14

5.4K 152 6
                                    

Lynx  (Pronounce as Links)


-----------------


Nang makarating na ako sa dorm, agad kong inihiga ang sarili sa malambot kong higaan, damang dama ko na ang pagod sa katawan ko na halos hindi ako makatayo sa sobrang pagod.

Ang nanalo pala ay si Brandon, at para sa akin hindi na kagulat gulat ang hiniling niya; gusto daw niya ng forever stock ng Deserts pero ang sabi nila ay wala naman daw forever kaya 1 year stock lang ang binigay sa kaniya, wala naman siyang magawa kung hindi ang pumayag.


Ilang minuto na din akong nakahiga sa hinihigaan ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.


---


Nagising ako dahil biglang sumakit yung tiyan ko sa gutom, napakamot ako sa ulo at napatingin sa orasan, alas tres na pala ng hapon. Alas otso kami nakarating sa Soul Academy at mahaba habang oras din pala yung naitulog ko; tumayo ako at agad na nagtungo sa kusina para magluto ng makakain.


Pero napatigil ako sa ginagawa ko ng may kumatok sa pinto ko, kaya naman itinigil ko muna pansamantala ang ginagawa ko at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha ni Wilfred na pawis na pawis, anong nangyari dito?


"Anong nangyari sayo? at teka, pwede ka bang pumunta dito? Girl's Dormitory to oh!" suway ko, hindi siya agad nakasagot dahil hinahabol niya pa yung hininga niya. Ano bang nangyayari sa kaniya?


"Hali ka! kailangan mong sumama sa akin dali!" nagulat ako ng bigla niya akong hinatak papalabas ng dorm ko. Ilang beses ko siyang tinatawag pero para siyang bingi!


Nang huminto na siya sa pagtakbo, tsaka niya lang binitawan yung kamay ko. Hingal na hingal ako dahil ang layo ng itinakbo naming dalawa! kung hindi ba naman siya abnormal meron namang nirerentahang bisikleta sa may gilid ng dorm namin!


Huminga muna ako ng malalim bago ko siya batukan ng sobrang lakas, napadaing naman ito sa sa sakit


"Aww! Why did you do that? ?" tinignan ko siya ng masama dahil sa walang kwenta niyang tanong


"What kind of question is that? Look at me ! My hair is messy like a nest, para akong ginahasa na ewan! wala pa akong suot suot na tsinelas!" Sa inis ko sinikmuraan ko pa siya


"Aira chill, wag mo ng bugbugin yang si Wilfred. Wala na ngang laban sayo yung tao eh" napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Lucian na naglalakad papalapit sa amin.


Tinignan ko siya ng masama, tinaas naman niya ang dalawa niyang kamay na nagsasabing hindi na siya lalaban "Bakit? gusto mong pumalit sa kaniya?" inis na tanong ko

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon