[[25]] Friends

2.6K 106 7
                                    

Lucifer's pov



"ito suotin mo" nakangiting abot sa akin ni aira ng uniform ng pambabae "ah—" aangal sana ako kaso bigla niya akong pinagtulakan papasok sa loob ng banyo napabuntong hininga naman ako pano nga ulit ako napasok sa ganitong sitwasyon?


kung hndi ako nagkakamali dahil yun sa ininom ko kailangan kong makabalik sa normal tinignan ko ang uniform ng class S na pangbabae na binigay ni aira sa akin lumunok muna ako bago ko sinubukang suotin...



nang matapos kung isuot tumingin ako sa salamin at halos mamula ang buong mukha ko hndi ko akalain na ganito pala kaiksi ang palda na ito buti hndi nasisilipan si aira daihl ganito ang suot niya magpaparequest nga ako kay sir alfonso na pahabain pa ang palda na ito



nagulat naman ako sa biglaang pagkatok ni aira sa pinttuan"amm lucy tapos kana bang magbihis?" tanong niya "ahh o-oo ta-tapos na ako" sagot ko at nahihiyang buksan ang pintuan pagkalabas ko bigla namang kuminang yung mga mata niya "wahh ang cute mo naman" natutuwang puri niya at hndi ko inaasahan ang mga sumunod niyang ginawa



"ang cute cute mo at ang bango bango mo pa!!" puri niya ako naman hndi makagalaw at tingin ko nga namumula ng sobra ang mukha ko bigla niya kasi akong niyakap "naku pasensya na hehehe" sabi niya at bumitaw na sa pagkakaakap sa akin "bagay sayo yung uniform hehe halika itotour naman kita dito sa school sigurado akong magugustuhan mo dito" nakangiting sabi niya hndi ko akalain na ganito pala siya makitungo sa mga babae ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya kadalasan kasi tahimik siya at hindi ganito kaligalig




habang kinakausap ko ang sarili ko ay bigla niyang hinawakan ang braso ko at kinaladkad palabas pero mabuti na lang at nakakapit ako sa isang shelf "teka lang pwede bang magpalit ako ng damit ayoko nito!!" sabi ko pero hinahatak niya padin ako "ano kaba bagay naman sayo eh!! wag ka ng mahiya!!" sabi niya at biglang dumulas yung mga kamay ko



at natangay niya "ano kaba wag kang mahiya!! maganda naman eh" nakangiting sabi niya "wala akong pakialam kung maganda ang kailangan ko yung mga damit na komportable" mahinang reklamo ko "may sinasabi kaba lucy?" tanong niya na may nakakakot na tingin "wa-wala" sagot ko nakakatakot din pala siya pero natutuwa ako dahil nakikita ko ang ganitong side niya kahit papaano



habang tinutour niya ako ay may biglang lumapit sa aming isang lalaki "hi aira" nakangiti pang bati nito.. sino naman itong pangit na lalaking ito? nakita ko ding ngumiti si aira sa kanya "hello sayo ret" bati din niya aba't magkakilala sila? bat hndi ko siya kilala? wag mong sabihing may namamagitan silang dalawa "nakakatuwa naman at natatandaan mo pa ang pangalan ko" sabay kamot niya sa batok tinignan ko ang kulay ng uniform niya.. so taga class A pala siya pano nakilala ni aira ang lalaking ito "oo naman! hndi naman ako makakalimutin pagdating sa mga pangalan eh" nakangiting sagot ni aira bat ba ngiti siya ng ngiti samantalang kapag sa akin ang tipid tipid niya tss



at isa pa mukhang nakalimutan niyang may kasama siya "*ehem*" tumingin naman sila sa akin tinignan ko yung lalaki na may nakakamatay na tingin napaatras naman siya "naku pasensya kana aira hndi ko alam na may kasama ka pala" tense na sabi niya "ah oo siya pala si lucy bago naming classmate sa class S lucy siya si ret nakilala ko lang siya kanina nakita ko kasing nahihirapan siya sa mga dala niya kanina kaya naman tinulungan ko" nakangiting pagpapakilala niya sa aming dalawa kanina lang? pero kung makipagngitian akala mo ilang buwan ng magkakilala tss "pasensya na sa pangiistorbo pero itotour pa kasi ako ni aira sa school na ito" sabi ko sa kanya

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon