19

4.9K 151 5
                                    

Dahil sa lala ng pinsala na natamo ni Aira nung nakipaglaban siya kay Brittney, halos maubos ang lakas niya. Ang puting liwanag na lumabas sa kaniyang katawan ay tinatawag na Restoration kaya nitong ibalik sa dati ang mga bagay na nasira kasama na ang mismong taong kumukontrol nito, tanging ang taong yun lamang ang gagaling at hindi kasama dun ang mga taong nakapaligid sa kaniya gaya na lang nang kay Brittney na nanatiling malubha ang kalagayan.

Pero sa tuwing ginagamit ang Restoration mauubos ang mana ng taong gumagamit nito at ang tanging paraan lamang para manumbalik ang nawalang mana, ay ang pag balik nito sa pagkabata.

"Ireliaaa sunuuggg!" napatalon si Irelia ng marinig niya ang sinabi ni Aira at agad na napatakbo sa kusina para tignan ang niluto niya, at gaya nga ng sinabi ni Aira nasunog na nga ang niluluto niya halos mangitim na ang itlog. Napabagsak ang balikat niya nung tumingin siya kay Aira, wala siyang karanasan sa pagluluto kaya imposible para sa kaniya ang pagluluto kahit pa itlog pa yun.

Irelia is a spirit that guides the current owner of the pendant, hindi pa siya nagpapakilala kay Aira nung nasa normal na katawan pa lamang ito dahil wala siyang chance para makausap siya. Ang dahilan ay dahil sa Match na sinalihan niya, araw araw siyang nag ti-training at pagdating niya sa dorm ay palagi na lang siyang pagod at agad na nakakatulog kaya naman wala siyang chance para makausap ito.

Nagkaroon lang siyang ng chance nang dahil sa kalagayan ni Aira ngayon, pag gising na pag gising ni Aira ay agad niyang ipinakilala nag sarili niya as her older sister. Alam niyang maniniwala agad ito dahil alam niyang ang pagiisip nito ay naging 4 years old na din kaya madali na lang niya itong nakumbinsi. Pinaalalahanan na din niya si Aira na wag sasabihin ang tungkol sa kaniya kahit na anong mangyari, pero walang kasiguraduhan kung tutuparin nito ang sinabi niya dahil after all bata pa lang siya.

Dahil isa na lamang siyang spirit, limitado na din ang mga kaya niyang gawin. Hindi niya kayang hawakan ang mga gamit ng limang segundo, pagkatapos ng limang segundo ay agad ding tatagos ang mga bagay sa kaniya. Kaya mas lalo siyang nahirapan sa pagluluto dahil inaasikaso pa niya si Aira, ang mga damit niya na malalaki para sa 4 years old na Aira ay pinaliit niya para lamang may masuot ito, pati na din ang uniform niya sa class S. Kaya halos maubos ang enerhiya niya, kahit na isa na lamang siya espiritu, may natitira pa din sa kaniyang kapangyarihan. Hindi man ito kasing lakas noon pero kahit papaano ay kaya niya pa ding gawin ang mag simpleng bagay gaya ng ginagawa niya sa damit ni Aira.

"P-pasensya na Aira, mukhang wala kang makakain ngayon, hindi kasi marunong magluto ang ate Irelia mo." nahihiyang sabi niya dito

"Aira is fine ate, bibili Aira food downstairs na lang." nakangiting sabi nito, napatingin sa kaniya si Irelia at halatang pinipigilan nitong kurutin ang pisngi nito. Napaka chubby kasi ng cheeks niya at mamula mula pa, kahit sino hindi kayang pigilan ang sarili nila kapag nakita siya pero dahil mahina na ang enerhiya ni Irelia ay hindi na niya kaya pang humawak ng bagay lalo pa kaya ang kurutin si Aira.

"Aira pick the letter in the table and put it in inside your bag." utos ni Irelia na agad namang sinunod ni Aira at tumingin ulit sa kaniya na parang nag aantay pa ng sasabihin "Remember this Aira, sa kulay puting uniform ka lang lalapit, like your uniform look." tumingin naman si Aira sa uniform niya at tumango tango kay Irelia "And also give the letter that you put in your bag to the people who have white uniform understand?"

"Aira understand, Aira will give the letter to the same uniform as mine" tatango tangong sabi nito kay Irelia, napangiti naman si Irelia dahil sa ka-cutan niya

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon