chapter 1

3K 84 1
                                        



BEKI SI BLACK ( U-Prince 1)

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 1

[Nathalie Pov]
"Ano ba!" Reklamo ko nang hilain niya ako palabas ng kuwarto.
"Lumabas ka na!" Utos nito sa nagbabagang mga mata. Natatakot ako sa kaniya. Okay, given na suplado ang baklang ito but seeing him like this, nakakapanindig balahibo!
"Oo na. Aalis na ako. Uuwi na ako sa amin!" Napipikon na ako. Kahapon pa siya sigaw ng sigaw at singhal sa akin kapag kaming dalawa na lang ang nandito sa bahay. Wala pa kasi ang mga kapatid at magulang nito.
"At sino ang may sabing makakauwi ka?" naniningkit na ang mga mata nito. Alam kong galit siya lalo na kapag sangkot ang dati nitong kasintahan.
"U-Uuwi ako. Bakit n'yo pa kasi ako dinala rito?" buo na ang desisyon kong huwag nang ipagpatuloy ang pag-aaral dahil wala naman akong sapat na pera pantustos sa matrikula. Mas piliin ko na kang na makasama ang mga tuko, palaka at bayawak sa gubat kaysa makasama ang lalaking 'to pero sinundan talaga nila ako at muling dinala rito sa mansion nila para makapag-aral.
"Tama lang na ibinaba ka namin sa bundok na pinagmulan mo para mapagbayaran mo ang kahayupang ginawa mo kay Jigs!" natigilan ako sa sinabi niya. Iyon talaga ang pangunahing rason kung bakit ako titigil sana. Ang pagkamatay ni Jigs.
"Gusto mong takasan ang kasalanan mo?" nanggigigil na hinawakan na naman niya ako sa braso.
"B-Black, nasasaktan ako!" Sinusubukan kong kumawala pero halos nakabaon na ang mga daliri niya sa balat ko.
"NASASAKTAN KA? NOONG PINATAY MO BA SI JIGS, NAAWA KA BA?" ramdam ko ang galit niya dahil sa panginginig ng mga daliri niya kaya napalunok ako ng laway. "HINDI KA UUWI HANGGAT HINDI MO NAPAGBAYARAN ANG LAHAT NG KASALANAN MO!"
"Ano ang nangyayari rito?" pareho kaming nagulat nang magsalita si Tito Skyler sa likuran namin. Yumuko ako. Kinakabahan sa kung ano man ang puwedeng gawin ng mga Villafuerte sa akin.
"T-Tito..." ani ko. Wala na yatang salitang mamutawi pa sa mga bibig ko.
"Wala, dad. Sinira lang niya ang iPhone ko kaya pinapabayad ko siya!" Makahulugang tumungin si Black sa akin pero bakas ang lungkot sa bintana ng kaniyang mga mata.
"Gano'n ba? Hayaan mo na ang iPhone mo. Huwag mo nang pagbayaran kay Natty. Magpapahinga muna ako. Napagod kami sa biyahe," paalam ni Tito Skyler kaya nakahinga ako ng maluwag.
"B-Bakit hindi mo sinabi sa kaniya?" tanong ko. Ngayong wala na si Tito Skyler at kami na lang na dalawa ay mas kinabahan pa ako.
"Na ano? Na ikaw ang pumatay sa kasintahan ko?" nagtagis ang mga bagang niya at sinabunutan ako sa buhok saka inilapit ang mukha niya sa tainga ko. "Dahil sa akin ka magbabayad! Kulang pa ang buhay mo para pagbayaran ang mga kasalanan mo!"
Gusto ko nang maiyak! Pakiramdam ko ay isa akong daga na na trap at paunti-unting binubuhusan ng tubig sa isang box hanggang sa tuluyan nang mamatay.
"HALIKA!" Hindi na ako natakatanggi nang sapilitan niya akong hilain pababa sa hagdan. Gusto ko sanang sumigaw pero makakasalubong namin ang mommy niya.
"Oh, saan ang tungo ninyong dalawa?"
"May pupuntahan lang, Mom." Magsasalita pa sana si Tita Kimberly pero nilagpasan na namin siya hanggang sa makarating kami sa garahe.
"S-Saan mo ako dadalhin?" natatakot na tanong ko. Kung anu-anong eksena ang pumapasok sa isip ko na gagawin niya sa akin.
"Huwag mo nang hintayin pa na itulak kita para lang makapasok ka!" Blangko na naman ang mukha nito kaya binuksan ko na ang pinto at pumasok sa backseat.
Kahit na nasa biyahe ay napapansin ko ang panaka-nakang paghampas nito ng manibela. Isa ako sa mga naging saksi kung paano niya minahal at sinubukang ipaglaban noon si Jigs pero hindi niya magawa dahil sa pamilya. Takot ito na baka mapahiya ang angkan ng mga Villafuerte dahil sa kabaklaan niya.
Sa isang sikat at mamahaling condo building kami bumaba na pagmamay-ari ng mga Lacson. Tahimik na nakasunod ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa 7th floor.
Para akong basang sisiw na nakasunod lang sa kaniya.
"A-Ano ang gagawin natin dito?" bumulaga sa amin ang laman ng unit. Sa kung ibang sitwasyon ay malamang, namangha ako sa ganda ng loob. Lahat ng gamit ay kumikintab sa sobrang itim. Ang linis pa nito tingnan at ang mga gamit ay halatang pinag-isipan bago bilhin.
"Ikaw, ano ang gusto mong gawin natin dito?" balik-tanong niya. "MAMAMATAY TAO!" Dagdag niya.
Nanikip ang mundo ko nang isinarado at inilock niya ang pinto. Ngayong kaming dalawa na lang ang nandito. Papatayin na ba niya ako?
"Bakit mo siya pinatay, Nathalie?" may bahid ng lungkot at galit ang boses nito. Nakatitig lang siya sa mukha ko at hinihintay ang kung ano mang isasagot ko..
"D-Dahil..." ano ba ang dapat na isagot ko? Alam kong nakuha na niya ang mga ebidensiyang nagtuturo sa akin bilang isang killer.
"Pera? Binablackmail mo ba si Jigs? Baka ang nga perang pinaggagastos mo, kay Jigs pa nanggagaling?" napansin ko ang pagtiklop ng dalawa niyang kamao. Kanina ko pa hinihintay na suntukin niya ako pero hindi pa niya nagawa.
"Patayin mo na lang ako," mahinang sambit ko na ikinangisi niya.
"Maghintay ka! Darating din tayo diyan. Pero bago ang lahat, magdusa ka muna!" pumasok ito sa isang silid kaya naiwan akong nakatayo sa tabi ng pinto. Ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi na ito lumabas pa kaya sinubukan kong buksan ang nasa tabing pinto para lumabas pero nakalock. Kahit na ano'ng pilit ko ay ayaw talagang bumukas.
"Huwag mo nang subukang tumakas." Kahit hindi ko na lingunin ay alam kong siya ang nagsalita. Dalawa lang naman kami ang nandito.
"A-Ano ba ang gagawin ko rito?" hindi pa rin ako nakaharap sa kaniya. Ayaw kong salubungin ang mga nagbabaga niyang mga mata. Kahit na nakatalikod ako ay ramdam ko ang talim ng paningin niya.
"Magbabayad ng kasalanan..." napapikit ako. Hanggang ngayon ay lutang pa rin ako sa mga nangyayari. Pinipilit ng utak ko na i-absorb ang mga naganap mula pa kahapon pero wala. Alam kong mabubunyag ang katotohanan pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pang maaga! Nakalimutan ko na kung hindi kaya ng mga Villafuerte, ang mga Lacson ang gagawa. At iyon nga ang ginawa ni Black. Humingi ito ng tulong sa kamag-anak para masolve ang kaso ni Jigs.
Noon pa lang, sa tuwing lalabas si Black ay alam ko nang nagdududa ito sa pagkamatay ng kasintahan. Kilala niya ang pagiging matagag ni Jigs kaya alam niyang hindi ito magpakamatay.
"K-Kung magbabayad man ako ng kasalanan, p-puwede bang isuko mo na lang ako sa kapulisan?" mas mainam pang doon na lang niya ako idiretso. Mas pipiliin ko pang makasama ang mga preso kaysa sa makaharap ang lalaking ito.
"Huwag kang mag-alala, makukulong ka naman talaga..." naramdaman ko ang mga yabag niya palapit sa akin.
"Mabuti naman. Ihatid mo na ako sa mga pulis," mas safe pa ako sa presinto kaysa sa kasama ko ito.
"Makukulong ka pero hindi sa presinto," na su-suffocate na ako sa presinsya niya sa aking likuran.
"Saan mo ako ipapakulong?" ngayon lang yata ako nakaramdam ng sobrang takot! Baka araw-araw niya akong saktan hanggang sa tuluyan nang mamatay.
"Sa unit na ito..." napapitlag ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at sapilitang iniharap sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita. Nanlamig ang buo kong katawan kahit na talampakan. Para akong patay na hindi maigalaw ang buo kong katawan. Napako na yata ang mga mata ko sa hubad na katawan niya lalo na bagay na nasa gitna ng kaniyang mga hita.
"Makukulong ka sa condo unit na ito," tumaas ang isang sulok ng kaniyang mga labi. "Kasama ko." dagdag niya.
Dalawang part ng katawan ko lang ang gumalaw.
Una, ang lalamunan ko para maglunok ng laway at pangalawa, ang mga mata ko para lumaki nang biglang lumaki ang kaniyang espada.
"Alam mo kung ano ang ikinaiinisan ko?" tanong niya pero hindi ko nakikita ang mukha dahil ayaw talaga umalis ng mga mata ko roon. Para akong nasa Maktan. Nakatingin lang sa espada ni Lapu-Lapu na pumatay kay Magellan. Ang bastos ko na pero ayaw talagang gumalaw ng katawan ko. Nararamdaman ko ang galit ni Black sa akin habang nakatingin. Gusto kong iiwas ang mga mata ko pero ayaw talaga niyang gumalaw. Doon lang daw siya titingin. Lintik talaga! Pahamak na mga mata!
"Na kahit galit ako sa'yo, sumasaludo pa rin siya!" naririnig ko ang sinabi niya kaya ang bibig ko naman ang gumalaw. Napanganga siya!
"ITIKOM MO NGA ANG BIBIG MO!" Natauhan ako nang sumigaw siya. Tumalikod na ito kaya ang maputi at makinis na naman nitong pang upo ang nakikita ng manyak kong mata.
"Kung ayaw mong ipasubo ko na naman ito sa 'yo!" narinig kong sabi niya bago bumagsak ang pinto ng silid na pinasukan niya. Ghad, I hate tonsilitis!

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon