7

1.9K 73 0
                                    


BEKI SI BLACK

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  7

"Black? Kailangan ba talagang magbihis ako ng maayos?" kanina pa kami nagtatalo dahil ayaw niyang magpalit ng damit. Naka pantalon, stripes na turtle neck shirt at puting sombrero.
"Party ang pupuntahan natin hindi palengke!" kanina pa ako naiinis. Hindi ko na sana ito isasama kaso si Mommy, pinipilit akong isama siya.
"Sasayaw lang naman tayo doon. Bakit kailangang mag-ayos? Bas--"
"PAPALIT KA O HINDI?" napaatras ito nang sumigaw ako at tinapunan siya ng throw pillow na sinadya ko namang hindi ipatama sa kaniya.
"Wala akong pamalit!" Napakagat ito sa ibabang labi. "Wala akong dress o kahit na ano mang damit. Alam mo namang hindi ako mahilig sa ganiyan. Hindi kami nag gaganiyan sa bundok." Hindi ako makapaniwala sa narinig.
"Kanina pa tayo nagtatalo rito tapos ngayon mo lang sabihin na wala kang damit?" matutuyuan ako ng dugo sa babaeng ito.
"E wala nga. Hindi yan uso sa bundok."
"Ah, ano ang uso sa inyo? Ang pumatay ng tao?" natahimik ito.
"S-Sorry, hayaan mo, bibili ako kapag may pera. Ang mahal naman kasi." Reklamo niya.
"Hindi ba, binigyan ka nina Ate ng party dresses?"
"Oo pero naiwan ko sa Antique. Alam mo namang wala akong dalang damit. Hinila lang ninyo ako para sumama," pagdadahilan niya.
"Sana nga, hindi ka na sumama!" Sagot ko.
"Sana nga at nang matahimik ako." Mabilis na sagot nito.
"Ang kapal ng mukha mo! Para ano? Takasan mo ang mga kasalanan mo rito sa Maynila?" kumulo na naman ang dugo ko. Sinusubukan kong maging mabait sa kaniya dahil alam kong may dapat pa akong malaman pero kapag ganito ang makausap ko, nakakalimutan ko ang maging mabait. "Makakatakas ka sa batas pero hindi sa akin!"
"I-Ikaw na lang ang umalis. Maiwan na lang ako rito." Pag-iiba niya ng usapan. Kahit siguro baliktarin ko ang babaeng ito, walang balak na magsalita tungkol sa kaso ni Jigs.
"Tara na nga!" ano pa nga ba ang magagawa ko? E, mukhang ito lang yata ang matino niyang damit.
Late na Kami nang makarating sa party ng anak ng kaibigan nina Mommy. Pagkapasok namin ay gusto kong lumubog sa lupa dahil si Nathalie lang talaga ang nakapantalon.
"U-Uuwi nalang kaya ako? Mukhang nakakahiya," bulong niya habang nakabuntot sa likuran ko.
"Sana naisip mo iyan kanina bago ka nagbihis. Tanggalin mo nga ang sombrero mo!" kung hindi lang ito babae, kanina ko pa tinadyakan.
"BLACK, anak ko..." tawag ni Daddy nang makita kami. Kasama niya sina Mommy at Erika.
"Dad," hinila ko itong kasama ko palapit sa kana.
"Mabuti naman at nakarating kayo ng maaga. Alam niyo bang kanina pa kami naghihintay?" lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat.
"Mommy!" Masiglang bati ni Sky kasama si Blue kaya ang mga mata ng bisita ay nasa amin na. "Hi, Nat-Nat, ang ganda mo."
"Nasaan si Taira?" usisa ko kay Sky.
"Hindi sila dumalo. Si Amanda ang kasama ko," sagot niya.
"Kayo pa rin?"
"Oo naman. Wala naman akong ibang kasintahan," nakangising sagot nito at nagpaalam para salubungin si Amanda na papasok.
"Uy Kevin, Kyler!" Tawag ni Daddy kina Tito na kakapasok lang.
"Long time no see, bro!" Nananabik na wika ni Tito Kyler sa kakambal. Well, kahit hindi aminin, alam kong namimiss din ng mga ito ang isa't isa. Si Mommy ay nakipag beso-beso kina Tita Ella at Tita Yna.
"Guys?" pukaw ni Daddy sa kaharap namin at inakbayan ako. "Si Nathalie pala, ka live-in ni Black!" Nabigla ako sa pagpakilala niya saka inakbayan si Nathalie na ngayon ay pulang-pula na ang mukha sa hiya.
"Hello po," magalang na bati ng babaeng 'to. Kung hindi ko lang alam na killer ito, iisipin kong anghel na bumaba sa lupa dahil sa sobrang ka inosentihan. Ilang beses din ako naging handa dahil kung napatay niya si Jigs, hindi malabong mangyaring magagawa rin niya sa akin iyon.
"Ang ganda pala ng asawa mo, hijo." Ani Tito Kyler na pinagmasdan ang mukha ni Nathalie.
"Nasaan ho sina Kean at Keana?" himala, nagsalita si Blue.
"Sa bahay. Ayaw sumama ng dalawa. Alam niyo namang tamad ang mga iyon." Sagot ni Tito Kyler.
"Maiwan muna namin kayo. Pupuntahan lang namin ang nag organizer ng party na ito," paalam ni Tita Yna at hinila si Tito Kyler sa palayo sa amin.
"Sunod na muna kami kina Kyler. Babalik lang kami," nakangiting paalam ni Tita Ella. Ang ganda nito at hindi halatang dumaan sa matinding sakit.
Nang wala na sila sa harapan namin ay bumulong ako kay Daddy. "Dad naman. Bakit mo sinabing nagli-live in na kami ni Nathalie?" sita ko.
"Totoo naman. Bakit? Hindi ba?" inosenteng sagot nito.
"Sana kahit girlfriend na lang. Parang nakakaasiwa namang ka live-in talaga." Baka kung ano pa ang isipin nina Tito sa akin dahil ang bata ko pa. Menor de edad pa nga kung tutuusin dahil eighteen pa lang kami at itong si Nathalie ay mas matanda sa akin ng isang taon yata dahil second year college na ito. Ewan. Hindi naman ako interesado sa edad niya. Who cares?
"Okay na iyon. Kaysa naman sa sasabihin ko sa kanilang "BAKLA" ka!" Talagang diniinan niya ang salitang bakla kaya tumahimik na ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? E ayaw talaga nilang tanggapin na magiging bakla ako. Kahit si Mommy na nagsasabing okay lang, pero ramdam ko talaga na hindi pa rin okay.
Nauna na kami sa isang mahabang table. "Matagal pa bang matapos? Uwi na tayo." Yaya nitong katabi ko. Kanina pa ito hindi mapakali.
"Umuwi kang mag-isa mo!" Alam kong wala itong pamasahe at duda ako kung alam nito umuwi.
"Pahingi pera. Magtataxi ako," bulong niya kaya sinamaan ko ng tingin.
"Maghintay ka!"
Kinalabit ako ni Daddy saka bumulong. "Anak, sa condo niyo na lang ituloy 'yan. Huwag kang magkalat dito sa party." Psh! Binigyan pa ng malisya ang bulungan namin ni Nathalie. Kung alam mo lang, dad, ang tunay na pagkatao nitong babae.
Ilang sandali pa ay nagpaalam si Nathalie na pumunta sa banyo.
"Hindi ba talaga mapipigilan 'yan?"
"Kanina pa ako naiihi."
Hindi ko na siya napigilan nang tumayo ito.
"Saan pupunta si Nathalie?" tanong ni Ate Erika.
"Sa CR." Tipid na sagot ko.
"Alam ba niya kung saan ang restroom?" tanong ni Daddy.
"Malay ko." sagot ko.
"Malamang hindi. Alam mo namang baguhan lang si Nathalie rito. Psh! Ano ka bang klaseng kasintahan?" panunumbat ni Sky. Aba, akala mo kung sino. Pustahan, nagpapakitang gilas lang ito kay Amanda. Sina Mommy naman ay panaka-nakang kinakausap si Amanda pero si Daddy, hindi talaga lalo na si Erika. Obviously, hindi sila boto rito. Maki Taira kasi ang buo naming pamilya pero ayaw naman ligawan ni Sky. Gago talaga! Hindi naman kami bingi para hindi marinig ang ungol nila noon sa probinsya. Kaya siguro umiiwas si Taira dahil dito. Si Sky naman ang manhid. Hindi man lang makaramdam.
"Sundan ko lang siya," pagbo-boluntaryo ni Blue.
"Ako na." Mabilis na tumayo ako sinundan si Nathalie. Nakita kong nagtatanong ito sa waiter kaya sinundan ko. Napasandal ako sa pader na nasa tapat ng labas ladies room para hintayin siyang lumabas.
"Black, right?" tanong ng lalaking kakalabas lang sa men's room. Ito ang lalaking naglagay ng gamit sa tabi ko noong isang araw sa gym.
"Yupz. And you are?" wala sa mood na tanong ko at pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Mas naging guwapo pa ito kaysa noong una kong kita dahil sa suot nitong formal suit.
"Like what you see?" nakangisi nitong sabi kaya tinaasan ko ng kilay.
"If yours is bigger than mine, then, baka sakaling magustuhan ko." Isang mapanuyang ngiti ang ibinigay ko. Kung babae lang ako, masasabi kong ang presko nito. Napansin ko ang pagtagis ng bagang niya. Sabihin na lang nating bisexual ako kaya alam ko ang amoy ng kapwa ko. Alam kong may idea ito sa tunay kong pagkatao. Ganoon na ba ako ka visible sa kaniya?
"Well, gusto mong makita?" hamon niya.
"Hindi ako interesado."
"May nextime pa naman. See you around," napabuntong hininga ako nang papalayo na siya. Ayaw kong magsinungaling sa sarili ko. Guwapo nga siya pero alam kong maliit kaysa sa akin ang nota niya.
"Bakit mo ako sinundan?" nasa harapan ko na pala itong babaeng 'to.
"Baka kasi mawala ka. Dibdib mo lang naman ang malaki sa 'yo, hindi ang utak." pang-iinsulto ko.
"Talaga? Mas masarap naman ang gatas kaysa sa utak kaya keribels lang," ayaw talaga niyang papatalo.
"Ihi muna ako. Hintayin mo ako," sabi ko at pumasok na sa restroom.
Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na ako.
"Hindi ka ba nahihiya? Pupunta ka sa party na ganiyan ang ayos?" nandidiring wika ng babaeng may maiksing buhok.
"Oo nga. Hindi ka ba nahihiya sa pamilya ni Black? Villafuerte pa naman sila." Pag sang-ayon ng kasama nito. Alam kong napapahiya na si Nathalie.
"Honey..." tawag kosa seryosong tono kaya napalingon silang tatlo.
" Pasensiya ka na kung naghintay ka ng matagal." ngumiti ako ng sobrang tamis sa kaniya at hinalikan siya sa mga labi. Gaya ng inaasahan, napatulala na naman ito sa ginawa ko. "Halika na, alam mo namang ayaw ng pamilya kong mawala ka sa paningin nila lalo na si Daddy. You know, boto sila sa iyo..." iginiya ko na siya pabalik sa party hall. Damn, ang hirap makipagplastikan lalo na't hindi ako sanay.
"Salamat, Black." pasalamat niya nang matauhan.
"May bayad 'yon."
"Babayaran kita..."
"One hot blow job lang, sapat na." Biro ko pero napamura naman ako kaagad sa isip dahil sa sinabi. Bigla na lang kasing uminit ang pakiramdam ko.
"Sige. Basta baliktaran para patas tayo," bulong niya at pinisil pa niya ang braso ko. Shit! Ang sexy ng boses niya. Seryoso ba siya? Tumatawa na lumapit siya kina Daddy habang naiwan akong wala sa sarili.
"Ano ang nangyari sa 'yo, Blue?" tanong ni Daddy. Naupo ako sa tabi ni Nathalie.
"Uy, natahimik ka diyan? Excited ka na, noh?" bulong nito.
"Tumahimik ka nga diyan!"  Saway ko saka kinurot siya sa hita na nasa ilalim ng mesa. Ngingiti-ngiti naman ito. Badtrip!

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon