8

1.5K 58 0
                                    



BEKI si BLACK ( U-Prince 1 )

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

"Aalis muna ako," paalam ko kay Nathalie na nakaupo sa sala at magiliw na nanonood ng tv.
"Saan ka pupunta?"
"Trabaho mo bang alamin ang bawat kilos ko?" balik-tanong ko kaya napaaimangot siya.
"Sorry." napuna kong nakalipstick ito at nakapantalon.
"May pupuntahan ka ba?"
"Wala naman. Dito lang sa bahay mo. Bakit?"
"Naka lipstick ka kasi. Mukhang may lakad ka," sagot ko.
"Diyan lang sa labas. Tinry ko lang ang bago kong biling lipstick. Maganda ba?" tanong niya.
"Oo, kagaya mo. Maganda." Tumayo ito at ang tamis ng ngiti.
"Talaga? Salamat!" Parang batang wika nito.
"Maganda nga pero mumurahin." wika ko kaya mabilis na napalis ang mga ngiti nito at nagpout.
"At least, maganda!"
"Huwag ambisyosa!" Humarap ako sa kaniya at seryosong nagtanong, "Bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako pinapatay, Nathalie?" alam kong nabigla ito pero itinago niya bigla.
"Bakit? Gusto mo na bang mamatay?" seryosong sagot niya saka naupo ulit sa couch pero ang mga mata ay nakatutok sa akin.
"Papatayin mo na ba ako?" ngumisi ako. Ilang linggo nang may kasama akong kriminal sa unit na ito. Sa condo na kung saan pinaghirapan namin ng lalaking minahal ko na pinatay lang niya na parang baboy.
"Bakit? Masamang tao ka ba?"
"Eh si Jigs, ganoon na ba siya kasama para walang habas mong pinatay?" natahimik siya at umiwas ng tingin.
"Umalis ka na. Baka late ka na sa pupuntahan mo," ayan na naman siya. Kapag si Jigs ang pag-uusapan, umiiwas siya.
"Isang tanong, Nathalie. Matagal na ba kayong magkakilala ni Jigs?" hindi pa rin siya sumasagot. Napapaisip kung sasagutin ba niya ako o hindi pero umaasa ako na sana ay kahit ito man lang, sagutin niya. Tumalikod na ako. Walang pag-asang magsalita ito.
"Oo. Matagal na kaming magkakilala," mahinang sagot niya. Naikuyom ko ang kamao bago tuluyang lumabas. Shit! Bakit hindi ko alam o wala man lang sinabi sa akin si Jigs tungkol sa kaniya? Hindi kaya... Damn, 'wag naman sanang tama ang hinala ko. Huwag naman sana dahil mukhang hindi ko matatanggap!
Sa isang fastfood ako dumiretso sa Ayala. Nang dumating ako ay nandito na naghihintay ang tatagpuin ko.
"Maupo ka," ani ko nang tumayo ito pagkakita sa akin. "Kamusta ang pinapagawa ko?"
"Ito na po, Sir." May iniabot siya sa aking brown envelope. Agad ko namang binuksan ito at bumulaga sa akin ang blurd na mga litrato.
"Galing po iyan sa cctv ng condo ni Sir Jigs." Saad niya habang nanginginig ang mga kamay na iniisa-isa ko ang mga litrato. Si Nathalie. May mga petsa kung kailan siya nakita sa unit ni Jigs at matagal na ito. Noong hindi ko pa siya kilala. Ibig sabihin, si Jigs nga talaga ang iniistalk niya. Napakunot ang noo ko nang sumunod ay mukhang nag-uusap na sila. Mas lalong naningkit ang mga mata ko nang makitang nakayakap si Jigs sa kaniya at ang hindi ko na makaya ay humahalik si Jigs sa pisngi nito sa parking lot.
"B-Bayaran mo na lang ang mga inorder mo. May pupuntahan pa ako," dinukot ko ang wallet sa bulsa at inilapag sa mesa ang dalawang libo. "Check mo na lang ang bank account mo para sa bayad ng investigation mo."
Dali-dali kong linisan ang lugar at nagdrive ng ducati. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na kung saan ako dadalhin nitong sarili kong wala sa katinuan.
[Nathalie Pov]
Mabuti naman dahil nakaalis na si Black. Alam kong pasimple lang itong nagtatanong tungkol kay Jigs. Darating ang araw, matutuklasan din niya ang lahat tungkol sa amin ni Jigs.
Saan kaya siya pupunta? Kinuha ko ang duplicate ng susi sa kuwarto. Kailangan kong magreport sa boss ko at tanungin kung may balita na tungkol sa kaso ni Jigs na hawak ng mga NBI.
"Waaah!" napaatras ako nang pagbukas ko ng pinto ay nagkagulatan pa kami ni Lee Patrick.
"Magdo-door bell na po sana ako, ate, kaso binuksan mo rin pala ang pinto." nakangiting wika nito.
Kung hindi lang 'to guwapo, baka nasapak ko dahil sa pagkabigla. Akala ko, mga kalaban na.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Nandito rin po ang condo ni L.L kaya dinaanan ko na lang muna si Kuya Black kasi pinapatawag siya ni Daddy." Oo nga pala. Pagmamay-ari nila itong condo building.
"Wala si Black, eh. Kakaalis lang. Hayaan mo, ipaalam ko sa kaniya kapag dumating na." gumanti ako ng ngiti sa kaniya. Ngayon pa lang, binata na sila kung tingnan kaya hindi impossibleng maraming babaeng paiiyakin ang mga ito. Kung sabagay, ang ganda at guwapo ng mga magulang nila. Nakita ko na ang mag-asawang Lacson minsan nang dumalaw sila sa mansion ng mga Villafuerte.
"Huwag na. Ite-text ko na lang ho. May pupuntahan ka, Ate Nathalie?"
"Oo," tipid na sagot ko.
"Sige ho. Ate?" tumingin ako sa kaniya.
"Hmmm?"
"Ang ganda mo po," namula siya at mabilis na umalis sa harapan ko. Mukhang tama ako. Bolero nga ang mga ito. Naalala ko ang anak nina Sir Jim. Sino kaya sa kanila ang gusto nito sa quadruplets? Nawala sa isip ko.
Naglakad ako patungo sa elevator. Kailangan kong makauwi kaagad dahil mapapatay ako ni Black kapag wala pa ako rito kapag dumating na siya.
Pagdating ko sa pupuntahan ay nasa desk si Sir Jigs kasama ang kaibigan nitong si Cedrick.
"Mag-ingat ka, Nathalie. Alam mo bang may kumuha ng copy ng cctv sa condo ni Jigs?" pagbalita ni Sir Cedrick. Alam kong si Black ang tinutukoy nito.
"Sino po?" kunwari ay wala akong alam.
"Hindi pa namin alam since magaling ang isang NBI na nagpalabas ng impormasyon. Lahat sila nasa ilalim na ng investigation." sabat ni Sir Jim.
"Alamin mo kung sino, Nathalie." utos ni Sir Jim.
"P-Pero, hindi ko ho alam kung paano dahil mahigpit ang mga NBI." Sagot ko. Paano ko aalamin ang bagay na matagal ko nang alam?
"Gamitin mo ang ganda mo."nakangising wika ni Sir Cedrick. "Alam mo naman sigurong puwedeng ikapahamak mo ang nilalaman ng cctv?"
"Sisikapin ko po..." para wala nang mahabang usapan. Isa pa, baka ipasa nila sa iba ang trabaho. Mahirap na.
"At kapag malaman mo lung sino man ang nagcopy, alam mo na ang dapat gawin..." makahulugang wika ni Sir Cedrick.
"Ang ibig niyang sabihin, ipaalam mo sa amin kapag malaman mo na dahil alam mo na, mahirap kung maunahan tayo ng iba." Napatingin ako kay Sir Jim. Seryoso ang mukha nito. Tama siya. Hindi biro ang sitwasyon.
"Sige po," nagreport lang ako tungkol sa mga estudyanteng pinababantayan nila sa loob ng Westbridge University campus.
Nagmamadaling umuwi ako. Mabuti na lang dahil pagdating ko ay wala pa si Black.
Nagluto ako ng pritong isda. Alas siyete na ng gabi pero wala pa ito. Tiningnan ko ang cellphone ko pero walang tawag o text galing sa kaniya.
Tinawagan ko siya pero ring lang nang ring kaya tinext ko na lang na lalabas ako at pupunta sa amusement park na malapit lang sa condo. Tutal, maaga pa naman.
Marami ang naglalarong mga kabataan. Nang makita kong umalis ang batang naglalaro sa swing ay lumapit ako at naupo. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Hindi lahat ng mga bata ay kasing suwerte nila na makaranas ng ganito kasaya sa buhay. Na buo ang pamilya.
Hindi ko namalayan ang oras. Maghahating gabi na pala at pasarado na ang gate. Masyado akong nawili sa pagmuni-muni at pagbalik-tanaw sa nakaraan. Ngumiti ako nang maalala ang taong mahalaga sa akin--si Jigs. Mahal niya. Nakikita at nararamdaman ko kaso hindi namin puwedeng maisapubliko ang relasyon namin dahil sa sitwasyon. Ang sabi niya, dalawang tao na lang ang mahalaga sa kaniya. Ako at si Black. Girlfriend man niya noon si Taira pero kami lang ni Black ang nasa puso niya.
Hindi ako nakikipag kumpitensya kay Black dahil naiintindihan ko sila. Bisexual sila. Wala akong karapatang kontrahin ang pagmamahalan na mayroon sila. Sapat na sa akin na hindi ako nakalimutan ni Jigs at sa kahuli-hulihan ng kaniyang hininga, ako pa rin ang kaniyang nakikita.
Napatingala ako sa may-ari ng dalawang paa na tumigil sa harapan ko.
"B-Black..."
Seryoso ang mukha niya at mukhang nakainom dahil nakakaamoy ako ng alak.
"A-Ano 'to?" nagtatakang tanong ko nang itinapon niya sa mukha ko ang mga pictures na nagsiliparan na ng hangin.
"Ako ang dapat magtanong sa iyo ng ganiyan. Ano ang mga iyan?" halos pabulong na tanong niya pero halatang pinipigilan ang damdamin. "Ano ang ibig sabihin ng mga iyan?"
Yumuko at pinulot ang isang larawan. Nabitawan ko nang makitang hinahalikan ako sa pisngi ni Jigs.
"SUMAGOT KA!" Sigaw nito kaya napalunok ako ng laway. Mabuti na lang dahil kami na lang ang natitira rito.
"M-MAY RELASYON BA KAYO NI JIGS? KUNG MAYROON, BAKIT MO SIYA PINATAY?" Sinipa niya ang gilid ng swing. Pumikit ako upang kumuha ng lakas ng loob para sagutin ang mga paratang niya.
"Oo. May relasyon kami." Sagot ko at umiwas ng tingin.
"Mahal mo siya?" blangko na naman ang guhit ng kaniyang mga mata.
"O-Oo." Buong tapang na sagot ko.
"Kung mahal mo siya, bakit?" nakatayo lang siya sa harapan ko at alam kong naghahanap ng kasagutan.
"Bakit mo siya pinatay, NATHALIE?"
"D-Dahil..." ano ba ang isasagot ko? Aaminin ko ba sa kaniya ang totoo?
"DAHIL ANO?" napapitlag ako nang sumigaw na naman ito.
"Dahil..." napalunok ako ng laway.
"Dahil mahal ka niya. D-Dahil ikaw ang pinili niya at hindi ako!" Sagot ko. Natulala siya. Mayamaya ay biglang namula ang buong mukha at naging kulay kadiliman ang mga mata at sapilitang pinatayo ako.
"Gusto mong malaman kung bakit minahal at pinili ako ni Jigs?" hinila niya ako pabalik sa condo. Alam ko, this time, hindi na ako makakatakas sa galit ni Black!

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon