw akong closet queen. Natatakot akong makarating ito sa parents ko dahil alam kong itatakwil ako ni Dad kapag makarating sa kanila. Alam mo na, isang mataas na opisyal ng pulis ang aking ama ." Aaminin ni Black, naaawa siya rito dahil kahit paano, makakarelate siya. Iyon din ang kinatatakutan niya noon. Laking pasalamat na lang niya dahil hindi siya isinumpa ng pamilya lalo na ng ama. Alam niyang umaasa pa rin si Skyler na maging lalaki siya at iyon na nga, masaya ito dahil ibinahay na niya si Nathalie.
"Bakit mo sinabi ang lahat ng ito sa akin?" mahinang tanong ni Black.
"Ewan ko. Siguro dahil kampante ako kapag ikaw ang kasama ko? Sa totoo lang, magaan ang loob ko sa iyo," patanong na sagot ni Spencer.
"Paano kung ipagkalat ko rin ang buhay mo?" gusto niyang subukan si Spencer.
"Hindi mo iyon gagawin." Siguradong sagot ng kaharap.
"At paano mo nasabi?"
"Dahil isa kang Villafuerte. May iniiangatang pangalan at higit sa lahat, edukado. Hindi mo sasayangin ang buhay mo sa pagpakalat ng sikreto ng ibang tao."
"Nandito ka pala, Black?" napalingon siya nang magsalita si Taira. Kasama nito si Nathalie.
"Oo."
"Ah, sino siya? Friend mo?" tanong ni Taira habang nakanguso kay Spencer. Napatingin si Black sa binata na nginitian ang dalawang babaeng kaharap.
"O-Oo." Sagot ng binata.
"Ah, ako pala si Taira. Ito naman si Nathalie. Kasintahan ni Black," pagpakilala ni Taira.
"Hi, pleased to meet you." Magiliw na bati ni Spencer at tumayo para makipaghandshake sa dalawang babae.
"Maiwan muna namin kayo. Bibili lang kami ni Natty ng makakakain." Paalam ni Taira at hinila si Nathalie.
"Salamat pala," wika ni Spencer.
"Salamat saan?"
"Kasi friends na tayo."
"Psh! Alangan naman sabihin kong hindi tayo magkaibigan e nandito ka sa mesang para lang sa amin dapat." ngumiti si Spencer at tumayo.
"Salamat pa rin. Umaasa ako na sana mas makilala pa kita ng maigi, Black." Puno ng pag-asa ang mga mata nito.
"Ang ganda pala ng kasintahan mo." Ngayon lang niya nalamang may kasintahan na pala si Black.
Pareho silang napatingin kay Nathalie na nakapila sa counter kasama si Taira.
"Maganda naman talaga si Nathalie." Pagsang-ayon ni Black at sumalubong ang kilay nang makitang kinakausap nito si Alwyn na kakarating lang at nakipila rin.

BINABASA MO ANG
Beki si Black
Literatura FemininaIsa lang akong simpleng babae. Naging stalker ng isang lalaki at nagising na lang bigla na nasa isang condo unit na ako nakatira kasama ang lalaking kinamumuhian ako! Isa siya sa mga anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Guwapo, matalino, map...