○○ 4 ○○

2K 49 0
                                    

“Chapter 4”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Chapter 4”

       ORAS NA PARA sa Afternoon class namin, agad kong nakita si Wilfred pagpasok ko sa room. “May representative na ba tayo?” bungad na tanong niya dito, napailing naman si Wilfred bilang sagot. Tila binagsakan ako ng langit at lupa sa naging sagot niya, sana makakuha na ng magiging representative! Ayokong sumali sa match nay un hangga’t maaari. “Mamaya pa natin malalaman kung sino, para makapag prepara na siya sa magiging laban niya sa darating na sabado.” Napakagat namana ko sa mga daliri ko, alam kong nakakadiri ‘yun pero mannerism ko na kasi yun lalo na kapag hindi mapakali “Bakit ba tense na tense ka? May problema ba?” tanong niya sa akin, agad ko naman siyang nilingon at parang nag mamakaawa ang mukha ko “Oo! Sobrang laki ng problema ko!” sagot ko sabay kagat ulit ng mga daliri, hindi na ako mapakali. Sana talaga ay hindi ko na nabangga yung babaeng yun eh! “Ano naman ang problema mo?” tanong niya pero sa libro siya nakaharap kumbaga parang kausap niya ang libro.

       “Kilala mo ba si Brittney? Yung taga class A?” napaisip naman siya saglit, “Siya ba yung may mahabang buhok na may pagka blonde at Malaki ang hinaharap?” tanong niya, inalala ko naman ang itsura nito at tumugma naman ang description niya kaya tumango ako “Oo, kilala din siya sa tawag na Medusa” My face furrowed as I looked at him “Medusa? Bakit naman Medusa?” isinara niya ang kaniyang libro at tumingin sa akin “For your information, in Greek mythology, medusa was a monster, a Gorgon, generally described as a winged human female with living venomous snakes in place of hair. Gazers upon hideous face would turn to stone. In Brittney's case the one who gazed in her face would be paralyzed, unlike medusa her hair will not turn into snakes, although her body can transform into a snake well to be exact, half snake and half human, so that is why they called her Medusa.” Napalunok ako sa sinabi niya, parang medusa? “Bakit mo nga pala natanong?” napakagat naman ako sa mga daliri ko “Actually kaninang umaga, nakabungguan ko siya. Hindi ko talaga sinasadya yun pero galit na galit talaga siya kanina! Kung hindi lang siguro dumating yung Student Council President ay baka kung ano na ang nangyari sa akin,” Tahimik naman siyang nakinig sa akin at nagpatango tango “Mukhang alam ko na ang problema mo.” Napatingin naman ako sa kaniya habang nakakunot ang noo “Base sa mga naging reaksyon mo kanina at sa naging unang tanong mo, may dalawang theory ako,” Theory? Nakatingin lang ako sa kaniya habang inaantay na magsalita siya ulit “Una, pinuntahan ka niya at sinabing sumali ka sa Match o natatakot kang mapiling representative dahil alam mong kasali siya sa gaganaping match? Tama ba?”

         “Malapit na yung una mong theory, sa totoo niyan hindi niya ako sinabihan na sumali ako, para bang sure siya na kasali ako! Ano ang gagawin ko?” Hindi na ako mapakali, “Relax lang, kung totoo ngang makakasali ka dun, don’t worry. Ipagdadasal kita hehehe,” sinamaan ko naman siya ng tingin, hindi kasi nakakatuwa eh! “Sorry, hahaha don’t worry kapag totoo nga yun tutulungan kitang makahanap ng paraan.” Pakiramdam ko kumislap ang mata ko nung tumingin sa kaniya “You are my heroooo!!! Thank you Wilfred hehehe,” kahit papaano ay nawala ang pangamba ko.

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon