BEKI SI BLACK
( U-Prince 1 )by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 16
"Black, punta ka raw sa bahay ninyo. May ibibigay si Tita Kim sa 'yo," kakalabas lang nito sa kuwarto at mukhang kakatapos lang maligo dahil tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok.
"Doon na ako galing kahapon. Bakit ba pinapabalik nila ako? Pasabing tinatamad ako." Inutusan pa niya ako. Makapag-utos 'to, akala niya, tauhan lang ako.
"So? May ipapasabi ka pa?" tanong ko.
"Wala na." Pumunta ito sa kusina at naupo sa mesa. "Psh, alam naman niyang pagod ako sa biyahe."
Kakarating lang nila kahapon galing kay Lyn. Buong bakasyon ay nasa ibang bansa sila para makasama ang kapatid. Sinasamahan din daw nila ang mga Lacson na mamasyal at pumunta sa mga kamag-anak dahil hanggang ngayon, nagluluksa pa rin ang pamilya sa pagkamatay ni Lola Patch lalo na ang quadruplets e alaga talaga iyon ng matanda. Ganoon pa rin. Maloko at palangiti ang apat pero silang magpamilya ang nakakaalam ng lungkot ng mga ito. Pagdating nga i Black, natulog agad ito at hindi na nakalabas pa ng kuwarto.
"Enrolled na ba ako?" tanong niya habang kumakain ng niluto ko.
"Oo, pina enroll ko na kayo." Kasama ko naman ang secretary ng pamilya nila sa pagpapa enrol kaya hindi ako nahirapan. In fairness, mataas ang grado niya. Si Sky lang talaga ang medyo lagapak sa kanilang tatlo. Mas lalo na si Erika. Tatlo ang line of seven nito. Mula kasi nang ibinigay nina Tito sa mapapangasawa nito, naging pabaya na.
"Kamusta ka naman habang wala ako?" nilalagyan niya ng ketchup ang plato niya. Kapag pork chop ang ulam, R.I.P talaga sa ketchup. Tama sina Sky, sa ketchup pa lang, alam na bakla 'tong si Black. Mahilig sa PAPA.
"Okay naman. Nandito lang ako sa condo at nagpapalamig sa kuwarto ko," Sagot ko.
"May pinapunta ka rito?" ang mukha niya ay hindi ko ma explain. Parang leon, kalabaw, baka, basta! Biglang nagkaroon ng sungay.
"Wala ah. Wala naman akong kaibigan." Tumaas na naman ang kilay nito na para bang hindi naniniwala. "Totoo nga. Kahit na tingnan mo pa sa cctv," dagdag ko.
"Huwag na. Tingin mo sa akin? Detective? Isa pa, pakialam ko sa buhay mo?"
"Parang ayaw mo kasing maniwala, eh."
"Dahil minsan, hindi ka naman talaga kapani-paniwala."
"Mag-aaway na naman ba tayo? Sawa na kasi ako sa bangayan natin, Black!" Pasinghal na sabi ko. Paulit-ulit lang talaga kami kapag mag-usap. "Kaya nga mas gusto ko pang makausap si Sky kaysa sa iyo dahil mas matino pa siyang kausapin!"
"Bakit hindi nalang si Sky ang ibinahay mo kung ganoon?" pabagsak na inilapag niya ang hawak na kutsara tsaka tumayo.
"Ikaw ang nagbahay sa akin, remember?" paalala ko.
"Eh kung ayaw mo, umalis ka sa pamamahay ko!" Pagtataboy ng baklang 'to. Kakakita lang namin pero heto na naman po kami.
"Condo rin ito ng kapatid ko!" Sabat ko. "Kaya hindi mo ako puwedeng palayasin dahil lahat ng ari-arian niya ay sa akin mapupunta!" Mali mang gamitin si Jigs pero sa ganitong aspeto, kailangan na talaga.
"Psh!" Naglakad ito patungo sa pinto at pabagsak na isinara nang lumabas.
Saan kaya nito namana ang pagiging suplado at moody? Hindi naman ganito ang pamilya niya. Ang hirap talaga pakisamahan ng baklang 'yon!"[Black Pov ]😀😀😀😀
Badtrip! Pagod na nga ako sa buong biyahe, nakipagtalo pa sa akin ang babaeng iyon! Ano ba naman ang magtanong ako kung may pinapunta siya sa condo? Wala namang masama dahil condo ko rin iyon at tungkulin kong alamin ang mga lumalabas-pasok sa pamamahay ko pero tinaasan pa ako ng boses.
Kakahimpil ko lang ng ducati ko rito sa labas ng bar ni Kean. Sa gym ang nauna kong maisip na pumunta pero wala namang mapaglibangan doon. Gusto kong tumungga ng alak. Ganito naman ako palagi kapag nagkakaproblema. Tahimik lang at dinadaan sa alak ang lahat. Si Sky naman, dinadaan sa pagwawala kapag magalit.
Sa pinakadulong table ako naupo. Wala rito sina Kean. Bukas pa raw ang balik galing sa Spain kasama sina Tito Kyler. Mabuti pa si Kean, pinatayuan ni Tito Kyler ng bar. Marami-rami na ang mga tao. Ilang mesa na lang ang natitirang bakante. Nagse-set na nga ang DJ ng mga gamit para mamayang hating gabi.
"Hi, mag-isa ka yata?" familiar sa akin ang boses niya kaya tumingala ako sa lalaking nasa harapan ko.
"Mukha ba akong may kasama?" inabot ko ang menu list na inabot ng waiter sa akin.
"Sabi ko na nga ba, wala eh." Nakangiti nitong sagot. Bakit ba ang cool palagi ng lalaking 'to?
"Kailan pa kayo umuwi?" tanong nito.
"Kahapon lang. Ikaw?" nakasalubong ko siya sa isang mamahaling restaurant sa Paris kasama ang parents niyang nagbabakasyon din.
"Ah, nauna pala ako sa iyo. Last week pa. Nauna na ako kina Daddy dahil may mga importante kaming inasikaso." Sagot nito. "Ano ang order mo? My treat!"
"Kaya kong magbayad," alam ko namang hindi niya intensiyon na insultuhin ako.
"Ah, ikaw talaga. Sige na. Celebrate natin ang friendship natin!" Masigla nitong wika. Talagang nais nitong makipagkaibigan sa akin. Hindi na ako nakatanggi nang mag order ito ng inumin.
"Spencer, hindi ba tayo mai-isyuhan nito?" tanong ko. Iwas gulo lang ako. Nasambit nito noon na may mga nakaalam na bisexual siya dahil ipinagkalat ng mag ex's niya.
"Hindi naman dahil alam naman nating wala tayong relasyon. Isa pa, chill! Lalaki pa rin ako tingnan." Pinagmasdan ko siya. Kung sabagay, mas mukha pa nga itong lalaki kung kumilos kaysa sa akin. Ito lang yata ang baklang walang pakialam sa sasabihin ng iba kahit na hindi na plantsa ng maayos ang polo nito. Pasalamat na lang siya, guwapo siya dahil kung hindi, ewan ko lang. Damn! Did i say na guwapo siya? Fine! Cute naman siya pero wala akong gusto da kaniya. Humahanga lang? Basta!
"May girlfriend ka na kaya bawal ang magnasa sa kaguwapuhan ko," nakangiti nitong sabi kaya kitang kita ko ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin.
"Hindi ka naman mayabang, ano?"
"Hindi naman. Lalo na kung may maipagmayabang naman." Puno ng pagmamalaking sabi nito. Ang presko!
"Black, paano kayo nagkakilala ni Nathalie?" tanong nito. "Alam mo, masuwerte ka pa dahil may babaeng tanggap ka kung ano ka. Samantalang ako, inabuso lang nila ang kasarian ko." Tinungga niya ang laman ng isang boteng alak. Okay, naaawa ako sa karanasanan niya. Alam kong niloko rin ni Jigs noon si Taira pero ni minsan, hindi lumabas ang sikreto namin. Hindi niya lang ako pinapansin pero alam kong darating ang araw na magiging okay din ang lahat. Babalik din kami ni Taira sa dati.
"Darating din ang tamang babae para sa 'yo." Ani ko.
"Sana nga. Alam ba ni Nathalie na bi ka?"
"Oo. I m-mean..." shit!
"Huwag kang mag-alala, walang ibang makakaalam sa lihim mo. Kahit hindi mo aminin, alam ko naman." Mukhang mapagkatiwalaan si Spencer. Napako ang mga mata ko sa lalaking papasok na may inaakbayang babae. Medyo madilim na dito sa gawi namin kaya hindi niya ako napansin..
Tuloy-tuloy lang sila ng babaeng kasama niya sa table na nasa harapan namin. Tinungga ko ang boteng nasa harapan ko at nagkunwaring hindi ko siya nakita.
"Ano pala ang ginagawa mo rito?" tanong ko kay Spencer para libangin ang sarili ko pero pinakiramdaman ko si Alwyn.
"Kakanta ang kaibigan ko mamaya kaya bilang mabait na kaibigan, todo support ako."
"Alas otso pala ang banda tapos alas dose, opening ng dance floor na." Sabi ko. Damn, alam kong nakatingin si Alwyn sa akin pero nang mapasulyap ako sa kinaroroonan nila, wala na ang mga mata niya sa akin. Binabantayan ba niya ako? O nagkataon lang na nandito rin siya? Hindi kaya... Damn! Huwag naman sana. Umaasa ako na wala nang karugtong ang kaso ni Jigs kapag masolve na namin.
"Ihahatid na kita mamaya sa condo ninyo," bulong ni Spencer sa akin.
"K-Kaya ko na..."
"C'mon. Kailangan mo ng company. Sa panahon ngayon, mahirap na ang magpagabi sa kalsada. Isa pa, gusto ko rin na may kasamang umuwi mamaya." Tumango-tango na lang ako bilang pag sang-ayon. Tama siya. Kailangan ko nga ng makakasama.
BINABASA MO ANG
Beki si Black
ChickLitIsa lang akong simpleng babae. Naging stalker ng isang lalaki at nagising na lang bigla na nasa isang condo unit na ako nakatira kasama ang lalaking kinamumuhian ako! Isa siya sa mga anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Guwapo, matalino, map...