5

2K 62 0
                                    



BEKI SI BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  5

Unedited...
"Saan ka galing?" bungad niya nang pumasok ako.
"S-Sa labas lang. K-Kumain ng merienda," nauutal na sagot ko. Andito na naman ang tiger look niya na ano mang oras ay sasakmalin ako.
"Wala ba tayong merienda at sa labas ka pa kakain?"
"Mas gusto kong kumain sa labas."
"Bakit hindi ka nagpaalam?"
"H-Huh? Tulog ka pa kasi kanina," umaasa talaga na sana ay tanggapin niya ang palusot ko. Nakatitig lang siya sa mukha ko kaya mas lalo akong kinabahan.
"Magluto ka na ng dinner ko. Nagugutom na ako," utos niya sa akin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Mukhang kakagising lang nito kaya hindi niya napansing kanina pa ako umalis.
"Sige. Ano ang gusto mong ulam?" tanong ko. Sasarapan ko ang luto nang makabawi man lang sa baklang ito.
"Ikaw..." seryosong sagot nito.
"Ako ang iulam mo?" tanong ko.
"Puwede?" lumapit ito sa akin kaya napaatras ako. Andiyan na naman si Bakla. Nanunukso na naman sa akin. Bakit ba mahilig siyang mang-asar?
"Ouch!" reklamo ko nang tampalin niya ang noo ko. Ang sakit nun ha!
"Ikaw, ano ang gusto mong ulam?" pagtatama niya. "Ang dumi ng mga iniisip mo! Gusto mo ba talagang ikama kita? O namimiss mo na ang kainin?" nakakasuya ang mga titig niya na tila diring diri sa akin.
"Ayusin mo kasi ang sinasabi mo!"
"Ayusin mo rin kasi 'yang maruming utak mo! Puro kasi kamanyakan ang nasa isip mo!" Ayan na naman. Nagtatalo na naman kaming dalawa. Nakakastress!
"Oo na. Chicken nuggets na lang ang iluluto ko," sagot ko. Mabuti naman dahil hindi na ito nakipagtalo pa. Binuksan nito ang tv at nanood sa sala. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang makitang si Blue ang nasa tv ad.
"Pagkatapos mong magluto, bibili tayo ng groceries." Wika niya.
"Gabi na 'yon, 'di ba?"
"Wala namang nagsabing umaga, hindi ba?" balik-tanong niya. Iba talaga kapag bakla ang kausap mo. Palaging nambabara.
"I mean, baka sarado na."
"Hanggang alas diyes bukas ang mall at maniwala ka sa akin, sasakay tayo kaya makakaabot tayo bago mag closing. At maniwala ka ulit sa akin, mag-a-alas singko pa lang kaya bago alas siyete, nasa mall na tayo. Puwera na lang kung balak mong ilaga ang chicken nuggets at gawing tinola," itinikom ko na ang bibig ko. Talagang mahirap makipagtalo sa mga matatalinong bakla dahil likas sa kanila ang mambara.
Matapos kong iprito ang nuggets, nagbihis na ako. Iinit ko na lang mamaya pagbalik namin kasama ang kanin. Hindi na ako nagsaing dahil marami pa naman ang natira sa sinaing ko kanina. Naka sweater ito at shorts tapos tsinelas lang. Kahit ganito ang bihis niya, magaling pa rin magdala. Kahit naman yata basahan ang ipasuot sa kaniya, guwapo pa rin siya tingnan.
"Umalis na nga tayo! Baka mamaya, hubaran mo na ako sa isip mo!" Pagsisinuplado nito. Ayan na naman siya. Sinusumpong na naman ng pagkasinuplado.
"Bakit ba ang suplado mo sa akin, Becks?" tanong ko habang nasa elevator kami. Walang ibang sakay kundi kami lang.
"Dahil nireregla ako," wala sa mood na sagot nito kaya napangiti ako. Hindi ko talaga akalaing ito ang sagot niya. Si Black ba ito? "Masaya ka na niyan?"
"Sorry. Hindi ko lang mapigilang ngumiti sa sagot mo," natawa na ako. Buwesit siya!
"Psh! Ang babaw mo!" Tumahimik kami bigla nang pumasok ang tatlong magagandang babae na puro naka shorts. Mukhang modelo ang mga ito. Nakita kong ngumuso ang isa sa kasama. Lahat sila ay pasimpleng dumikit kay Black. Ang isa ay sumenyas pa na guwapo raw si Black.
"Halika nga rito, honey." Nagulat ako nang hinila niya ako at mahigpit na inakbayan. "Punta tayo sa bahay bukas. Namimiss na nina Mommy ang maganda nilang manugang," wika nito saka pinisil ang balikat ko.
"Ah, s-sige..." napaubo ang isang babae.
"Kiss mo muna ako," napakunot ang noo ko sa sinabi nito. "Ayaw mo?" bulong niya. Ang kapal talaga ng mukha niya! Tumigil na naman ang elevator at may tatlo na namang sumakay. Dalawang babae at isang lalaki kaya walo kaming lahat sa elevator.
"Kiss mo na ako, hon." ulit niya kaya napatingin ang mga bagong sakay sa amin. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko. "Nahihiya ka sa kanila?" mas lalo akong namutla sa sinabi niya. Ang lakas pa naman ng boses nito.
"Oo na!" dahil matangkad siya, nag tip toe ako at hinalikan siya na agad namang sinalubong ng mga labi niya kaya ang mabilisan lang sana ay tumagal dahil hinapit pa niya ang bewang ko. Okay, ayoko nang itigil dahil good kisser siya. Alam niya ang kiliti ko at masarap naman talaga ang mga labi niya. Sarap lunukin!
"Labas na tayo." napadilat ako. Kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa elevator.
"N-Nasaan na sila?"
"Lumabas na. Sila na lang ang nahiya sa ungol mo," sa parking lot na pala kami. Hindi ko namalayan.
"B-Black..." tawag ko nang malapit na kami sa kotse niya.
"Gusto mo pa ng isa?"
"Tumigil ka nga! Umungol ba talaga ako?" nakakahiya! Hindi ko napansin. O baka busy lang ako sa pagnamnam ng mga labi niya? Ano ba 'yan!
"Hindi ko rin alam. Sakay na nga!" Naiinis na binuksan ko ang pinto ng front seat. Hindi talaga siya gentleman. Kung sabagay, sanay naman pala itong babae kung ituring ni Jigs. Nakikita ko noon na kapag magkasama sila, siya ang pinagbubuksan nito ng pinto.
"Bakit mo ako hinalikan?" nagmamaneho na siya palabas ng building.
"Ikaw ang humalik sa akin."
"Whatever. Bakit nga?" pangungulit ko.
"Dahil ayoko sa mga babaeng nakasabay natin. Allergic ako sa mga mata nila!"
"Sus, ang gaganda at sexy kaya nila."
"Talaga? Mas maganda pa ako sa kanila kapag naging babae ako."
"Gusto mo ba talaga maging babae?" tanong ko.
"Wala akong sinabi. Kuntento na ako sa katawan kong ito at wala akong babaguhin kahit na pusong babae pa ako." Sagot nito. Natahimik ako. Ibang Black ang nasa harap ko. Hindi ito ang nakasanayan ko o nakaharap ng lahat. Tahimik lang ito noon at lalaki kung kumilos. Hindi mo rin ito mabiro o mapasalita ng mga pambaklang usapan. Nakakaasiwa!
Pagdating namin sa mall ay sa supermarket kami kaagad dumiretso.
Katulad ng inaasahan, may mga babaeng napapalingon sa amin lalo na sa kaniya. Idagdag mo pa ang mga kabaklaan na tila nagkakaroon ng matris habang nakatitig kay Black.
Ako na ang nagtulak ng cart. Ako yata ang lalaki sa aming dalawa. Kumuha siya ng apples at inilagay sa cart.
"Hindi ba, siya ang kapatid ni Blue?"
"Ay, oo nga! Sila iyong sumayaw ni Sky sa show. Waaah... Ang pogi!" Tili ng bakla nang maalalang sumayaw ang mga ito sa show ng kapatid.
"Papicture tayo!" Yaya ng mga ito.
"NATHALIE!" Tawag ni Black sa akin at nginitian pa ako.
Okay, mukhang hindi ko gusto ang mga ngiting iyon. Huwag naman sanang humingi ito ng halik dahil hindi talaga ako makatanggi.
"Hindi ako hihingi ng kiss since nagagawa naman natin iyon palagi sa unit ko..." napanganga ako sa sinabi niya at pinandilatan siya.
"Halika, samahan mo nga akong pumili sa mga prutas," ayoko nang humaba pa ang usapan kaya lumapit ako sa kaniya at tinulungan sa pamimili.
"Gusto mo ng hotdog?" tanong niya sa akin at kinuha ang purefoods tender juicy hotdog.
"Ano ang gusto mo? Mini hotdog?" tanong nito. Nanunukso na naman
ba siya? Ang dami kayang pasimple na nakikinig sa usapan namin.
"Ayoko. Gusto ko, iyong ka size mo..." nakangiting sagot ko. "Jumbo..."
Ngumiti ito at kinuha ang pinakamalaking hotdog sa freezer. "Mamaya na sa condo ang XL hotdog mo," ani niya. "May hotdog pa ba tayo?"
Humarap siya sa akin at bumulong. "Well, maliban sa hotdog ko?"
"Wala na." Sagot ko saka napangiti. Parang ewan lang kami. In fairness, hindi siya galit sa akin ngayon. Bumait yata siya?
"Mahilig ka pala talaga sa papaya?" napuna ko kasing dalawang malalaki ang kinuha niya.
"Oo. Bago ka pa dumating, kumakain na talaga ako ng papaya." kahit pasimple pero hindi nakaligtas sa akin ang pagsulyap niya sa dibdib ko. Bastos na bakla!
"Ah, masarap nga 'yan." pag sang-ayon ko. Alam ko namang nagiging mabait lang 'to dahil nasa harapan kami ng maraming tao.
Kumuha rin kami ng maraming chichiria, bigas, delata at kung anu-ano pa. Tinulungan din niya akong ilipat sa kotse ang mga pinamili namin. Dedma lang kami sa mga tsismoso't tsismosang nasa paligid.
"Bakit ang bait mo yata sa akin, Black?" tanong ko.
"Minsan lang ako maging mabait kaya ipagpasalamat mo na lang," sumulyap ako sa kaniya. Tama siya. Ipagpasalamat ko na lang pero malakas ang kutob ko na may motibo ang pagiging mabait niya sa akin.

A/N:

Walang plot ang story na ito kaya bahala na. Kung saan ako dadalhin ng bawat pag update ko. Hahaha.

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon