11

1.5K 51 0
                                    


BEKI SI BLACK ( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

Kakatapos lang ng final exam namin. Wala
naman akong pupuntahan kaya mas pinili
kong pumunta sa tree park para
magpahangin. Naupo ako sa mahabang
bench dito sa ilalim ng mangga. Nasa
kabilang table ang triplets. Sina Sky at Blue
ay nakaupo sa ibabaw ng table na gaw sa
cemento. Si Black ay nakikinig lang sa
pabida ni Sky.
Sa mga nakalipas na araw, paunti-unti kong
napapansin ang pagiging masiglahin ni Blue.
Sa tulong ng pamilya, pa unti-unti na itong
nakaahon sa depression. Mas lalo pang
dumarami ang projects niya.
Sa kanilang tatlo, si Blue ang pinaka
talented dahil singer/dancer/actor ito. Si
Sky naman, wag mo nang asahan sa
pagsasayaw. Si Black, marunong naman
sumayaw kapag ginusto pero wala sa linya
nito ang pagsunod sa yapak ng kapatid. Mas
gusto nitong magkaroon ng privacy ang
buhay.
"Ba't nandito ka?" napalingon ako kay Erika
na umupo sa tabi ko.
"Tapos na kasi ang klase ko. Ikaw? Kamusta
ang exam?"
"Ayun, bagsak!" Casual na sagot niya at
kinuha ang earphone. "Sandali lang, may
tawag ako." Paalam niya at tumayo. "Peste
ka talaga, Drei! Hindi ba sabi ko, 'wag mo
akong puntahan dito?" lumabas na siya sa
gate habang may kausap sa cellphone. Kahit
na may kinakasama na, mukhang hindi pa rin
ito nagbabago. Mas lalo pa yatang naging
wild dahil sa ginawa nina Tito Skyler.
Sakto naman nang ibinalik ko ang mga mata
ay nakatingin pala si Black sa akin kaya
nginitian ko. Gumanti naman ito ng ngiti
kaya napalingon sina Sky at Blue. Pareho
namang ngumiti ang mga ito at tinawag
ako.
"NAT-NAT!" Tawag ni Sky at sumenyas na
lumapit ako sa kanila.
Ang mga babae sa paligid ay napatingin sa
akin dahil ako na naman ang tinawag ng
tatlo. Kapag sila ang kasama mo,
magkakaroon ka talaga ng bashers.
"Aalis na ako, eh." Wika ko nang makalapit
sa kanila. Si Black ay nakatingin sa akin.
Sumpungin pa rin. Minsan mabait pero
madalas suplado.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Blue.
"Sa library. Mag-aaral lang. Mahirap na
kasing bumagsak," sagot ko. Sayang lang
ang pera ng mga magulang na pinapaaral sa
akin kung mababagsak lang ako. Tuloy pa rin
ang paglagay nila sa allowance ko.
Dinagdagan pa nga ni Tito Skyler dahil baka
ginugutom daw ako ng anak niya. Magmula
nang ginahasa niya ako, hindi na naulit pa
ang nangyari. Pasalamat na lang ako ako
dahil after one week ay dumating ang
menstruation ko.
"Ganoon ba? Sige, aral kang mabuti." Ani
Sky. Nagpaalam na ako sa kanila at tinahak
ang daan patungo sa library pero nang
mapadaan ako sa hagdan patungo sa roof
top ay nagbago ang isip ko. Umakyat ako sa
hagdan dahil mukhang masarap mag-aral sa
itaas. Paniguradong walang estudyante roon
dahil busy sa pag-aaral. Isa pa, sa kabilang
rooftop ang pinapagamit ng mga Villafuerte
sa mga students dahil teritoryo nila rito.
Nagulat ako nang paakyat na ako sa huling
hagdan ay nakaupo si Alwyn sa unang
baitang.
"Nandito ka pala? Puwedeng padaan?"
napaisip ako kung ano ang ginagawa niya
rito pero hindi ito nagsasalita. Sa halip ay
pinagmasdan lang ako sa mukha.
Nakakailang tuloy.
"Nathalie, right?" nagulat ako dahil alam niya
ang pangalan ko.
"P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
ngumiti ito sa akin at tumayo siya.
"Sino ang hindi makakilala sa babaeng
bumihag sa puso ni Black Villafuerte?" ang
mga mata niya ay tila nangungusap habang
lumalapit sa akin. Naalala ko si Jigs kaya
bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Si
Alwyn. Siya ang pangalawa sa pinakadulong
listahan ng kakambal ko.
"Mukha ba akong nakakatakot para matigilan
ka sa mukha ko? Or sadyang
nagaguwapuhan ka lang sa akin?"
nakangising sagot nito kaya automatic na
napataas ang kilay ko.
"Oo, guwapo ka nga." Sagot ko saka
pinagmasdan siya sa mukha. Guwapo naman
talaga ito. Kaya nga naging modelo at
nanalo sa Mr.World.
"Congrats pala. Ikaw na ang Mr.World,"
sagot ko. Isang linggo matapos ang
paligsahan ay agad niyang iginive-up ang
titulo dahil mas pinili niyang tapusin ang
pag-aaral.
"Salamat. Proud ka ba sa akin?" natigilan
ako sa tanong niya.
"Oo naman. Lahat ng Pilipino ay proud sa
pagkapanalo mo."
"Thanks naman kung ganoon." Ngayon ko
lang siya nakausap at nakaharap ng
malapitan. Tinapik niya ako sa balikat at
tuluyan nang bumaba.
Habang pinagmamasdan ko siyang pababa
sa hagdan ay may kakaiba akong
nararamdaman para sa kaniya. Hindi ko
maipaliwanag kung ano iyon. Hindi kaya
tama sila na may kinalaman siya sa pagpatay
kay Jigs? O baka naman isa lang siya sa mga
biktima ng illegal na druga. Kung sabagay,
lahat naman ay puwedeng matakasan ang
drug test. Marami ang paraan para mag
negative ka.
"Jigs, tulungan mo akong mahanap sa taong
pumatay sa iyo." Bulong ko. Sa ngayon,
dasal ang kailangan ko para mabigyang
hustisya ang kakambal ko. Kung puwede
sanang sumapi ito sa katawan ng tao para
lang masabi kung sino talaga ang pumatay
sa kaniya.
Pagdating ko sa rooftop ay nakita ko sina
Aron na hinahalikan si Julie pero agad
namang naitulak ng kasintahan. Namula si
Julie nang makita ako.
"Hi, nandito pala kayo." kunwari ay wala
akong nakita. Ang awkward naman kasi sa
kapwa babae ko na mahuling hinahalikan ng
iba. Puwera nalang sa ibang babae na sanay
nang mag PDA. At alam kong isang
mahiyaing babae si Julie.
"Nandito ka pala, Natty. Nasaan si Black?"
tanong ni Aron.
"Nasa tree park. Kasama ang ka triplets niya.
Ikaw Aron? Nasaan na ang kapatid mo?"
tanong ko. "Hindi ko yata nakita si Taira?"
"Ewan ko sa babaeng 'yon. Baka pumunta sa
lugar kung saan malayo kay Sky," talagang
iniiwasan na ni Taira si Sky. Pero minsan,
nakikita ko namang magkasama ang dalawa.
Kagaya na lang kahapon, magkasamang
naghihilaan ang dalawa sa loob ng cafeteria.
"Hanggang ngayon, hindi pa rin nagkakabati
ang dalawa?" tanong ni Julie.
"Ewan ko, sweetheart. Ang alam ko, umiiwas
si Taira. Well, dati pa naman. Ang kulit lang
talaga ni Sky." Sagot ni Aron. Ilang beses na
ngang sinusugod ng ama nila si Tito Skyler
dahil palaging tumatambay sa bahay nila si
Sky.
"May girlfriend naman kasi si Sky kaya baka
ayaw lang ng kapatid na magkagulo. Isa pa,
kakamatay lang ni Jigs." Ani Julie. Naalala ko
na naman ang kapatid ko. Oo nga pala, wala
silang kaalam-alam na kakambal ko si Jigs.
"Baka nagluluksa pa nga ang kapatid ko,"
sabat ni Aron at hinawakan sa mga palad si
Julie. Kung mayroon mang perfect couple sa
school na ito, sila iyon. Bakas sa mukhang
mahal nila ang isa't isa. I felt sorry kay Taira.
Alam kong mabait na tao siya. Minsan nang
umiyak si Jigs sa harapan ko. Ramdam ko
ang labis na paghinagpis niya. Kung hindi
lang nanaig ang pagmamahal niya kay Black,
alam kong si Taira ang babaeng papakasalan
niya. Sinusubukan naman niyang mahalin ito
pero wala. Hindi niya kaya. Mas nangibabaw
si Black sa puso niya. Naintindihan ko naman
si Jigs pero mali pa ring pinaasa niya si Taira
dahil lumalabas na niloko lang niya ito. Hindi
naman kasi bato o manika si Taira para pag
experimentuhan lang ng damdamin at
kasarian ng iba.
"Aron? Magkakilala ba kayo ni Alwyn?" wala
sa sariling tanong ko.
"Ah, matagal ko na siyang nakilala. Bakit?
Crush mo? Isumbong kita kay Black."
Pananakot niya kaya napasimangot ako. Sa
mata nila, magkasintahan pala kami ni
Becks.
"Hindi ah. Ahm..." napaisip ako. Bakit ko
nga ba naitanong? Siguro dahil isa si Aron
sa mga suspek ko. Lahat ng sumali sa
pageant ay puwede maging suspect since
siya ang next na nanalo kay Alwyn.
"Kasama mo kasi siya noon sa pageant at
napansin kong nag-uusap kayo." Palusot ko.
"Ah, hindi naman kami close. Actually, hindi
naman ganoon ka palakaibigan si Alwyn dahil
sa mga piling tao lang ito nakikipag-usap."
sagot niya.
"Ah, gano'n pala."
Nagpaalam na sila ni Julie dahil may pasok
pa raw si Aron sa last subject nila ngayong
umaga. Marami ang puwede maging suspect
sa pagkamatay ni Jigs pero sa tingin ko ay
may isang tao na nagbibigay sa akin lead. At
madali lang sa akin na matagpuan siya dahil
malakas ang kutob kong nandito lang siya
sa Westbridge.

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon