BEKI SI BLACK
( U-Prince 1 )by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 19
"Nat-Nat, isubo mo na..." utos ni Sky habang kumakain sila dahil napansin niyang hindi nito ginagalaw ang pagkain. Nakabitin lang sa ere ang kutsarang may lamang kanin na hawak ng dalaga.
"Isubo ang ano, Sky?" tumaas bigla ang kilay ni Black sa kapatid.
"Ang kakainin niya." Sagot ni Sky habang kumakain.
"Ano ang kakainin niya?" tanong ulit ni Black.
"Ano ba ang kakainin niya? Tanga! May mata ka naman, hindi mo nakikita?" hindi makapaniwalang tanong ni Sky habang nakatingin sa kapatid. "Kanina pa tulala 'yang asawa mo, hindi mo napapansin?"
Sinamaan siya ng tingin ni Black. "Asawa ka diyan!"
"Bakit? Asawa mo naman. Binabahay mo na nga!"
"Tumahimik na nga kayong dalawa!" Saway ni Blue. "Mamaya, may makarinig pa sa inyo."
"Si Black kasi. Tanong ng tanong eh, nakikita naman niya." Depensa no Sky.
"Psh! Malay ko ba sa sinasabi mo!"
"Uy, tama na 'yan. Nagseselos na si Black!" Tukso ni Keana.
"Selos kayo diyan! For what?" Kahit na ang iingay na nila ay hindi pa rin kumikibo ang katabing si Nathalie mula nang bumalik ito galing sa CR.
"May problema ka?" pabulong na usisa niya.
"Wala. May iniisip lang. Sino ba ang nakasama mo kanina?" usisa ni Nathalie. Hindi na sila kinulit pa ng mga kasa at sina Sky at Taira na naman ang napagtripan.
"Ano'ng klaseng tanong 'yan? Marami akong kasama."
"Please, Black, nagtatanong ako ng maayos!" Napansin niyang naniningkit na ang mga mata ng dalaga kaya medyo nasapawan siya ng tapang.
"Mga kaklase ko." Sagot ni Black.
"Maliban sa kanila, sino pa?"
"Kayo."
"Sino pa?"
"Wala na." Ayaw niyang ipaalam dito na nagkasabay sila ni Spencer kanina. Para ano?
"Sure ka?"
"Oo."
"Hindi ako nagbibiro, Black! Sino ang kasama mo kanina?" nararamdaman ni Nathalie na may itinatago ito sa kaniya.
"Wala na nga. Kayo lang at mga nasa classroom." Napaisip si Nathalie kung sino sa mga kaklase nito ang puwedeng maglagay ng tracking device sa damit nito.
"May nakaaway ka bang kaklase mo?"
"Anong klaseng tanong iyan? Umayos ka nga! Para kang detective!"
"Sagutin mo lang kasi ako. Sino pa ang mga kasama mo o ano ang mga pangalan ng kaklase mo?"
"Pakialam mo?" medyo tumaas na ang boses ni Black pero nasasapawan naman ito ng boses ng mga kaharap kaya hindi sila napapansing nagtatalo.
"I need to know the truth! Sino ang kasama mo?" pangungulit niya.
"Wala nga ak--"
"ISUSUBO KO NA MAMAYA!" Malakas na sigaw ni Nathalie kaya napatingin sa kaniya ang mga estudyanteng natahimik dahil pabalik si Miss Legaspi sa loob ng canteen.
"Ano ang isusubo mo?" naglalakad ito palapit sa kanila na na para bang isang teroristang prinsipal sa harap ng mga inosenteng estudyante.
"I-Iyong kinakain ko po," natarantang sagot ni Nathalie saka muling hinawakan at kutsara at isinubo ang kanin. Mas nakakatakot pa yata ito kaysa sa mga nakapatay sa kapatid niya. Gamit ang peripheral vision, alam niyang nakatingin ang mga estudyante sa kaniya.
"Susubo ka lang, kailangan pang isigaw?" nagdududang tanong ni Elsa.
"K-Kasi, kinukulit ako nina Sky kanina." Inapakan niya ang paa ng kaharap sa ilalim ng mesa. Umaasa siyang huwag umandar ang pagka tanga ni Sky at makuha nito ang nais niya.
"Opo, ma'am. Kanina pa kasi siya tulala. Baka 'kako may problema siya kaya pinipilit ko. Si Black kasi, hindi man lang concern sa girlfriend niya." Depensa ni Sky. Totoo naman ang sinasabi niya kaya no need na umarte pa.
"Bawal sumigaw dito. Kahit na kayo pa ang may-ari nitong Westbridge, matuto kayong makipag level sa iba dahil pare-pareho lang kayong estudyante rito." Tumalikod ito at pumunta sa isang table ng mga co-teachers.
"Psh! Sungit talaga ng babaeng iyon!" Reklamo ni Sky nang makaalis na ang guro. Tiniyak niyang hindi siya nito naririnig dahil baka mag ala dinamite na naman ang mukha at bunganga nito.
"Natty," nakasimangot na hinarap ni Nathalie si Black.
"Oh, bakit?"
"Si Spencer ang iba ko pang nakasama kanina." Mahinang sabi ni Black.
"Sasabihin mo rin pala, hinintay mo pang mapahiya ako!"
"Psh, basta ha." Sabi ni Black.
"Anong basta?"
"'Yong ano... 'Yung deal natin."
"Wala akong matanda na DEAL natin!" Giit ni Nathalie at tumayo siya. Badtrip siya kay Black!
Dumiretso siya sa tree park. Umaasa siya na mapalamig ng sariwang hangin ang mainit niyang ulo.
Sa pinakadulo kung saan hindi matao ay doon niya napiling maupo at magnilay-nilay.
Nakatitig siya sa itim na bagay na nasa kanang palad niya. Ilang beses na niya itong nakita at nagamit kaya hindi siya puwedeng magkamali. Isang tracking device ito.
"Damn! May nakakaalam na may kaugnayan si Black kay Jigs..." sambit niya. Walang ibang puwedeng gumawa niyon kundi ang taong may alam din sa mga nangyari.
"Black naman!" Reklamo niya. Kung gusto nitong sundan at alamin ang lahat ng pinupuntahan ni Black, ibig sabihin, nasa piligro ang buhay ng binata at hindi niya kayang mawala rin ito sa kaniya. Hindi niya hahayaang malagay sa panganib ang buhay nito. Hindi siya makapapayag!
Lalong suminggit ang mga mata niya nang maalala ang inamin ni Black na si Spencer ang kasama nito. Ayaw niya sa binata! Basta ayaw lang niya lalo na't nakipag-usap si Black dito.
Hindi malabong mangyari na ito ang maglalagay ng tracking device kay Black.
Mabilis na itinago niya ang hawak nang makitang papalapit si Alwyn at nakangiti sa kaniya.
"Hi, mag-isa ka yata?" tanong nito nang nasa harapan na niya.
"Gusto ko lang mapag-isa. Ikaw? Napadpad ka yata rito?" tanong ni Nathalie nang maupo ito sa tabi niya.
"Nandito lang ako dinala ng mga paa ko. Nasaan si Black?"
"Nasa canteen. Nandito naman ako pero bakit si Black ang hinahanap mo?" pabirong sabi ni Nathalie.
"I think, kasama mo si Black dito." Nagkatitigan sila ni Alwyn pero bakas sa mga mata na mukhang may iniisip ito. Ang mga kamay ay baba at ang hinlalaki ay nasa lower lip.
"May problema ba sa mukha ko?" tanong ni Nathalie kaya ngumiti ito.
"Maliban sa maganda, wala naman."
"Bolero ka talaga!" Kinurot ni Nathalie ang tagiliran nito at tumawa.
"Hindi ako bolero dahil wala akong mga kaibigan." Sagot nito habang hinuhuli ang kamay niya.
"Ganoon ba iyon?" tumawa ng malakas si Nathalie nang gumanti ito ng pagsundot sa tagiliran niya. "Aw. Hahaha! Tama na. Ayoko na!" Tumayo siya dahil sa sobrang pagkakiliti ito.
"Oo, paano mo masabing bolero ang isang tao kung wala namang masyadong kaibigan? Sino ang bobolahin niya? Sarili?" sagot ni Alwyn. "HALIKA RITO!" Tawag niya nang pumaikot si Nathalie sa kabilang bench.
"Ayoko! Madaya ka!" Para silang bata na naghahabulan sa park kaya may iilang nakapansin sa kanila.
"Hindi ba, siya ang girlfriend ni Black?"
"Oo nga! Malandi talaga!"
"May boyfriend na, eh bakit nakipagharutan pa sa iba?"
Tumigil bigla si Nathalie at bumalik sa inuupuan niya kanina.
"Please, Jigs..." sambit niya na agad ikinasalubong ng kilay ni Alwyn.
"I mean, Alwyn. Ayoko na talaga." Pakiusap niya at naupo.
"Jigs who?"
"Ah, kababata ko..." palihim na kinurot niya ang sarili dahil sa pagkadulas ng dila. Huwag lang sanang pumasok sa isip ni Alwyn na si Jigs na nakalaban nito sa pageant.
"Ah, namimiss mo na siya?" biglang umiba ang timpla ng mga mata nito. Hindi niya maipaliwanag pero sa nakikita niya, mas nangingibabaw ang lungkot? Pero alam niyang sa likod ng iyon, may mga emosyon pang nakatago. Naalala niya tuloy si Black.
"O-Oo."
"Huwag kang mag-alala, hindi man ngayon pero darating ang araw na makasama mo rin siya... Ang kababata mo." Sagot nito.
"Sana nga. Balang araw..." sagot niya. Kapag matapos na ang buhay niya sa mundong ibabaw, alam niyang magkikita rin sila ng kakambal niya sa lugar na tahimik at mapayapa.
"Nathalie? Alam mo bang sa susunod na buwan, kinukuha ako ng isang sikat fashion designer para maging model ng collections niya sa Paris?" pag-iiba ni Alwyn.
"Talaga? Wow, congrats!" Masayang bati niya. Ewan. Basta masaya siya para rito. Maliban sa mga Villafuerte, isa rin ito sa mga taong nakipaglapit sa kaniya kahit na mahirap lang siya.
"Salamat... Pero tinanggihan ko." Malungkot na sabi nito at napayuko.
"Bakit? Ang dami mo namang tinatanggihan." Nagtatakang tanong ng dalaga.
"Hindi kasi puwede. May business pa ako na kahit ano man ang mangyari ay hindi ko kayang iwan at dapat kong tapusin." Sagot ni Alwyn.
"Ay, sayang talaga." Siya ang nanghihinayang sa mga tinatalikuran ng binata.
"Matagal pa bang matapos ang business mo?"
"Medyo. Gusto ko na nga sanang madaliin kaso marami ang nakikialam."
"Kung sabagay, hindi mo talaga maiwasan ang mga nakikialam sa buhay natin kaya hindi tayo nagiging successful at masaya. Kung darating man iyon, matatagalan pa." Malungkot na sabi ni Nathalie. Kung wala lang sanang pumatay kay Jigs, baka masaya pa silang magkapatid.
"Oo. Galit nga ako sa mga pakialamero't pakialamera lalo iyong mga nakikialam sa mga plano ko." Isang mahabang pagbuntong hininga ang narinig ni Nathalie mula rito. "Sa kasamaang palad, inosente pa ang mga ito at hindi aware na nakikialam na sila kaya hindi mo puwedeng galawin o kausapin ng diretsahan dahil ayaw mong madamay sa gulo." Dagdag nito.
"Oo nga." Pagsang-ayon ni Nathalie. Si Black ang nasa isip niya. Hanggang ngayon ay wala itong kamuwang-muwang na isa siyang undercover agent ng NBI at hindi niya puwedeng at iminin dito dahil baka mag-alala at madamay pa ito.
"Alwyn?"
"Hmmm?" humarap ito sa kaniya at nagtatanong ang mga mata.
"Alam kong kaunti lang ang mga kaibigan at kinakausap mo pero bakit ako? I mean, bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa akin?" natigilan ito pero sa bandang huli ay ngumiti ito bago magsalita.
"Dahil mahal kita!"
Napanganga siya sa sagot nito. Hindi makapagsalita. Mayamaya ay tumawa ito ng malakas.
"Bakit ganiyan ang mukha mo? Siyempre mahal kita bilang kaibigan." dagdag ng binata. Gusto niyang isipin na balewala lang iyon pero alam niya, nakikita niya, nararamdaman niya na totoo ang sinabi nito.
"Salamat dahil itinuturing mo akong kaibigan..." naiilang na pasalamat niya.
"Actually, more than that!" Tumayo ito . "Mauna na ako. Kailangan ko pang pumasok sa next subject ko." Paalam nito at naiwan siyang naguguluhan sa ipinagtapat ni Alwyn na mahal siya nito higit pa sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Beki si Black
ChickLitIsa lang akong simpleng babae. Naging stalker ng isang lalaki at nagising na lang bigla na nasa isang condo unit na ako nakatira kasama ang lalaking kinamumuhian ako! Isa siya sa mga anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Guwapo, matalino, map...