[[50]] Mr. Alfonso

1.7K 52 9
                                    

Hi sa inyo! ^-^ itong chapter na uto ay para kay mr alfonso.. Dahil kung hindi niyo alam ay may malaki din siyang part sa story na ito.. Kaya naman naisipan ko na ilagay ang kwento niya dito at kung ano ang bahagi niya sa buhay ni aira... So ito na po.. Enjoy reading...

(Si alfonso yung nasa taas.. Bata pa siya dian..)

----------

420 years ago

"Wag.. Please maawa ka" pagmamakaawa ng isang lalaki.. Duguan ito at bugbog ang katawan, gutay gutay din ang damit nito.. "Maawa? Para lang yun sa mga taong mahihinang taong katulad mo, sige patayin niyo na yan" utos nito sa mga alagad niya at umalis.. agad nilang sinunod ang utos nito at pinatay ang lalaki..

Lahat ng madadaanan niyang tao ay umiiwas ng tingin sa tuwing dumaraan siya.. Maraming takot sa kanya kasama na ang kanyang mga alagad, dahil kahit sa kunting pagkakamali mo lang ay walang awa ka na nitong papatayin.. Napatigil ito sa paglalakad ng may nakita siyang humahangos na lalaki papalapit sa kanya.. Kasabay ng pagtawag nito sa pangalan niya

"Ginoong Grey!!" Tawag ng isa sa mga alakad ni drakath hingal na hingal ito nung tumigil sa harap niya "anong problema?" Tanong agad ni grey (o mas kilala nating alfonso) "pinapatawag kayo ni master drakath.." Habol na hiningang sagot nito "sige, pupunta na ako dun" tanging sabi lang niya at umalis...

Alfonso's POV

Ano nanaman kayang kailangan ni drakath? Hindi pa ba sapat yung ginawa ko sa kanya? Sinabi ko ng ito na ang huli kong mission na gagawin sa kanya! Nang Nakarating na ako sa palasyo at agad siyang pinuntahan. Nasa harap na ako ng malaking pinto, binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaki.. Meron itong itim na sungay sa taas ng ulo niya at halos lahat ng suot niya ay itim.. katabi niya ang pinaka pinagkakatiwalaan niyang alagad si Nasus..

Lumapit ako sa kanila at nagbigay galang "ano ang maipaglilingkod ko sa inyo drakath?" Tanong ko "gumalang ka alfonso! wag mong tawagin lang sa pangalan ang ating panginoon!!" Inis na sita sa akin ni nasus pero tinaasan ko lang siya ng kilay kaya mas lalo siyang nainis.. "Tama na yan! Grey, kaya kita pinapunta dito ay dahil ibibigay ko sayo ang pinakahuli mong mission.." Pagaanunsyo niya nakaramdam ako ng tuwa dahil sa narinig ko pero bigla din itong nawala ng may nabasa ako sa isip niya 'dahil baka pagkatapos nun hindi na kita papakinabangan pa' nakita ko siyang ngumiti at hindi ko yun nagustuhan..

Meron akong dalawang kapangyarihan.. Ang isa ay kaya brain manipulation.. Kaya kong magbura o magdagdag pwede ko ding palitan at malaman lahat ng nasa utak mo..yun ang isa kong kapangyarihan.. Ang pangalawa ay ang mind reading, walang nakakaalam na meron akong pangalawang kapangyarihan at wala akong balak na sabihin yun sa kanila dahil kilala ko si drakath.. Habang may silbi ka sa kanya ay hinding hindi ka niya pakakawalan..

"Ano namang mission ang iyong ipapagawa sa akin?" Magalang na tanong ko, dahil baka bigla nanamang magreak si nasus.. Bigla itong ngumiti "kung hindi mo alam grey, mayroon tayong dadaluhang isang.. Hmm.. Paano ko nga ba sasabihin? Isang digmaan?" Patanong na sagot niya napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya "drakath, ayoko sanang makialam pero, tingin ko ay hindi pa handa ang iyong mga alagad para sa darating na digmaan" pagiimporma sa kanya "manahimik ka grey!! Walang sino man ang pwedeng kumontra sa ating panginoong drakath!" Inis na suway ni nasus, kunti na lang at malapit ng maubos ang pasensya ko sa kanya

"Nasus tama na!.. Grey, kaya nga kita pinatawag dito ay dahil gusto kong ikaw mismo ang mag turo sa kanila kung ano ang gagawin dahil alam naman natin na ikaw ang pinakamagaling pagdating sa pakikipaglaban? Tama ba ako?" Nakangiting sabi niya sa akin hindi naman ako nakasagot at napayuko na lang..

Ngumisi si drakath "wag kang mag alala grey dahil bibigyan naman kita ng oras.. Siguro mayroon kang sampung araw para matapos ito" nakangiting dagdag niya napaangat naman yung ulo ko "sampung araw? Kulang iyon para sa limangdaang tuturuan ko" protesta ko.. Bigla naman itong ngumisi "hindi ko na problema iyon grey, ikaw na ang mag isip kung paano mo ito matatapos.." Sagot niya napakuyom naman ako ng kamao.. Nabasa ko ang nasa isip ni nasus na lalong ikinainis ko! 'Mabuti yan sayo grey dahil masyado kang mayabang' tinignan ko si nasus at nakangisi lang ito habang nakatingin sa akin "sige, susubukan ko pero wag kayong umasa na magiging maganda ang ikalalabasan nito" sabi ko sa kanilang dalawa at tumalikod na at umalis.. Wala akong pakialam kung matalo man kami o manalo.. Dahil an  tanging gusto ko lang ay kumawala na sa pamumuno ni drakath at makapamuhay ng matiwasay...

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon