BEKI si BLACK ( U-Prince 1 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 20
[Black Pov]
"Nakakainis!" Sambit ko habang naglalakad. Na flat ang gulong ko sa unahan at medyo malayo pa ang talyer. Kanina pa ako nag-aabang ng taxi pero mga may sakay naman ang dumadaan. Sana ang ducati ko na lang ang dinala ko. Alas sais pa lang nang umalis ako kanina sa condo dahil naiini ako kay Nathalie! Nakita ko kasi sila ni Alwyn na iyon sa tree park kahapon. Sinundan ko siya dahil alam ko naman na walang naka gets sa tinutukoy niyang "isusubo" pero napahiya pa rin siya pero pagdating ko, tumatawa pa kasama si Alwyn at ayaw ko talaga sa lalaking iyon!
"Bakit naglalakad ka?" hindi ko namalayang may kotse pala na tumigil sa tabi ko at pagbukas ng bintana ay si Spencer.
"Na flat ang gulong ko kaya sa kabilang kanto na ako sasakay." Sagot ko at ipinagpatuloy ang paglalakad. Wala talaga akong balak na makipag-usap kahit kanino. Kasalanan talaga 'to ni Nathalie!
"Sakay na." Nakasunod siya pero mahina lang ang pagmaneho para sabayan ako.
"Huwag na..."
"C'mon, masyadong delekado ang panahon ngayon at malayo pa ang kanto." Makahulugang sabi nito kaya natigilan ako. Oo nga pala, minsan nang may tumangka sa buhay ko. Iilan lang ang taong naglalakad kaya sumakay na ako. Wala naman sigurong masama.
"Saan ka galing?" tanong ko dahil mukhang pagod pa ito.
"Sa Romblon."
Lumingon ako. May isang malaking aquarium sa likod ng sasakyan.
"Ano 'yan?" tanong ko sa kulay orange na sea creature na hindi ko maintindihan kung isda ba o buwaya o shrimp. Combination yata ng tatlo dahil ang buntot nito ay mahaba at matulis kagaya ng buwaya at ang ulo ay parang nasa isang hipon at may palikpik kagaya ng sa isda. Pero mas kamukha pala niya ang scorpion. Ewan! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong lamang dagat.
"Ah, 'yan ba? Armored sea robin," sagot niya at humarap sa dinadaanan namin.
"Kinakain 'yan?" tanong ko. Medyo malaki na kasi ito.
"Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay isda sila na nakikita sa pinakailalim ng dagat." Sagot nito. Pinagmasdan ko muli ang isda. Nakakamangha dahil first time ko itong makita.
"Ano ang gagawin mo diyan?" lima ang nasa loob ng aquarium.
"I-export namin sa ibang bansa. Hindi ko alam kina Daddy," sagot niya at iniliko ang sasakyan.
"Gano'n ba? Nag-e-export pala kayo ng mga isda?"
"Yupz. Ngayon lang namin nakuha ang permit para sa isdang ito." Sagot niya. Mahirap din kasing magpalabas ng mga ganito sa ibang bansa.
"Ano pa ang mga ini export ninyo?"
"Buwaya." Sagot niya. "May crocodile farm kami sa Zamboanga at kapag lumaki na sila, pinapadala namin sa ibang bansa like France and China. Isa na kami ngayon sa mga suppliers ng lacoste brand," sagot nito. Bigatin din pala sina Spencer.
"Ano ang pinapakain ninyo sa crocodile?" curious na tanong ko.
"Fish." Sagot niya. "We're here." Nandito na pala kami sa school. Hindi ko namalayan dahil sa isdang nasa likuran niya.
"Salamat..." tinanggal ko ang seat belt.
"Pasensya ka na. Hindi kita maihatid sa loob. Dadalhin ko pa ito sa lab," sagot nito.
"Wala iyon. Wala ka bang pasok?" tanong ko.
"Mamayang hapon pa." Sagot nito.
Bumaba na ako at dumiretso sa tambayan. As usual, ang iingay ng mga kapatid ko.
"BLACK!" Bati na naman ni Sky. Ang aga rin nila. Mamayang alas nuwebe pa ang pasok namin. Itong si Blue ay kakagaling lang sa trabaho dahil mukhang inaantok pa. Nagtext ito kagabi na nasa shooting siya.
"Sige na. Sagutin niyo na kasi ang tanong ko," pangungulit ni Sky kina Keana at Kean. Sina Taira at Aron ay tahimik na nanonood ng tv.
"Mangga." Sagot ni Aron.
"Mali nga." Sagot ni Sky.
"Mahogany." Sagot ni Kean.
"Mali rin."
"Ano nga ulit ang tanong mo?" nakasalubong ang kilay na tanong ni Taira.
"Maisang puno, ano ang bunga?" tanong ni Sky.
"Ano ba ang sagot?" nalilitong sambit ni Keana. "May isang puno, ano ang bunga?" bulong nito na tila nag-iisip.
"Oo nga! Ang hirap ng tanong mo, Sky! Ano ba 'yan! May isang puno ano ang bunga?" reklamo ni Kean.
"Hala, ang dali kaya. Maisang puno, ano ang bunga? Kahit grade one, alam ang sagot." Nakangising sagot ni Sky.
"Ano na ang sagot?" napipikong tanong ni Aron.
"Mag-isip kayo--ouch!" Reklamo niya nang dumapo ang doll shoes ni Taira sa dibdib.
"Sasagutin mo, o lilipad ang kapares niyang sapatos ko?" galit na sabi ni Taira.
"Oo na. Psh! Ayaw kasi mag-isip. E di, mais." Sagot ni Sky.
"Paano naging mais?" tanong ni Taira.
"MAIS ang puno, ano ang bunga? E di, mais!" Sagot ni Sky.
"Anong mais? Ang tanong mo, may isang puno, ano ang bunga?" sagot ni Keana.
"Wala akong sinabing may isang puno..."
"Ilang beses naming sambitin na may isang puno..." sabat ni Aron.
"Pero hindi ako nagsagot na oo. Ang sabi ko lang, maisang puno, ano ang bunga?" depensa ni Sky. Hindi ko sila maintindihan.
"Ang daya mo. Kaya pala sa tuwing sambitin namin ang may isang puno, hindi ka umu-oo." Nakalabing sabat ni Kean.
"Isa pa, Sky." excited na sabi ni Keana.
"Ayoko na. Ang BOBO ninyo!"Ani Sky.
"Maka Bobo ka, wakas a. Ayusin mo kasi ang tanong mo!" Sabat ni Taira.
"May itatanong ako sa inyo." Lahat sila ay nakatingin sa akin. "Sana masagot ninyo."
"Sige, Black. Ano iyon?" interesadong sagot ni Keana. Hindi ako mahilig sa ganito pero kailangan kong makipagsapalaran.
"Isang araw, tumawid ang batang babae sa kalsada. Hindi niya namalayan ang paparating na sasakyan kaya nasagasaan siya. Dinala siya ng driver sa hospital. Tatlong araw na na comatose ang bata at habang tulog siya, inaalagaan siya ng maigi ng nurse na nakabantay sa kaniya. Ito ang nagpapalit ng dextrose at damit niya araw-araw. As in asikasong asikaso niya ang bata. Pangatlong araw, nagmulat ito ng mga mata. Nakita niya ang nurse na nag-alaga sa kaniya. Nagulat ang doctor nang magsalita ang bata.
"N-Nay," sambit ng bata na nakatingala sa nurse. Sumagot ang nurse. "Bakit mo ako tinawag na nanay e hindi mo naman ako nanay?" lahat ng nasa room na iyon ay napakunot ang noo sa sinabi ng bata. Tanong: Kaano-ano ng bata ang nurse?" mahabang pagku-kuwento ko. Natahimik silang lahat. Kung anu-ano ang mga sagot nila. Hindi naman ako makasagot kung tama ba o mali ang mga sagot.
"Ano na ang sagot, Black?" tanong Blue na mukhang nagising sa tanong ko.
"Malay ko. Hindi ko rin alam." Pagtatapat ko.
"Buwesit! Tatanong-tanong ka tapos hindi mo rin pala alam, 'insan?" reklamo ni Keana.
"Wala kang kuwenta, Black!" Napipikong sabat ni Sky.
"Eh ano ang magagawa ko? Hindi ko rin alam ang sagot." Binigyan ko siya ng bored look.
Flashback...
"Bakit mo kasama si Alwyn kanina?" tanong ko nang dumating ito.
"Wala ka na roon. Umalis ka nga sa daraanan ko!"
"Ayoko! Layuan mo si Alwyn!" Utos ko. Masama talaga ang kutob ko sa lalaking iyon pero sa hitsura ni Nathalie, mukhang ayaw nitong maniwala sa akin.
"Bakit ko lalayuan ang taong mabait sa akin?"
"Lahat ng taong mabait ay may tinatago! Layuan mo na siya!"
"Ayoko!" Todo tanggi niya kaya ang sarap mag wild.
"Ang tigas ng ulo mo!" Reklamo ko. Ayaw ko lang talaga siyang mapahamak. Sinundan ko siya sa kuwarto niya.
"Bakit pumasok ka rin? Labas!" Utos nito sabay turo ng pintuan.
"Ayoko! May utang ka pa sa akin."
"Utang na ano?" inosenteng tanong nito kaya napikon ako.
"Basta utang mo. Ang pinagkasunduan natin sa canteen kanina."
"Ah, iyong isubo ko?"
"May iba pa ba?" Damn! Bigla akong na excite. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang init ng bibig niya. Gusto ko na talagang magpatingin sa doctor kwak kwak dahil mukhang namaligno ako.
"Gusto mo talaga?" lumapit siya sa akin. Nang-aakit pa ang mga mata. Fuck! Lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan ang sinturon tapos binuksan ang zipper.
"P-Please..." huli na nang namalayan kong nakiusap na ako. Tumayo ito at ngumisi.
"Kapag masagot mo ang bugtong ko. Isang sagot lang. Kapag mali, sampung taon kong hindi isusubo 'yang alaga mo." Shit! Gusto kong magprotesta. Sinabi niya ang palaisipan niya at napangiti nang mapansing hindi ko alam ang sagot.
"Hanggang bukas. Nine p.m. Isang sagot lang at kapag mali, alam mo na." ngiting tagumpay ang pinakawalan niya.
"Masasagot ko iyon!" Sabat ko. Isang hula lang pala.
-------------End of Flashback--------
"Ako naman ang magtatanong, Black." Kinalabit pa talaga ako nitong si Sky.
"Bahala ka!"
"Sige, nagdadrive ang negro ng itim na kotse. Sira ang ilaw ng kaniyang sasakyan at patay din ang ilaw sa mga poste. Bigla itong nagpreno nang makita niya ang nakatutulog na itim na aso sa gitna ng kalsada na nasa tapat ng bahay na may itim na pintura. Tanong: Paano niya nalaman na may itim na asong natutulog sa gitna." Hindi ko alam kung saan nito kinukuha ang mga tanong at kung anong masamang ispiritu ang pumasok sa katawan niya.
"Tumayo ang aso," sagot ni Keana na mukhang sigurado sa sagot.
"Paano makatayo e nagpreno nga siya pero tulog pa rin ang aso? Tanga!" Sagot ni Sky.
"E di, pinailawan niya," sagot ni Kean.
"Patay nga ang ilaw ng sasakyan." Sabat ni Sky.
"E di, flash light ng cellphone niya." Sagot ni Blue.
"Wala siyang cellphone," poker face na sagot niya. Ang mga nasa harapan ko ay nag-iisip din ng sagot.
"Ano ang sagot, 'insan?" malambing na tanong ni Keana dahil nahihirapan sa sagot.
"Mag-isip kayo."
"Ayokong mag-isip!" Sabat ni Taira.
"Sirit na." Sagot ni Aron na wala namang naisagot.
"Ikaw, Black?" baling ni Sky pero tinaasan ko lang ng kilay.
"Sabihin mo na ang sagot, Sky! May pasok na tayo." Naiinip na utos ni Taira saka hinubad ang kanang sapatos.
"Oo na. Psh! E di, nakita niya. Ano siya, bulag?" sagot ni Sky kaya natahimik silang lahat.
"Paano niya nakita eh madilim? Tanga!" Sagot ni Taira.
"Makatanga ka naman sa akin. Ito lang ang tanga na nagpakatanga sa iyo," pasaring ni Sky kaya tumahimik si Taira. "Biro lang, Tai-Tai. Alam mo namang mahal talaga kita." Bawi niya.
"Wala naman akong sinabing madilim ang paligid. Nakita niya dahil tanghaling tapat naman talaga, hindi gabi kaya nga patay ang ilaw ng mga poste, eh." Sagot ni Sky. "Simpleng tanong, hindi ninyo masagot?" pagmamalaki nito.
"Ikaw na matalino!" Sabat ni Keana.
"Nag-iisip kasi kayo ng sobra. Chill! Easy lang. Huwag masyadong mag-isip ng malalim. Minsan, nasa kuwento lang naman ang kasagutan. Sabihin na lang nating madali lang ang sagot pero pinapaikot lang kayo ng mga nagtatanong. Kapag palaisipan, umasa kang may butas sa bawat kuwento." Feeling expert na sabi nito. Napaisip ako sa sinabi niya at muling binalikan ang palaisipang ibinigay sa akin ni Nathalie.
"I think, alam ko na ang isasagot kay Nathalie mamayang gabi!" Bulong ko.
BINABASA MO ANG
Beki si Black
ChickLitIsa lang akong simpleng babae. Naging stalker ng isang lalaki at nagising na lang bigla na nasa isang condo unit na ako nakatira kasama ang lalaking kinamumuhian ako! Isa siya sa mga anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Guwapo, matalino, map...