[[24]] Meet Lucy

3K 100 5
                                    

Aira's Pov

Bakit? Bakit ginawa niya yun? Bakit kailangan niya akong halikan sa labi? >\\\<

Andito na pala ako sa dorm ko at gaya nga ng sinabi ni Lucifer inihatid niya nga ako sa mismong harap ng pinto ng dorm ko... hndi na nga ako nakapag good night sa kanya dahil sobrang naiilang ako pagkarating na pagkarating nga namin sa harap ng pinto ng dorm ko agad akong pumasok at siniraduhan siya alam Kong bastos ang ginawa ko pero kasi naiilang talaga ako sa kanya...


Nakahiga ako ngayon sa higaan habang nakatingin sa kisame hndi ako makatulog dahil kapag pinipikit ko yung Mata ko nakikita ko ang mukha ni Lucifer


"Naman parang ayoko na tuloy pumasok bukas" sabi ko sabay lagay ng unan sa mukha ko


3rd Person's POV


Kinaumagahan hndi gaanong nakatulog so aira dahil sa kaiisip kung papasok ba siya o hndi pero sa huli at pinili nalang niyang pumasok dahil gusto niyang magpasalamat sa mga kaibigan...


Samantala


Maagang nagsidatingan ang mga istudyante sa class S para pag usapan ang mga nangyari andun din si Lucifer nagulat pa nga sila dahil ang akala nila at nasa elfcare ito at nagpapagaling pero wala lang siyang sinabi dahil Parang tanga lang itong napapangiti nawiweirduhan naman ang mga kasama nila pwera lang Kay alexus na tila may ideya kung bakit ganun na lang kumilos si Lucifer

Habang nag uusap usap ay may bigla namang dumating si sir Alfonso pero hndi lang siya nag iisa dahil may kasama itong isang lalaki na naka lab coat at nakapa salamin ng makapal


"Ang aga naman ata ninyong pumasok lahat? Kumusta na kayo? At bat Andito si lucifer akala ko nag papagaling siya?" tanong ni sir Alfonso "hndi rin po namin alam tinatanong nga po namin siya pero hndi naman siya sumasagot" sagot ni Prince Lynx


"Ganun ba? Pero mukha naman siyang o...key?" Nakatingin si sir Alfonso kay Lucifer na pangiti ngiti halatado sa kanya na wala siyang naririnig dahil busy ito sa kanyang munting imahinasyon



"Uh pabayaan na po nation siya bakit po ba kayo Andito at sino po yang kasama niyo?" Tanong ni alexus "ah siya ba? Siya si Dr. Steel isa siyang scientist pansamantala muna siyang mananatili dito gagamitin niya ang library kaya Sana wala munang pupunta dun oh siya sige aalis na ako" pagpapaalam ni sir Alfonso at umalis na "hello.. Ako si Dr. Steel kinagagalak Kong makilala kayo" sabay ngiti sa kanila "kami rin" sabi no Patricia "sige pupunta na ako sa library kumatok lang kayo kung may kailangan kayo... At Sana wag ninyong gagalawin o pakikielaman ang mga gamit na nandun yun lang Sana maging maganda ang araw niyo" sabay bow at umalis na


"Ano yun? Masyado naman siyang pormal kung makipag usap nakakailang tuloy siyang kausapin" sabi ni Brandon habang nakatingin sa pintuan ng library "oo nga eh..." Sang ayon ni Annie


"nagugutom na ako" biglang sabi ni Brandon binatukan naman siya ni Annie "tsk lagi kana lang nagugutom! Nagtataka ako kung bakit hndi ka tumataba?" Inis na sabi ni Annie "ganun talaga ang mga gwapong lalaki hndi tumataba hoho~" sabay taas ng braso at pinakita ang muscle niya napaikot nalang ng mga mata si Annie dahil sa kayabangan ni Brandon

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon