BEKI si BLACK ( U-Prince 1 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 17
"Guys, Let's hear the beautiful voice of our friend, iyong tipong mapapainlove kayo kapag marinig ang mala anghel na boses niya, SPENCER!" Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Bolero rin itong vocalist nila.
"Kakanta lang ako," paalam niya sa akin at tinapik ang balikat ko. Ayaw pa sana niya pero mapilit ang mga ito plus dagdagan pa ng costumers.
"Hello, mic test." Sabi niya habang inaayos ang microphone. "Huwag kayong maniwala sa kaniya. Likas na bolero lang talaga siya," natatawang sabi nito na ang tinutukoy ay ang vocalist na kaibigan. Sumenyas ito sa guitarist ng kantang aawitin.
"This song is dedicated sa lahat ng girls out there! Sana magustuhan ninyo," wika niya habang nag-i-intro ang mga kasamang drummer at guitarist.
Minsan, ang sabi niya sa akin sandali na lang...
Panimula niya sa pagkanta. Tahimik ang lahat na nakikinig sa malamyos niyang boses. Kahit ako ay mataman na nakikinig din. Nakakaaliw siyang pagmasdan dahil makikita ang pagkagiliw niya sa pagkanta.
"Hindi ko alam kung makakaya ko pa. 'Di bale na lang kaya. Basta mahal ko siya..." nakisabay din ang mga costumers na babae sa pagkanta. Ngumiti ako nang mapasulyap siya sa akin at palihim na kumindat. Heto na naman ako. Ayaw ko nang ganitong pakiramdam towards sa kapwa ko lalaki. Ang hirap! Sana lang, mapigilan ko kung ano man itong sumisibol sa puso ko. Mali ito! Maling-mali.
Matapos ang kanta ay naghiyawan ang mga nasa paligid. Dahil masyado akong nawili sa pag perform niya, nakalimutan kong nasa paligid lang si Alwyn. Shit! Nakita ba niya ang reaksyon ko? Wala naman yata akong ibang ginawa. Ni hindi nga ako nakipagsigawan ko nakisabay sa kanta ni Spencer.
"Sorry kung pangit ang boses ko," nakabalik na pala ito sa harapan ko. Hinahanap ng mga mata ko si Spencer pero hindi ko na mahagilap. Baka umuwi na.
"Dito ka lang. Sasagutin ko lang ang tawag ni Dad. Kanina pa siya tumatawag, eh." Tumango ako. Sa CR siya papunta. Kung sabagay, doon lang ang medyo tahimik na area sa bar na ito dahil nag-uumpisa nang bumukas ang dance floor. Inililigpit din mga nagbabanta ang mga gamit sa mini stage nitong bar.
Tama ba ang ginagawa ko? May girlfriend akong tao pero nakipaglapit ako sa bisexual na katulad ko? Okay lang naman sana kaso alam kong iba. May iba akong nararamdaman towards him. Fuck!
"Gusto ko nang umuwi," wika ko nang bumalik siya sa table namin.
"WHAT?" sigaw niya dahil palakas ng palakas ang ingay. Naghihiyawan na ang iilan sa gitna ng dance floor.
"UUWI NA AKO." Pasigaw na sagot ko.
"SABAY NA TAYO!" Sagot niya saka inilapit ang mukha sa akin para marinig ko. Kaya heto na naman ako, naiilang! "PASENSIYA KA NA, HINDI KASI ALAM NI DAD NA UMALIS AKO!"
Sabay kaming lumabas ng bar at hindi nag-uusap patungo sa parking lot.
"Paano 'yan, may kaniya-kaniya tayong sasakyan." Ani ko habang nakatingin sa kotse niya.
"Don't worry. Gamitin na lang natin ang sasakyan ko. Mahirap mag motorsiklo kapag gabi na at tayong dalawa." Sasabihin ko sana na uuwi akong mag-isa kaso tama naman siya.
"Sige, kotse mo na lang." Pag sang-ayon ko.
Maayos ang daloy ng trapiko. Malapit na kami sa MOA nang biglang may dumikdik na sasakyan sa minamaneho siya.
"SHIT!" Pagmumura niya at kinabig ang manibela pero hindi pa rin natitinag ang itim na sasakyan.
"ANO BA! ANG LAWAK NG KALSADA!" Nagco-concentrate pa rin siya sa pagmamaneho. May kung anong bumundol sa dibdib ko dahil sinasadya na talaga nito. Pinipilit na iwasan ni Spencer ang mga nakakasalubong na motorista.
"DAMN! MAG-INGAT KA!" Sabi ko na kung puwede lang ay ako na ang magmamaneho.
Ang kaliwang kamay ay nagmamaneho at ang isa ay may idinudukot siya sa ilalim ng upuan. Baril!
"FUCK!" sabi ko at napahigpit ang hawak sa seatbelt nang muli nitong banggain ang gilid ng aming sinasakyan.
Bang!
Napahiyaw ako at napahawak sa ulo nang binaril ng lalaki ang sasakyan namin na sa compartment lang tumama dahil mabilis ang pagpatakbo ni Spencer
"A-Ano ang gagawin mo?" natarantang tanong ko nang binuksan niya ang bintana.
Bang!
Gumanti siya. Hindi ko alam kung natamaan niya ang tao o sasakyan pero biglang tumigil ang humahabol sa amin.Nang sulyapan ko sa rearview mirror ay flat ang unahang gulong nito.
"Okay ka lang, Black?" nag-aalalang tanong niya at medyo binagalan ang pagpapatakbo.
"O-Okay lang ako but please, pakibilisan ng pagmaneho. Gusto ko nang makarating agad sa condo," napahawak ako sa dibdib ko. Nagpapalpitate ako. First time ko ito. Kahit yata kalamnan ko ay nanginginig sa takot. God, muntik na akong mamatay!
"S-Sorry. As in sorry, hindi ko inaasahang mangyari ito." Napahampas siya sa manibela. "Wala naman akong naalalang na agrabiyado natin kanina sa bar."
"W-Wala kang kasalanan. Baka napagtripan lang tayo," sabi ko. Ayaw kong sabihin sa kaniya na baka ako ang habol nila.
"Hindi. Kailangang malaman ito ni Daddy at managot ang kung sino mang nagmamaneho ng walang hiyang sasakyang iyon!" Naiintindihan ko ang galit na lumalabas sa mga mata niya!
Nakarating kami sa condo building ko na parang hinahabol ni Kamatayan ang sinasakyan.
"Ihatid na kita..."
"Huwag na. Okay na ako. Mahigpita ang seguridad ng mga Lacson," panigurado ko pero kung puwede lang sanang pakiusapan ito na sumama hanggang sa unit ko ay gagawin ko.
"Mag-ingat ka, Black. Sorry talaga sa nangyari."
"Wala iyon." Tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ang pinto. "Salamat sa pagligtas mo ng buhay ko." Tuluyan na akong bumaba. Sumilip ako sa kaniya. "Mag-ingat ka. Tawagan mo ako kapag nasa bahay ka na ninyo," sabay abot ko ng calling card at isinara ang pinto.
Paano kaya kung wala siya at nag motor ako? Paano kaya kung wala siyang baril? Pareho sana kaming bangkay na ngayon? Nakatayo ako habang pinagmasdan ang papalayong sasakyan niya.
"Kanina pa kita hinihintay," muntik na akong napatalon nang magsalita si Nathalie sa likuran ko. "Tumawag ako kina Mommy mo pero wala ka raw doon." puno ng pag-alala ang nakaukit sa mga mata niya.
"Gusto ko nang magpahinga." Wala sa mood na sagot ko. Lahat yata ng nainom ko biglang naglaho dahil sa nangyari.
"May nangyari ba't ganiyan ang mukha mo?" nakabuntot siya sa akin hanggang sa makarating kami sa elevator.
"Wala." Sumunod siyang pumasok. Pinindot ko ang 7th floor matapos pumasok ng dalawang residente rito.
Mabuti naman dahil hindi na ito umimik pa. Dinukot ko ang card sa bulsa at para iswipe sa pinto saka pumasok.
"Kumain ka muna," yaya niya.
"Busog ako." Pasalampak na naupo ako sa couch. May kaunting kaba at takot pa rin sa puso ko.
"Sorry kung nag-away tayo kanina. Alam kong pagod ka," pinagmasdan ko ang mukha nito. Parang may sasabihin ito pero mas piniling huwag nang umimik.
"Wala iyon. Matulog ka na. Malalim na ang gabi." Hinilot ko ang sintido ko. Masyadong magulo na ang mga nangyayari.
"Sige, dito ka lang." Pagsuko niya. Nahalata siguro nitong ayaw kong makipag-usap.
"Black?" muling tawag niya. Tumingala ako para makita ang mukha niya.
"Sa susunod, mag-ingat ka." Makahulugang sabi nito bago tuluyang pumasok sa kuwarto niya. May alam ba si Nathalie tungkol sa nangyari sa amin ni Spencer kanina?

BINABASA MO ANG
Beki si Black
Chick-LitIsa lang akong simpleng babae. Naging stalker ng isang lalaki at nagising na lang bigla na nasa isang condo unit na ako nakatira kasama ang lalaking kinamumuhian ako! Isa siya sa mga anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Guwapo, matalino, map...