□□ 5 □□

2.1K 51 0
                                    

"Chapter 5"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Chapter 5"


"Okay let's take a break," agad naman akong napaupo sa sahig, sobrang napagod ang katawan ko, kung kanina mabigat ang katawan ko. Pakiramdam ko mas dumoble ngayon! "Kaya mo pa bang tumayo?" tinignan ko naman siya ng masama, mukha bang kaya kong tumayo, inirapan ko siya bilang sagot. Nakita kong bumulong siya at napangiti, hindi ko narinig kung ano ang sinabi niya dahil medyo malayo siya sa akin.

"Nagugutom ka na ba? kanina pa tayong 8 nag start at 12 na ng tanghali," napalaki naman ang mata ko, ibig sabihin apat na oras at na walang tigil ang pag titraining namin?! Natawa naman siya "Bakit gulat na gulat ka? Mukhang hindi mo namalayan ang oras, dalawa lang yan eh, It is either sobrang focus ka sa pag titraining natin o.." sinadya niya talagang bitinin ako kaya sinamaan ko siya ng tingin "o ano?" inaantay ko ang susunod niyang sasabihin "o naeenjoy mo lang talagang kasama ako" sabay tawa ng malakas, abnoy pala siya "oo sa panaginip mo" ilang beses ko na ba siyang inirapan ngayong araw? Tsk nakakainis naman kasi! Pero kapag siguro ibang tao ang kasama ko ngayon baka hindi ako ganito kung magsalita

"So ano? Nagugutom ka na ba?" tinatamad akong magsalita kaya tumango na lamang ako sa kaniya, "Kaya mo bang tumayo?" tanong niya ulit, pinakiramdaman ko ang sarili ko at mukhang kaya ko naman, marahan akong tumango "Tara, my treat," ngumiti siya sa akin at inilahad ang kamay para tulungan akong tumayo, nakaupo kasi kami ngayon sa lupa kung hindi niyo alam at sobrang sakit talaga ng katawan ko! Tinanggap ko naman ang kamay niya, kahit nahihirapan ay mabuti at nakatayo naman ako ng maayos.

"Dahan dahan lang sa paglalakad pwede? Ang sakit ng binti ko," sinamaan ko siya ng tingin, mabuti na lang at medyo binagalan na niya "Sorry, yun na kasi ang pinaka mabagal ko eh hehehe," sabay kamot sa batok niya, ang weird nito inirapan ko siya tsaka naglakad. "Alam mo bang nagugutom na ako, ilang oras ko pa ba tayo makakarating doon? Wala pa nga ata tayo sa kalagitnaan eh," reklamo niya, sinamaan ko naman siya ng tingin "Kung nagmamadali kang umalis, pwede namang hindi mo ako sabayan tsk," kalalaking tao napaka arte, "Pwede naman ding gawin ko na lang ito..." nagulat ako sa ginawa niya

"Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa akin ha?!" pinaghahampas ko yung ulo niya sa sobrang inis ko, buhatin pa naman ako?! "This is what you called bridal style in case you don't know," He said while still carrying me! Nakakainis na ah! "Ibaba mo nga ako! Nakakahiya masyadong maraming tao oh! Baka kung ano pa ang isipin sa ating dalawa." Patuloy pa din siya sa paglalakad habang buhat buhat ako, para bang wala siyang naririnig tsk! "Isipin nila kung ano man ang gusto nilang isipin, binuhat kita para mapabilis ang pagpunta natin sa cafeteria, dahil kapag inantay pa kita baka mamuti na ang mga mata ko kakaantay sayo." sagot niya habang nakatingin ng diretso sa daan, marami ng mga tao ang nakatingin sa kain mostly girls na masasama ang tingin sa akin, tinignan ko siya at mukhang wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya. Ganiyan ba ang nagagawa ng gutom?

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon