[[31]] Cookies & Her Sister

2.2K 72 3
                                    

hindi pa sumisikat ang araw ay gising na si aira dahil maaga siyang magbebake ng cookies dahil ito na yung araw na aalis na si renjie sa soul jail at ililipat sa central.. nangako kasi si aira na bibigyan niya ito ng cookies bago umalis kahit na alam niya na hindi niya ito kinakain

mahimbing pa ang tulog nung tatlo kaya sinamtala iyon ni aira para makaalis nagsuot muna siya ng jaket at isang sombrero.. bawal kasi siyang makita ng mga myembro ng class S dahil siguradong magagalit sila dahil hindi niya tinupad yung pangako nito.. nang makatapos na magbihis si aira ay lumabas na siya ng dorm niya pagkatapos ay dumeretso sa soul jail


pagkarating sa soul jail ay sakto namang kapapasok lang ni renjie sa isang high security na van lahat ng papasok dun ay hindi makakagamit ng kapangyarihan at bantay sirado ka din.. dahil sa loob meron ding apat na magbabantay sayo.. para sigurado talagang hindi ka makakatakas


isisirado na sana yung pinto ng van ng pinigilan iyon ni aira "wait.. wait po.. wag niyo po munang isisirado!!" hingal na hingal na pigil ni aira napatigil naman sila at napatingin sa kanya si renjie naman napairap nalang ng makita si aira paano kasi napaka kulit nito sinabi na ngang wag na siyang pumunta ... pero pumunta pa din siya 


"miss aira bawal ka po dito" sabi ng isa sa mga soul police "sir saglit lang po ibibigay ko lang po ito sa kanya" sabi ni aira sabay pakita ng baunan "pero miss aira" pigil nito "kuya saglit lang po promise!!" sabi niya napabuntong hininga nalang ang soul police at pinayagan na si airang lumapit alam naman kasi ng soul police na yun na palagi itong dumadalaw kay renjie.. 


"hello.. sabi ko naman sayo pupuntahan kita eh! ito oh! yung cookies ko" nakangiting sabi ni aira sabay abot ng baunan niya "tch hindi ko kakainin yan" pasupladong sabi ni renjie pero kinuha ni aira ang kamay nito at tsaka pinatong ang baunan "kainin mo yan ah!.. wag kang magalala wala yang lason hehe" nakangiting sabi ni aira na binalewala lang ang sabi kanina ni renjie napa 'tch' nalang si renjie dahil sa katigasan ng ulo nito "sige aalis na ako magiingat ka ah! kayo din po mag iingat po kayo" nakangiting pagpapaalam ni aira sa kanila "sige po miss aira.. pero diba po bawal kayong lumabas ng dorm niyo kasi--" hindi pinatapos ni aira ang sasabihin nung soul police dahil baka marinig ni renjie yung tungkol sa contest biglang kumunot yung noo ni renjie 


"a-ahh hehehe wag niyo nalang pong sabihin na lumabas ako.. siguradong lagot po ako sa kanila hehe (bulong na po sa part na ito) 'tsaka manong shh kalang ah!.. wag kang maingay tungkol dun sa contest baka malaman ni renjie'" bulong ni aira napangiti nalang ng alanganin yuung soul police at tumango "sige kung yan ang sabi niyo.. aalis na po kami miss aira" paalam nito tumango naman si aira at kumaway pumasok na sa loob yung mga soul police kasama ni renjie "bye bye!!" nakangiting pagpapaalam nito kay renjie pero si renjie hindi manlang lumingon sa kinaroroonan ni aira


nung makaalis na yung van na sinasakyan nila ay nagmadaling bumalik si aira sa dorm baka kasi magising pa yung mga kasama niya


Renjie's POV


tch ang kulit talaga ng babaeng yun.. sabi na ngang wag na siyang pumunta pa dito eh! tss hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ito ginagawa.. sa lahat ng mga ginawa kong masama sa kanya bakit niya padin ako pinapakitaan ng mabuti? baka siguro ay nagpapanggap lang siya para makuha ang loob ko.. kung ganun man pwes hindi siya magtatagumpay hindi ako uto uto


ano nanaman kaya ang gagawin ko dito sa binigay niya? tch 


Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon